MATULING lumipas ang isang buong taon mag mula ng umalis ang kasintahan tumupad naman ito sa usapan ngunit sa loob lang ng pitong buwan matapos non ay bigla nalang itong hindi nag paramdam.
Kung tutuusin ngay naging maganda ang naging trabaho nito sa Maynila dahil nakaraan lang ng tatlong buwan ay pinasunod nito ang buong pamilya sa Maynila.
Ngunit bigla nalang itong hindi nag paramdam mag lilimang buwan na ang nakakaraan, at nag aalala na sya rito.
Anak, tatawag din yon si Natan marahil ay naging busy lang. Pag dadahilan sa kanya ng kanyang Tatang.
Sabado ngayon at off nya sa trabaho hanggang linggo.
Tang limang buwan busy? Grabe naman yon! Kahit isang text lang di man lang ako ma sendan.
Hayy naku tong batang to! Puna sa kanya ng kanyang Nanang. Alam mo anak ang Maynila kasi sobrang busy ng lugar na yan, alam mo bang di nag papahinga ang mga tao doon?
Di sila natutulog?
Hahah syempre hindi naman ganun, ang ibig kong sabihin sa Maynila kahit gabi ay buhay na buhay marami kasing pang gabing trabaho doon?
Pag gabi ho? Nanang naman eh hindi kayo nakakatulong!
Hahah anak ang ibig sabihin ni Nanang mo eh, pag gabing trabaho katulad ng call center agent yong trabaho ng anak ni ka Dodong.
Si Iska? Yung maarteng spoking dollar kuno daw?
Hahah tumpak! Tatang nya
Aryang! Yang bibig mo ah. Ikaw naman Maning ka tanda mo eh napaka pentasero mo! Sermon ng Nanang nya.
Hahaha. Tawa nilang mag ama.
Si Tatang Nang! Paratang nya sa ama.
Kita mo naman sino na una! Tanggi naman ng ama.
Hay naku! Kumain nalang kayo mag ama, ikaw Aryang sa lunes kana bumalik sa kabilang isla. Nanang.
Oo nga anak miss kana namen, hindi ka siguro nag kakain doon? Abay ang payat mo na lalo? Tatang.
Hala si Tatang! Di ah! Ako pumayat!? Sexy kaya ako diba Nang? Mana kaya ako kay Nanang. Yakap na lambing nya sa Ina.
Makahulugang nag titigan ang mga ito.
O-oo naman, mana ka sa akin. Sa katigasan ng ulo sa Tatang mo syempre.
O tingnan mo to ako nanaman nakita.
O eh bakit? Totoo naman ah?
Nakakatuwa na makalipas ang mahabang taon na naging mag asawa ang mga ito ay nanatili pa din ang pag mamahalan nito.
Payak man ang ginagisnan pamumuhay ay mayaman naman sila sa pag mamahal.
Nga pala anak kinukulit ako ng Tiyo Manolo mo?
Tiyo Manolo Tang?
Ay oo nga pala may amnesia ka, kapatid ko yon doon sa Isabela eh nag padala ng sulat, inimbitahan tayong pumunta sa Isabela at tingnan ang pamumuhay nila doon, balita ko nga ay maunlad na ang hacienda pinag tratrabahoan namin dati ng Nanang.
Talaga po? Edi papunta kayo ni Nanang?
Yon na nga iniisip ka namen, sino uuwian mo dito? Ngayon pa nga lang ay nag aalala na kami sayo at hindi pa palakain simula ng di na tumatawag sayo si Stan!
Nanang naman oh, kumakain naman ako!
O kumakain ka, ng anu? Pansit na may sabaw?
Noodles yon Nang!
BINABASA MO ANG
Runaway Wife (COMPLETED)
Romance"Si-sino ka? Anung ginawa mo sa akin? Asan ang mga damit ko!?" Tinaasan lang sya nito ng kilay at ininom ang alak na hawak, "I know it, you pursued your acting skills eh? Sorry to say this, but it's not working anymore." Pinagsasabe nito!? "Anung pi...