Santia's POV
Isang linggo na ang lumipas magmula ng mangyari 'yon. Sinubukan Kong kausapin si Lolo Noriko pero Hindi ko siya mahagilap. May inaasikaso daw ito sabi ni Lola Geronima.
Ang mas nakakagulat pa ay nakita ko na siya sa dati. Kung tama ang pagkakaalala ko ay nagtitinda siya ng sorbetes dati sa may Quiapo Singko Foodpark. Kaya pala sobrang familiar niya. At alam Kong matutulungan niya ako.
Mula noong gabing 'yun, madalas na akong tumatakas sa aming tahanan. Dagdag advantage ko siguro na mabilis ko natandaan ang daan patungo doon. Maswerte siguro na nitong mga nakaraan ay tinatanghali ng gising si Hermana.
Mayroon din akong natuklasan na makakadagdag sa impormasyong kinakalap ko.FLASHBACK
Randam na ramdam ang lamig sa madilim na gabing ito. Limang araw ang nakalipas mula ng mabisita ko ang tahanan ni Lolo Noriko.
"Kailangan ko siyang makausap." Humigpit ang hawak ko sa kama kung saan ako naka-upo. Tumayo ako upang ayusin ang aking sarili. Humarap ako sa salamin at iniikot ko ang aking buhok ng pa-bun.
Handa na sana ako ng may marinig akong papalapit. Baka si Hermana!
Dali-dali akong huminga pa balik sa kama at tinabon ng kumot ang sarili ko. Ayokong napansin niya na naka-ayos ako ngayon. Pinakiramdaman ko ang yabag na nasa likod ng pinto. Tahimik ang paligid kaya rinig na rinig ang pag-click ng doorknob.Nangangalay na ako pero pinilit kong huwag gumalaw. Bumuntong-hininga siya at naupo sa kama. Hinagod niya ang aking ulo. "Mag-iingat ka, Satanas hija. May pupuntahan lang ako. Mahal na mahal kita apo. Hindi ko hahayaang masaktan ka nilang muli." Anito. Ilang segundo pa ang aking binilang ng tumayo si Hermana at muling nag-click ang doorknob. Nanatili ao sa aking posisyon hanggang sa tuluyang nawala ang yabag.
Dahan dahan akong umalis sa aking kama. Puno ng panibagong katanungan ang aking isip.
Saan siya magtutungo ngayong hatinggabi?
At sino ang mga tinutukoy niyang nanakit kay Satana?
Argh! Nakakainis. Ayoko ng ganitong feeling e. Tipong wala akong alam at kailangan ko pang manghula. At the first place kasi, bakit ba ako nandito? May mission ba ako ala Johnny English 2.0?
Malalim ang aking naging buntong hininga ng tumayo ako sa kama. Muli akong tumitig sa salamin bago ko kinuha ang maroon cloak na nasa closet. Kailan ko lang ito napansin dahil tila nakasiksik ito sa pinaka-gilid pero sobrang blessed ako dahil dito pwede ako magpaka-ispiya.
Kapag umaga kasi, ang cloak ay nananatiling invisible sa ibang mga witches. Noong una ko ngang sinuot to, akala ko nahulog na habang naglalakad. Pero ramdam ko pa'rin naman. Kapag naman gabi, kasama na ang nagsusuot na nagiging invisible din. Sa madaling salita, tanging ako lang ang nakakakita dito. Ngunit ingat pa'rin ako dahil baka nakikita ito ni Hermana.
Pagkasuot ko ng cloak ay agad akong lumabas sa kwarto. Kampante ako dahil wala si Hermana dito. Dumaan muna ako sa kusina at kumuha ng tinapay at mga prutas na sabi ko nga e baka iniipis lang dahil parang hindi kinakain ni Hermana. At mga magical water bean. Nakakapawi ito ng uhaw at hindi hassle dalhin. Akala ko noong una pang-himagas lang. Hahaha! Pero noong kinain ko ay halos mabusog ako sa tubig. Parang 2 glasses ang ininom ko.
YOU ARE READING
Inside A Fantasy
FantasyAn accident, where reality and fantasy collide. Sa muling pagmulat ng kanyang mata, pantasiya na ang nakita. Where she be able to get back to reality or chose to live in her unreal story?