Hermana's POV"Satana, hija." Nakita Kong may hawak siyang pluma ngunit agad niya itong itinago. Ano kayang pinagkakaabalahan ng apo kong ito?
"Hello po, Hermanaaaa!" Napangiti ako dahil sa taas ng enerhiya niya kahit gabi na. "Aah. Saan po kayo galing? Nagugutom na po kasi ako e. Hahaha!"
Naging matakaw na siya kumain nitong nakaraang araw. Hahaha. "Nagutom na naman ang apo ko. Pasesnya na, Satana. May dala na akong hapunan tara na sa baba."
Ibinaling ko ang tingin ko sa bintana ng may nakita akong isang itim na ibon. Matalim ang tingin nito sa'kin. Dahil sa spell na nilagay ko bago ako lumisan kanina ay walang makakakita sa kay Satana. Ngunit minabuti ko nang tanungin siya. "May pumunta ba dito kanina?"
"Uhmm. Wala naman po."
Alam kong hindi niya pa alam. Hindi niya mapapansin. "Mmm. Tara na sa hapag."
Santia's POV
* Door Knocks *
Nagising ako sa sunod-sunod na katok na galing sa pinto. Pero hindi ko pinansin dahil naantok pa ako. Ang aga aga pa kaya! Tiyaka nananakit pa ang ulo ko kasi halos madaling araw na ata na ako nakatulog. Argh!
"Satana."
Hindi na ako nagtaka nung pumasok si Hermana. "Alam Kong gising ka na. Tumayo ka na diyan."
"Hermana. Naantok pa po akooo—Ah yuhoo! Maliligo na pooo!" Dali-dali akong Tumayo nung titigan ako ng masama ni Hermana. Naku, Hindi pwede masira ang pangalan ni Satana sa katauhan ko. Kasi naman e!
"Mamaya ka nalang magpahinga. Magtutungo tayo sa pamilihan sa bayan."
Nanlaki ang mata ko sa excitement. Wooah. Seryoso? "Maghanda ka na."
"Opo!"
****
"Pumili ka ng nais mong bilhin, Satana. Heto ang pambayad. Babalikan na lamang kita dito. May bibilhin lang ako." Ani Hermana saka inabot ang maliit na pouch. Bakit andami atang bato nito?
Inilibot ko paningin ko sa pamilihan. Puros nga handicrafts at mga kasuotan ang itinitinda. Gusto ko sanang maglibot kaso nagugutom na ako.
Mariin kong tinitigan ang nahagip ng mata kong stall. Pakiramdam ko gumigiling ang puso ko sa kilig. Ito ang kailangan ko ngayon! Agad akong kumaripaa ng takbo papunta sa FRUIT stall.
"Uy Mangga!" Kumuha ako ng lima at itinabi sa may gilid. Paborito ko talaga 'to. Lalo na at kumikinang ang kulay dilaw nito. Mmm!
Dumampot din ako ng chico, atis, papaya, melon at ubas. Nakakatuwa kasi wala silang timbangan dito kaya hinahayaan lang ako ni Ateng tindera na kumuha. Walang kilo-kilo. Soya! Heaven!
"Uhmm—Magkano na po ang mga 'to?" Tanong ko at tinuro ang ginilid kong mga prutas. Nagulat pa ako kasi parang tinarayan ako ni Ateng. Oh baka namalik-mata lang ako?
"10 ginto at 3 pilak lahat. Hmp!" Ayy. May sama ng loob ba sa'kin' to?
Ginto at Pilak?
YOU ARE READING
Inside A Fantasy
FantasyAn accident, where reality and fantasy collide. Sa muling pagmulat ng kanyang mata, pantasiya na ang nakita. Where she be able to get back to reality or chose to live in her unreal story?