Chapter 4: A guy named Chase

87 2 0
                                    

Nakita kong nasa loob ako ng classroom. Masyadong madilim pero alam kong may kasama ako sa loob ng room na ito. Naka-upo ako sa may malapit sa pintuan. . . kitang-kita ko parin na kinakain niya ang isang estudyante.

"Open your eyes. . ." biglang may bumulong sa tenga ko. 

"Sino ka? " tanong ko sa taong nasa likod ko. 

"Kailangan nating maging pamag-matyag sa ating paligid. Hindi natin alam kong kailan sila lalabas at kung kailan nila tayo kukunin." pagpapatuloy niya as if hindi niya narinig ang tanong ko.

"Anong sinasabi mo ? Ano yang mga tao ?! " tanong ko ulit as if i didn't ask the first question. 

"Sshh.. keep your voice low.  Hindi sila tao, mga halimaw sila. " 

Halimaw ? Panong nagkaroon ng halimaw dito ? What the hell ? Is this some kind of a freak joke ?!!

"Kagigising mo pa lang ba ? " tanong niya.

"Ou, ikaw? " ang sabi ko.

"18 days na akong gising. . . Pero, still wala pa din akong masyadong matandaan. Patuloy kong hinahanap ang katotohanan pero hindi ko pa rin gaanong maintindihan. "

"Wait. . Wait. . 18 days?! So, ibig sabihing tulog ako ng more than 18 days? What the hell. . . " 

"Ou, ganun na nga. Halika na baka mahanap nila tayo dito. Ang mga creature na ito ay hindi nakakakita pero malakas ang kanilang pandinig kaya hindi tayo pwedeng magsalita. " ang sabi niya. Tinulungan niya akong tumayo.

"Teka. . .  Anong pangalan mo? " ang tanong ko.

Umiling siya. "Hindi man ako sigurado pero Chase. . . tawagin mo nalang akong Chase. "

"Naiintindihan kita, ako nga din walang maalala. Ako pala si Michelle. Hindi din ako sigurado pero basehan ko yung cellphone na nakita ko kung saan ako nagising. "

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-==-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

[UNKNOWN'S POV]

Teka, asan ako? Ano to. . .

Dugo ? 

Bakit may dugo sa paligid ?

ANo to' anong nangyayari ? 

Teka, bat wala akong matandaan. . . 

Sino ako ?

 Sino ako ?

Asan ako ?

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa sahig. 

Sa kanan ko may nakita akong tumakbo. Hindi ko man kilala kung sino pero alam kong may tumakbo. 

"Teka. . . teka ! sino ka ? " sinundan ko ang tumatakbo hawak-hawak ang braso ko. Bakit ganito ? Ang sakit ng tuhod ko. Ang sakit ng tiyan ko. Para akong babagsak na. Ang hina ng katawan ko.

Nakita ko ang babaeng tumatakbo papunta sa may hagdanan. "Teka ! "

Tumigil sa pagtakbo ang babae at nagsimulang maglakad papunta sa akin. Ako naman ay naglalakad papunta sa kanya. 

"Sino ka? " ang tanong ko sa kanya. 

"Nagigising ka pa lang ba? " tanong niya sa akin. Ano kayang ibig niyang sabihin ? 

I Can Feel Them MovingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon