Santia's POV
Hatinggabi. Madilim ang paligid, tanging ang buwan lang ang nagbibigay ng liwanag. Huminga ako ng malalim. Hinawakan ko ang tali ng ginawa kong slingbag. Laman nito ang mga gamit na kakailangan ko.
Nandito ako sa kakahuyan malapit sa bukana ng kagubatan, kung saan malinaw kong nakikita ang protective barrier na inilagay ng kung sino man. Handa na sana akong tumapak ng...
*awwooooooooooooooh*
My eyes widen na parang may ilalaki pa. Lumingon ako sa paligid ng marinig ko ang nakakakilabot na tunog na 'yun. Hindi ako madaling matakot pero iba ang sitwasyon ngayon. And it f*cking scare the sht out of me. Hindi ko malaman kung multo ba 'yun o malaking lobo. "Ano ' yun?!" Umurong pa ata ang tapang ko.
"Hahahahahahaha!"
I frowned. Sino 'yun?
"Ang duwag mo pa'rin pala, Satana. Hahahahahahahaha!"
Napipikon ako sa kung anong nilalang ang may kagagawan nito. Makita ko lang talaga kung sino 'yun. Lagot siya sa'kin.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Para akong naka-night vision goggles kaya mabilis kong nakita ang maliit na nilalang na tawa na tawa sa may likod ng dahon. Dahan dahan ko siyang nilapitan na tila hindi na ako napansin dahil patuloy pa'rin sa pagtawa.
'Linti na gamu-gamu'
Pinag-patuloy ko ang pag lakad hanggang sa madakip ko ito sa mga palad oo. "Huli kang ipis ka!" Tawa ka pa ah.
Nanlalaki ang matang tumingin ito sa'kin. Napa-ngisi ako sa reaksyon nito. "B-Bakit mo ako h-hinuli?! Napakasama ng iyung budhi, Satana!"
Huwaaaaaaaaw! Huwaaaaaaaw! Ansabe? Napakasama ng budhi ko. Hah! "Hoy! Butiking lumilipad, unang una Ikaw ang nantrip sa'kin. Pangalawa, quits lang tayo kasi masama din ang budhi mo!"
"Anong sabe moo?! B-Butiking lumilipad! Isang akong PIXIE! P-I-X-I-E. Masyado akong maganda para maging kung anong nilalang! Mas masama ang budhi mo dahil hinuli at kinulong mo ako sa basa at makasalan mong kamay! Eh sa totoo namang duwag ka! Huhuhu."
Aba't bastos ang bibig nitong alitaptap na'to."Hah! Manahimik ka na diyan. Bansot na 'to. Gusto mo piratin kita?!" Buti at naging effective ang pananakot ko at tumahimik ang bubwit. Attitude talaga! Tinarayan pa ako.
Ibinaling ko ang paningin ko sa madilim na bukana ng gubat. "Bakit ka ba kasi nandito? Delikado kaya." Napataas ang kilay ko sa sinabi nitong dagang ito. Concern ba siya? Mukhang hindi. "Pake mo?"
"Ha! Alam mo ba kung gaano ka-delikado ang gubat na 'yan, Satana?" Naiinis na tanong niya. Pero dahil natutuwa akong inisin siya. "Oo, pero pake mo muna?"
"Nakakainis ka! Hmp! Mas gusto ko ang dating Satana, lalampa lampa." Lampa pala siya? Mmm. Babaguhin ko ang mindset nitong si flying jerry na to. Tutal naman counterpart ko siya dito. "Naisip ko kasi na Hindi pwedeng inaapi ako ng mga maliit na panget na tulad mo. Kaya ganon!"
Nakakatuwang makita na mamula ang pisnge niya sa inis. "HINDI AKO PANGEEEEEEET!"
"HAHAHAHAHAHA!" Masyado siyang pikon. Hindi naman pala ganun kasama dito sa Witchwand e. "Tama na nga.."
YOU ARE READING
Inside A Fantasy
FantasyAn accident, where reality and fantasy collide. Sa muling pagmulat ng kanyang mata, pantasiya na ang nakita. Where she be able to get back to reality or chose to live in her unreal story?