Maaga akong nagising siguro dahil sa sanay na ang aking katawan sa maagang paggising dito sa makalumang panahon. Ilang araw na ba ako rito at hito ay nasasanay na ako sa mga pamumuhay na simple. Naligo ako tapos ay nagbihis ng isang damit filipiñiana. At inilgay ko rin ang isang 36 a revolver sa kaliwang hita ko ng hindi ito mapapansin at naghanda ng bumaba para sa gagawin kong operation. Ang paghahanap sa singsing.
Ilang hakbang na lang ang gagawin ko ng may nagsalita sa likod ko. Subra akong nagulat sa boses nito. At hinarap ito na nakakunot ang noo ko. Kita ko rin sa mukha niya na bad trip ito dahil sa nakakunot na noo nito.
Anong problima nito at ganyan siya makatingin sa akin. May problima ba sa mukha ko. Ilang sigundo rin ang titigan duel naming dalawa bago ito unang nagsalita.
"Saan ka pupunta?" Mapaklang Tanong nito sakin.
"Diyan lang maglilibot -libot sa labas nababagot kasi ako kung nandito ako sa loob ng bahay. " Sagot ko sa kanya.
" Sa ganito ka aga, binabalak mong maglibot? " Nakakunot parin ang noo niyang tanong sa akin.
" ah.. oo .. mas okay yong hindi masyadong crowded. "
" crowded? " takang tanong niya sa akin.
" ah.. ang ibig kong sabihin ay walang masyadong mga tao ngayon sa ganito ka aga . "
Punyeta, bakit ba ako ng dadahilan dito.. pwede namang umalis na lamang ako kaysa aksayahin ang oras at laway ko sa kakasagot sa walang kwentang usapan namin. Kaya tumalikod na ako at akmang aalis na ng magsalita ulit ito.
" Kung ganoon sasamahan na kita sa iyong paglibot-libot binibini."
Halos matapilok ako sa sinabi niya.. ano daw? siya sasamahan ako sa aking paglilibot.. ano to parang date... nak ng! di ka lang elosyonada, feelingera ka pa. date agad di ba pweding sinamahan kalang niya dahil bored din siya.. kung saan na pupunta ang isip mo...
"Ah,, hindi na ginoo. Baka may mahalaga ka pang gagawin sa araw na ito kung kaya'y huwag mo na lamang akong samahan."
" Wala akong mahalagang gagawin ngayon. Kaya sasamahan kita sa iyong paglilibot. Isa pa'y kabisado ko ang buong lugar. Kung kaya't maipapasyal kita sa mga magagandang lugar rito." Paliwanag niya sakin.
" Ah.. Ganoon ba ginoo. Kung ganoon ay ikaw ang bahala." halos sabunotan ko ang aking sarili dahil sa aking pagpayag na samahan ako.. Paano na ang pag hahanap ko ng singsing kong sasamahan lang pala niya ako. Pero baka may alam siyang mga lugar na pweding doon ko makita ang singsing ko.. Ah! Bahala na nga.
Ilang minuto lang ay may nakaparada ng karwahe sa harap ng bahay na siyang sasakyan namin.
Agad naman akong pumasok saka siya sununod sa akin na pumasok. Para namang tuod ang Lola niyo dahil katabi ko lang Naman ang lalaking ito.
Ano ba naman iyan. Bakit naman ako kinakabahan na magkatabi kami sa pag-upo alangan naman doon siya sa upuan ng kotsero. Saying Yung mala adones na hitsura nito at katawan kung doon lamang siya uupo. Hay! Bahaha na nga. Para namang hindi Ako nakatabi ng lalaki sa organisayon e halos doon nakita ko na mga katawan ng mga membro lalaking doon hindi lang iyang Yung mga nga taong napatay ko din. Tama! kaya huwag kang kabahan.
Habang nagtatalo pa ang dalawang personality sa utak ko. Hindi ko namalayang huminto na ang karwahing lulan namin. At Nakita ko si Miguel na nakatingin sa akin.
"Bakit?" taka kung tanong rito.
"Nandito na tayo."
"Hah!. ah! okay." Tiningnan ko ang buong Lugar. Maganda ang Lugar na dinalhan niya sa akin.
Ito'y Isang malawak na harden na sa wari ko ay Isa sa pagmamay-ari nila.
"Nagustuhan mo ba nag lugar." Tanong nito sa akin.
"Oo, naman napakaganda ng tanawin." Sagot ko sa tanong niya ng hindi nakatingin sa kanya.
"Mas maganda ka sa tanawin binibini." Pabulong na sabi niya sa kin.
"Anong sabi mo. Di ko masyadong naining." tanong ko sa kanya ng nakaharap na sa kanya.
"Mas maganda ka kaysa mga tanawin na iyan." Sabi niya sa akin na nakatingin sa aking mga mata.
Para naman ang akong tanga nanakatingin sa kanya. At parang hindi pa nag sink in sa utak ko ang mga sinabi niya. Habang pakiramdam ko'y sasabog na Ang puso ko sa tuwa. Nak! ng tukwa namang puso to! Hindi ba Alam ng lalaking to ang epikto ng sinabi niya sakin.
Hindi na lamang Ako sumagot at sinundan siya. Nakita ko siyang pumitas ng bulaklak. Isa iyong puting Rosa's. At humarap sa akin at binigay nito sa akin.
"Para sayo. Sana'y magustuhan mo."
Tinanggap ko ito."Salamat."
Ngumiti lamang ito.
"Ang lugar na ito ay pamana sa akin ng namayapang ina ko. Ito ang pinakapaborito niyang lugar. Kaya napakahalaga ng lugar na ito para sakin." Wika nito sakin habang nakatingin sa mga bulaklak sa buong lugar.
"Itong lugar na ito ang aking pinakakaingatan. Dahil ditto may mga alala Ako sa kanya."
"Siguro mahal na mahal mo Ang iyong ina."
"Sobrang mahal ko siya."
Ngumiti lamang Ako sa kanya. At inalala ang buhay na meron Ako noon. Ngunit Isang masasayang araw doon sa mga alala na iyong wala akong maramdamang saya.
BINABASA MO ANG
Mafia Empress in 1885
Historical Fiction"They call me empress hell coz I'm literally hell. so don't miss up with me if you still love your damn life." - hell Paano kung ang isang mafia empress ay mapadpad sa nakaraan. Sa taong 1885 panahon ng mga espanol. Panahon kung saan pinapaburan ang...
