Chapter 2 : Biggest Event of the Year - CATACLYSM

100 2 4
                                    

Hours passed. . .

[QIM'S POV]

" Kim, nandun na daw yung inhaler mo sa gate 3. Kunin mo nalang, Ok ? May pupuntanahan kasi kami ni Michelle sa 2nd floor eh." 

"AH, sige sige. Thanks Qim " 

Tumalikod na kami ni Michelle at nagsimulang maglakad. 

"Qim . . ." bulong ni Michelle sa akin habang naglalakad kami.

"Ano ? " tanong ko. 

"Yun oh. *sinyas sa gilid* " sabi ni Michelle. Tinignan ko kung anong tinutukoy niya. Pag-tingin ko sa gilid. . . .

Nakita ko si Chase. 

"Pffft. " tapos ngumiti ako kay Michelle. Si Chase yung crush ko sa 4th yr. , halos perfect ideal guy ko na siya :  ignorante, suplado, masama ugali, at gangster.

JOKE LANG ! SI Chase ay matalino, mabait, magaling sa kahit na anong bagay, gwapo, may magandang pangangatawan, pero gangster type. Kahit na hindi man niya ako pinapansin, ok na yun kahit parallel love lang. Wala talaga akong magaga eh, Hindi ako mahal ng tadhana. 

Dati pa si Chase na talaga mahal ko, Hanggang ngayon at sa susunod pang mga araw. 

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=--=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

 [KIM'S POV] 

Mamaya ko nalang kukunin yung inhaler ko. Okey pa naman ako eh. Atsaka ang pagupo-upo sa upuan ay hindi nakakapagod. Dami ko talagang tawa habang binabasa ko yung NOTEBOOK OF DISCOVERIES na sinulat namin nila Qim at  Michelle: 

--------------------------------------------------------------------------------------------

BEST IN PRONOUNCIATION [STUDENT'S CORNER]

1. Jeffrey Go- Commind (commend)

                         Hir [ Her]

2. Anthony Verdeflor- Merceydaes (Mercedes)

3. Diandra Tan- Nail [kneel]

4. Mary Joy - Fleysh [flesh]

5. April Rose- Ballpin [Ballpin]

                         Kwen [Queen]

 Normal na talaga to sa mga tao. HAHAHA. Pero minsan nakakatawa.

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Laughtrip talaga.

Sumagi ulit sa isip ko ang Cataclysm, excited ako na parang kinakabahan. It's already 1pm and malapit na ang 2pm.  Ang tagal namang mag-meeting ng members ng Book Lover's Club Society, ang tagal kasi nila Qim at Michelle, O baka naman may iba pa silang pinuntahan. Ay, ewan. 

[MICHELLE'S POV] 

"So, salamat ng marami sa lahat ng tumulong sa nalikom nating 7,930 na pera noong nakaraang intamurals. So, ito ay para sa pondo ng library at hindi para sa amin at ni Ms. Librarian. Ito ay gagamitin para sa mga projects dito sa library at ang kalahati naman nito ay mapupunta sa School's treasurer. Ok, maliwanag ba? " ang sabi ni Qim sa mga ka-club namin. Tumango naman ang mga ka-club namin.

"Ok, yun lang. Dismiss. Maari na kayong bumalik sa mga classrooms niyo" patuloy ni Qim. Siya kasi ang Mayor ng Book Lover's Club kaya siya ang responsible sa club na ito. Ako naman ay isang  member. 

I Can Feel Them MovingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon