chaptet 30

2.2K 18 1
                                    


Nagising sya sa malakas na tawanan at harutan ni skyller at ayesha..

Naka tulog pala sya alas otso na ng gabi..sobrang napagod sya sa pag lilinis inayos nya kasi ang kwarto nito at ginawan ito ng maliit n opisina yun ang bilin ni skyller..

Ano pang ginagawa mo dito??!!--skyller

Hi hinahantay lang kita aalis na din ako--zaira

Hala gabi na dumito ka nalang babalik ka naman bukas diba--ayesha

Hindi nya alam bakit mabait sakanya ito-

Hindi na hon aalis na sya ayoko ng storbo saatin alam mo naman mis na mis kita--skyller

Napayuko sya ng halikan ito ng asawa..

Hon--nakaka hiya sakanya sa kwarto na lang yan--ayesha

Malanding sabi nito parang rodora X Lang mabait pero maldita o talagang malandi lang ata ito hays..

Ipag handa mo kame ng pag kain at umalis kana--skyller

Sabi nito at umkyat na ang dalawa sa kwarto

Sinunod nya ang asawa hindi nito alam na sa katapat na kawarto lang sya natutulog kaya ok lang kung gabihin sya..

Natapos nya ng ihanda ang pag kain ng mga ito pero hindi pa din bumababa ang asawa..naisipan nya ng akyatin ang mga ito lalamig kasi ang pag kain..

Pero bago pa sya kumatok ay rinig na rinig nya na ang ungol ng mga ito..masayang masaya nag huhumiyaw sa sarap--mga bagay na hindi nya naranasan twing nag tatalik sila ng asawa o mas maiging savihin pag binabboy sya ng asawa..

napa pikit sya sa sobrang sakit..alam nya kung anong ginagawa ng dalawa dun kaya tumalikod na lamang sya..kinuha nya ang bag at umalis na..

Hindi nya alam pero hindi sya kay kepper nag tungo..gusto na muna nyang mapag isa..ayaw nya din mag alala ang kaibigan dahil panigurado mamumugto nanaman ang mata nya..

Sobrang sikip ng kanyang dibdib..parang paulit ulit na sinasaksak ang kanyang dibdib.nanlalabo na ang mga mata nya dahil walang tigil ang luha sa mga mata nya..akala nya ay tangap na nyang may iba ito pero sukdulan ang sakit na nararamdaman nya ngayon lalo na yun masaksihan itong may ginagawang milagro..

Habol ang hininga nya ng maka labas sa malaking building kung saan ang condo nila skyller..gusto nya ng sariwang hangin tumawid sya para maupo muna sa bench malapit sa parking..

Di nya alam kung gaano sya katagal umiyak at naka tulala doon pinag titinginan na sya ng mga dumadaan.. bumuntong hininga sya kinuha ang past card na bigay ni skyller bakit kahit ang sakit sakit mas gusto nya parin balikan ito gusto nyang mag paalam dito alam nyang wala itong pakealam pero gusto nyang bumalik sa condo ng asawa..

Mabilis syang nag lakad Pabalik bakit kasi nag pa apekto sya..pero bago pa sya maka lapit sa entrance ng condo natanaw nya si ayesha na patawid sa sasakyan hindi kalayuan..tiningnan nya ang linapitan nito pero tama ba ang nakikita nya si kelly yun??

Naguluhan sya bigla dahil hindi normal ang kilos ng dalawa palinga linga ang mga ito at mabilis na sumakay si ayesha sa kotse nito..

Ano ang relasyon ng dalawa bakit sila mag kasama??mga katanungan sa isip nya..

Linoloko ba ni ayesha si skyller at si kelly ang third party?at si kelly bakit sinasabi nito na mahal sya ni kelly at may gusto sakanya ito?

Hindi nya alam pero iba ang kabang nararamdaman nya..hindi nya alam pero kung may relasyon ang dalawa tiyak masasaktan ang kanyang asawa dahil alam nyang mahal na ni skyller si ayesha..kailangan nyang malaman kung anong kaugnayan ng dalawa at kung may relasyon ba ang mga ito iba talaga ang pakiramdam nya ng makita ang tagpong yun oarang bag tatalo pa ang dalawa..

The Unwanted Wife's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon