Chapter 3: Lost Memories

82 2 0
                                    

After  23 days . . .

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.  'Asan ako?' ang tanong ko sa sarili ko. Tinignan ko ang paligid ko. . .

Corridor. . . 

Nasa paaralan ba ako ?

Naka-school uniform ako O.o

Nasa paaralan nga talaga ako.

Sa sahig, may nakita akong cellphone. Kinuha ko ito. Nakita ko ang nagmamay-ari ng Cellphone ay 'Michelle' ang pangalan. 

Michelle ba ang pangalan ko ? Siguro nga Michelle ang pangalan ko. Wala namang ibang tao sa paligid at ang cellphone na ito nung nagising ako ay malapit na malapit sa kamay ko. Siguro ay nahulog ko ito nang makatulog ako dito sa corridor ng school na ito.

Mayroon pa kayang tao ? Bakit kaya ako nakahiga doon sa corridor ? Baka naiwan na ata ako ng mga estudyante dito at ni-lock na nila ang gate. Kailangan kong malaman ang totoo.

Nilagay ko ang cellphone ko sa bulsa at tumayo. 

Bakit ganun ang Buwan ? Totoo ba ito ? Baka First Quarter ngayon ang phase ng moon kaya kalahati lang, Pero, bakit parang sadyang putol na ang kalahati.

Bakit ba ang dilim, halos wala na akong makita. Kung hindi dahil sa patay-sinding ilaw na ito malamang, kanina pa ako nahulog sa hagdanang ito. 

May naririning akong kakaibigang tunog. Tunog ng bakal na kinikiskis. Masyadong makati sa tenga. Pero patuloy pa din ang paglalakad ko papunta sa pinagmumulan ng tunog na iyon.

Bakit ganito ang katawan ko? Parang ang hina na at parang isang hangin nalang babagsak na ako ;<

Ang hina na din ng tuhod ko parang nangingnig. Parang hindi ako kumain ng pagkain for 1 week. Nararamdaman ko na din ang gutom. Bakit ba ganito ?!! Wala akong matandaan... Kahit na isa, wala akong matandaan. Ano bang nangyayari?

Sa patay-sinding ilaw nakikita kong may mga dugo sa white-painted ceiiling pati na din ang mga pader. Mas lalong humina ang tuhod ko. Bakit may mga dugo ? Meron bang nangyaring massacre dito ? Tapos ang mga upuan sa loob ng room, sira-sira na at madaming basura sa paligid at merung mga slimy thingy na color blue. Eeeewww ~

Sa kalayuan may nakikita akong tao merun itong dalang ilaw na kulay blue. . . 

'Tao nga ba ?' tanong ko sa sarili ko.

 Pwede ako sa kanya magtanong kung ano ang nangyayari.

Papalapit ng papalapit na ako sa taong iyon "Umm.. p-pwede po bang magtan-nong ? "

ngunit, papalaki ng papalaki ang taong iyon. Noong ilang distansya nalang ang layo ko. . .

May Mali. . .

Maling-mali talaga. . .

Hindi. . .

Wala siyang dalang ilaw. . .

Parang. . .

Naka-usok ung ilaw sa likod niya. . .

at mas lalong hindi tao itong nasa harapan ko . . .

Kundi isang malaking halimaw na may blue crystal na nakatusok sa likod niya . . .

Ngunit,

Mas lalaong nanlaki ang mata ko ng makita kong. . . 

Nilalapa niya ang isang tao gamit ang kanyang matatalim na ngipin at malalaking kuko ng kamay.

Sisigaw na sana ako ng biglang may kamay na tinakpan ang bibig ko.

I Can Feel Them MovingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon