Chapter Twenty one:

4.3K 88 1
                                    

Nanang? Isang araw nakita mamaya ang mga magulang sa harap ng pinto ng condo unit. Tatang?

Aryan anak. Umiiyak na niyakap sya ng magulang.

Bakit ka ba umalis huh? Diba sinabi ko na wag kang lumuwas ng Maynila at delikado.

Nang.

Alam ko na, lahat lahat Aryan! Bakit hindi mo man lang kinonsidera ang desisyon namin ha? Magulang mo kami, karapatan namin yon.

Tonyang ang puso mo.

Ikaw maning hindi mo ako mabiro biro ng ganyan. Hindi ba ay ikaw tong gustong sumugod dito sa Maynila para paluin itong batang to.

Eh, galit ako non eh. Ngayon ay hindi na. Hahah anak asan na ba ang apo namin.

Tang. Sorry po. Umiiyak na niyakap nya ito. Hindi ako sumunod sa inyo, na buntis mo ako ng hindi nag aasawa.

Pa simple nitong pinahid ang luha nito, Ok lang yan anak, wala naman na din tayong magagawa dyan, nangyare na ang nangyare. Kumusta ka naman?

Ok lang po, may trabaho ako sa hotel ngayon tinulungan ako ng isang kaibigan. Kayo po kumusta? Paano nyo nalaman kung saan ako nakatira?

May tumawag sa amin, Trevor ang pangalan at sinabi kung saan ka nakatira.

Si Trevor talaga kahit kailan.

Kaibigan ko po yon sa kanya ang condo na ito, pinahiram nya sa akin.

Sigurado ka bang kaibigan lang?

Hahah si nanang talaga. Oo po dahil may anak at asawa na sya nang.

Mabuti ng nag kaka mabutihan, asan na ang magaling na lalaking naka buntis sayo? Ang apo ko?

Nang akala ko ba alam nyo na ang lahat?

Oo nga kasi may dala ako ditong bolo at tatagain ko. Walanghiya yang lalaking yan, at ikaw naman bakit ka nag papaniwala doon sa lalaking yon? Mukha ba kaming mag sinungaling noong sinabi naming anak ka namin huh?

Hindi mo man lang kami tinawagan o tinanung. 4 na taon Aryan, hindi mo ba naramdaman na minahal ka namin.

Nang nag positive po ang DNA test namin ng tatay ni Hana. Pinaulit ko po ulit pero positive po ulit. Bakit ganun? Nabuntis ka ba ni Mr. Vejares at si Tatang ang tumayong ama ko?

Tila na tuod ang mga ito. Anak. Ang tatay nya.

Hindi nyo kailangan matakot Tang maiintindihan ko.

Sabihin mo na Tonyang ang totoo total alam nya na rin naman.

Hindi ka namin to-totoong anak Aryan. Naiiyak na paliwanag ng Ina. Binigay ka sa amin ng totoo mong ina na matalik kung kaibigan bago sya mamatay. Ang pangalan nya ay Anabel Bartolome, mamatay sya noong 2 years old ka lamang. Si Ana ay naging cabin crew ng isang cruise ship na barko at doon nya na kilala ang totoo mong ama na ayaw nyang sabihin sa akin, may asawa daw ito at may anak. Kung ibibigay ka daw nya ay baka makagulo ka lang sa pamilya ng ama mo.

Si Mr. Vejares ay dating seaman bago naging kapitan ng barangay.

Kaya pinili nya ipagkatiwala ka sa amin na walang anak. Hindi namin sinabi sa iyo dahil ayaw na sana naming malaman pa yon dahil anak ka na namin.

Umiiyak na niyakap nya ito. Nang Tang salamat po at kinopkop nyo ako. Hindi nyo ako pinabayaan.

Ngayon alam mo na anak kung bakit hindi ka kagandahan? Singit ng tatay nya.

Tang!?

Hahaha, joke lang anak.

Isang linggo ang mga ito sa Maynila at sa buong linggo yon ay nag bonding sila mag kakasama. Gusto sana nitong makita ang anak ngunit nabalitaan nyang dinala sa amerika ni Tim ang anak na labis nyang dinamdam. Namatay pala ang Tito nito ay doon na binurol. Dalawang linggo at nilagi nito sa amerika kaya naging matamlay ang mga araw nya.

Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon