PARKING LOT
Alas-singko na ng hapon at dismissal na ng mga estudyante sa unibersidad. Ang ilan ay magtutungo na sa kanya-kanyang tahanan para magpahinga galing sa nakakapagod na araw ng pag-aaral. Habang ang iba nama'y mas pinipiling manatili at tumambay lang panandalian.
Mula sa parking lot ng paaralan, prenteng nakatambay ang tatlong magkakaibigan na may kanya-kanyang pinagkakaabalahan.
"Dun sa may Quiapo Singko. Maraming pagkain. Mura pa." Ani Kit. Ang babaeng prenteng nakasandal sa motor nito habang nagbabasa ng FHM na hawak nito. "Sakit na talaga ng sikmura ko mga bakla."
"Tara! Kanina pa din ako nagugutom e. Anong oras na ba?" Tanong ni Vanesse na siyang pinakamagiliw sa tatlo. She glanced at her wristwatch.
"5 na pala e. " Sagot sa sariling niyang tanong saka binaling ang tingin sa ngayo'y walang pakialam na si Santia. Habang busy naman sa paglalaro ng online game."Noob." Inis na sambit nito at gigil na gigil sa pagpindot ng mga controls ng laro. "Stupid. Sige, Mag-flicker ka palapit sa kalaban."
Lumapit si Vanesse kay Santia saka marahan itong niyugyog. "Hoy. Tama na kaka-ml, Santia. Nagugutom na akoooo." Humawak pa ito sa tiyan niya at hinimas-himas ito. "Pause mo muna 'yan. Mamaya ka na maglaro. " Dagdag nito.
Kunot-noong tumingin sa kanya ang kaibigan. "Hanapin mo 'yung pause diyan, Ness. " Kunwaring inabot ni Santia ang cellphone nito sa kaibigan ngunit laking gulat niya ng totohanin nito ang paghablot sa cellphone niya.
"VANESSEEE!"
*Launch attack!*
*initiate retreat!*
"Sh*t sh*t! Nagca-clash na ata. Aminaaa! "
Tatawa-tawa tumakbo at nagtago sa likod ni Kit si Vanesse habang nilalaro ang Mobile Legends. "B*bo daw si Fanny, Santia?! Eh hindi nga nila mahabol kapag nasabit e."
"Hayaan mo, ilalaban ko 'tong si Fanny. Go go go! Sabit sabit sabit Fanny! " Dagdag nito.
Inis na pumikit na lamang si Santia, saka naglakad papunta motor niya. "Mauubos nanaman ang credit score ko nito. " Ngunit hinayaan niya nalang si Vanesse sa ginagawa. Alam naman kasi niya na hindi papatalo ang kaibigan niyang ito sa kanya. Isa pa, may sakit sa puso si Vanesse kaya hangga't maari ay hinayaan nalang niya itong sumaya. Talagang tinatamaan lang ng pagkamakulit minsan.
"Lagot ka Kay Santia mamaya. Hahaha!" Ani Kit kay Vanesse na busy sa paglalaro kahit 'di naman ito marunong. "Paano ba 'yan? Mukhang mauunahan pa kita Santia sa Epic? " Pang-aasar nito kay Santia.
"Grabe ka naman sa'kin, Kikit! Marunong naman ako oh. Nakapatay naman ako e. " Makulit na depensa ni Vanesse.
Lumapit sa Kit sa kanya at tinignan ang standing nito saka tumawa. "HAHAHAHAHA! 5 kills, 10 death at 3 support. Okay na 'yan, atleast naka-slain ka. Pfft! "
"Akin 'yung Apat na kills at Tatlong support. " Bagot na sabi ni Santia. "Naka-slain naman siya ng isa e. Malapit na mag-pro. "
"HAHAHAHAHA!"
"Tama na nga 'to! Grrrr. Inaasar niyo ko, Kain na lang tayo! Puro emeeel." sabi ni Vanesse saka in-off ang phone. Nagkatinginan naman sina Kit at Santia dahil 'Defeat' pa'rin ang naging ending. Palihim silang natawa.
YOU ARE READING
Inside A Fantasy
FantasyAn accident, where reality and fantasy collide. Sa muling pagmulat ng kanyang mata, pantasiya na ang nakita. Where she be able to get back to reality or chose to live in her unreal story?