Chapter 6 : Almost There

117 2 2
                                    

 [MICHELLE'S POV]

*FLASH BACK*

"Chase !!" sigaw ko habang tinitignan si Chase na dinampot ng Catac na humaba ang braso. May kakaiba pala silang kakayahan. 

Kasalanan ko to ! Kung siya nalang sana ang unang lumabas ng pinto, ako sana ang makukuha ng Catac, hindi si Chase. Kasalanan ko to ! Pasensya na . . . pasensya. Huwag kang mag-alala hahanapin kita. . .

Saan na ako pupunta ngayon ? Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kailangan kong mahanap kung saan dinadala ng mga Catac ang nahuli nilang tao. Pero, paano ko magagawa iyon ? Para akong asong gala na hindi marunong kung saan papunta.

*END OF FLASHBACK*

Sa loob ng isang room may nakita akong isang babaeng nakahiga sa sahig. Baka ako pumasok ng room tinignan ko ang pangalan ng room 'Faculty Room' 

Faculty Room ? Ibig sabihin, room to ng mga teachers. Agad akong tumakbo sa babaeng nakahiga sa sahig. Sa tingin ko ay isa siyang guro dahil sa damit niya.

Ginalaw ko siya paharap dahil siya ay nakaharap sa sahig. Nakita ko ang mukha niya, bakit parang familiar ? 

Tinignan ko ang I.D. niya : Jessica Morillo .

"Miss Morillo, Miss. Morillo ! Gising  ! Gising ! " [A/N: "Miss ang tawag kasi nasa catholic school sila, kaya kahit na may asawa at anak na sila "Miss" ang tawag sa kanila, ok ? OK ! Back to the story]

Niyuyugyog ko siya pero , hindi parin siya magising. "Miss ! Miss ! " patuloy pa din ang pag-gising ko sa kanya. Pero, hindi pa din siya magising. Paano nalang kung makita siya ng Catac dito ? Napasandal nalang ako sa pader. 

Ito ba ang ibig sabihin ni Chase na hindi ka maaring gumising ng tao ? Dahil daw, kahit anong gawin mo ay hindi sila magigising dahil ang kanilang sarili lamang ang makakapagpa-gising sa kanila. Magigising sila sa tamang oras  batay sa kanilang katawan, kung kailan ang tamang oras ng pag-gising nila. 

Sa pagkakasandal ko sa pader may nakikita akong papalapit na ilaw na kulay asul. Hindi ako nagkakamali ! Isang catac ang papalapit sa akin ! Naririnig ko makating tunog ng bakal na kinikiskis, sobrang makati talaga sa tenga. Para akong mababaliw sa tunog. Grrrrr...

Bigla akong nabuhay mula sa karimlan. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa may pinto upang magtago . Sa ganitong posisyon hindi ako makikita. 

Malakas ang heartbeat ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong uri ng species sa 16 na taong paninirahan ko sa mundong ito. Halos centimetro lang ang layo ko mula sa Catac. Nakikita ko pa ang mga laway na bumabagsak sa sahig. 

Biglang may gumalaw sa gilid ng room. Isang gurong lalaki. Bakit hindi ko siya napansin kanina? Unti-unti siyang nagising. Tumingin siya sa akin at senenyasan ko siya ng huwag maingay. . . ngunit. . .

Nung nakita niya ang Catac na mapalapit sa akin ay sumigaw siya ng malakas. . .

Agad namang nagimbal ang halimaw at tumakbo agad sa gurong lalaki. Tinusok niya ito gamit ang kanyang mahahabang kukong bakal. 

Sumirit ang dugo mula sa katawan ng lalaki habang nakabukas ang mga mata kong tinitignan siyang humingi ng tulong. . .

Pinikit ko nalang ang mga mata ko 'Patawad' ang nasabi ko na lamang sa sarili ko. Patawad kasi wala akong magagawa upang tulungan ka. Selfish nga ako siguro, pero wala talaga akong magagawa. Pag-tulungan kita , mamamatay ako. Tinulungan naman kita, diba ? Sinabi kong huwag kang maingay pero nag-ingay ka pa rin.

Dinala ng Catac ang lalaki , papalabas sa Faculty Room. Habang papalapit ito sa akin ay bumibilis ang tibok ng puso ko at ang paghinga ko ay bumibigat. 

Huminto ang Catac sa harap ko. Nanlaki ang mata ko nang makita kong isang hintuturo na lamang ang pagitan ng mukha niya sa mukha ko. Gusto kong sumigaw, pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ang ganitong uri ng kaba at takot ay mahirap ipaliwanag. Parang hinihila ako ng kamatayan. Nakikita ko ang pagbukas-sira ng mga butas sa tenga niya na para bang nakikiramdam sa akin.

Napa-pikit na lamang ako ng mata. 

Ilang segundo . . .

Tuluyan na ngang umalis ang Catac sa Faculty room. Ako naman ay naiwang hindi maka-galaw at nanginginig ang tuhod. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa sa kadahilanang pagod na pagod na ang katawan ko. 

Sumilip ako sa labas, tinignan ko kung saan papunta yung Catac. Siguro naman may isip siya. Alam niya kung saan ang bahay niya. Kaya dapat ko siyang sundan baka doon makita ko si Chase. 

Chase. . . malapit na ako. 

I Can Feel Them MovingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon