Kabanata 3

8 2 0
                                    

Santia's POV

Walang gana akong naglalakad pauwi kasabay si Lourdes na hanggang ngayon ay ang ingay ingay pa'rin. Parehas talaga sila ni Vanesse na ang hyper. Parang pumapak ng isang garapon ng milo. Ang sarap nila pag-untugin. Feeling ko nawawalang kapatid 'to ni Van e. "Shempre ako, kinabahan ako nung na balitaan ko na napahamak ka! Halos paliparin ko ang sarili ko para malaman ang kalagayan mo."

"Akooo 'yung palaging nandun sa kwarto mo. At talagang siniguro ko na walang ibang makakaistorbo sa' yo! Kahit sila Colas ay hindi ko pinapasok naku! Sigurado ng mag-iingay lang kasi ang mga 'yun. "

"Napaso pa nga ako e nung tinapalan kita ng pinausukang dahon sa noo. Pero hindi ko inalintana 'yun! Kasi kailangan na magising ka." Napangiti na lamang ako sa pagku-kwento ni Loure. Maingay siya pero ramdam ko ang pagmamahal sa kaibigan niyang si Satana. "Salamat Lourdes."

Hindi rin nagtagal ang paglilibot namin dito sa Witchwand. Ngunit sapat na para ubusin ang lakas ko. Idagdag pa ang katotohanang nasa lugar ako na hindi ko inaakala. Lugar na malayo sa mausok at maingay na siyudad ng San Isidro. Malayo sa aking pamilya...

"Satana?" Hindi ko namalayang nakauwi na pala kami ni Loure. At heto sa harap ko si Hermana. "Ayos ka lang ba? Bakit tila namumutla ka?"

Bumaling into kay Loure. "Masyado at ang napagod si Satana, Lourdes. Saan ba kayo pumunta? Dapat ay hindi na muna kayo lumayo."

Bumaling ng tingin sa'kin si Loure at pawang nanghihingi ng tulong kung paano sasagutin ang nagsisimula ng magalit na si Hermana. Oo nga pala. "Aaaah. Naglibot-libot lang po kami sa may Hardin ng Pluesko. K-Kasi po, gusto ko ng preskong hangin at maging mga bulaklak." Naalala Kong Pluesko ang pangalan nito nung mabasa ko ang inukit na pangalan nito sa isang puno.

Tumitig sa'kin si Hermana at saka marahang bumuntong-hininga. "Ganun ba? O sige. Bumaling ka na sa inyong kwarto at mag-ayos. Iniwan ko na ang damit mo sa kama. Magbihis ka at maya-maya'y kakanin na tayo ng tanghalian." Saka siya pumasok sa loob ng bahay.

Nanatili kaming na kayo ni Loure dito sa labas. Parehas kaming nakahinga ng maluwag.
"Pasensya na Loure. Muntik ka ng mabalingan ng Inis ni Hermana. "

Tumawa lang siya. "Sus! Hindi ka pa nasanay sa 'Yong Hermana. Ganun lamang talaga siya. Huwag mo na isipin Masyado, Satana. Tiyaka na sa sakit ang ulo mo." Paalala nito.
"Siya nga pala, mauuna na ako, Satana. Baka ako'y hinahanap na nina Inay. Hihi! Ako kasi ay tumakas lang. Mamaya ulit!"

Tumango lang ako at kumaway na rin kanya. "Paalam, Loure."

Habang naglalakad ito papalayo ay napaisip ako. Bakit kaya si Satana, walang magulang? Asan ang nanay at tatay niya? Puno ng-puno ng kuryosidad ang isipan ko. Bakit si Hermana ang nangangalaga sa kanya?

Ang daming tanong na namuo sa isip ko. Pero kung ako si Satana sa mundong ito, bakit hindi ko alamin? Hindi nanaman ako patutulugin ng curiosity na 'to.

****


Nasa harap kami ngayon parisukat na kahoy na mesa. Nakalatag ang napakaraming iba't ibang klase ng pagkain. Ngunit iisa lang ang kinabibilangang kategorya. Puro may gulay!

Hindi ko alam ang pangalan at nahihiya naman akong magtanong kasi baka paborito pala ni Satana ang ilan sa mga ito. Wala sa oras ay mahuli pa ako. 'Yung isa parang vegetables salad. Itong nasa harap ko naman, Bangus na may leafy vegs sa loob. Eeh! Hindi ako malakas sa gulaaaay.

"Nagustuhan mo ba ang mga niluto ko, Satana?" Hermana asked. So mahilig talaga sa gulay si Satana? Oh no! "Makakatulong lahat ng mga iyan para sa mabilis na paggaling mo." She added. Tumango naman ako. Alam Kong pinaghirapan niyang lutuin ang mga pagkain na nasa harap namin ngayon. Ayoko ma-disappoint siya.

Inside A FantasyWhere stories live. Discover now