chapter 65

1.7K 21 4
                                    

Gabi na ng maka uwi sya sakanilang bahay nag aya pa kasi sila jana sa mall kaya ginabi sya

Tiningnan nya ang certificate na binigay sakanya ni jana at keeper napangiti sya at tinago yun siguro ay nextime nalang nya gagamitin ang make over na yun..masyado pa syang busy dahil sa nalalapit nilang exam..

Andun na din ang sasakyan ni skyller

Ng pumasok sya sa loob ay napansin nya na si skyller naka upo ito sa sofa habang tutok sa laptop mukhang wala nanaman si ayesha

Tiningnan nya ito ngunit hindi man lang sya nito sinulyapan kahit sa harapan lang sya nito dumaan..

Dumeretso na lamang sya sa kanyang kwarto..siguro ay susundin na lang nya ito para hindi na ito magalit sakanya..hindi nya na lamang ito papansinin tama na sakanya na nakikita nya ito ng malapitan dun pa lang ay masaya na sya..kung sa totoong mag asawa ay hindi pwede ang ganun ang style nila sakanya ay ok na ok lang yun martir na kung martir pero mahal nya eh..

Humiga sya sakanyang maliit na higaan..nakaka tawa man eh halos kasya lang sya doon at ang mga damit nya yung tipong pag tumayo sya ay untog sya pero naka sanayan nya na eh kaya komportable na sya..

Tiningnan nya ang bawat sulok ng munti nyang silid panay picture yun ni skyller yun time na kinasal sila ang ganda pa ng mga ngiti nito doon..

Napaka perfect ng ngiti nila base sa picture..

mapait syang ngumiti masyado ba syang mahirap mahalin kaya hanggang ngayon ay hindi sya magawang mahalin ni skyller..

napaka hirap ng sitwasyon nya oo nga at mag kasama sila ni skyller sa iisang bubong pa pero parang ang layo layo naman nito..

Pinilig nya ang ulo nya naalala nya nanaman kasi ang mga nangyare sakanila sa isla..napaka saya haayyss..

Umupo sya sa matigas na kama Busog naman sya kaya mag rereview na lang sya para maalis ang lungkot nya..kinuha nya ang mga libro nya at nag umpisang mag basa..

____

Skyller P.O.V

hindi nya alam kung ilang oras na sya naka tingin sa maliit na kwarto ni zaira simula ng pumasok ito doon ay hindi na ito lumabas..

Bakit kaya ginabi na ito?kumain na kaya ito?--

Bakit ko ba sya iniisip sya naman may gusto nun diba walang pansinan ayaw na nya muna kasing mag kalapit sila dahil sa di malaman na dahilan ay nakakaramdam nanaman sya ng bad mood pag kaharap ito hindi nanaman nya ma kontrol ang saril siguro ay epekto ng drugs na pina take sakanya ng asawa noon..

pero bakit ganun kahit positive na ito ang may gawa nun sakanya may bahagi parin ng puso nya na gusto nyang paniwalaan na hindi yun magagawa sakanya ng asawa..

pero bakit parang wala lang dito ang mga ginawang kasalanan sakanya..

Simula ng planuhin nito ang pag lapit sakanya at sakanyang lolo at sa pamilya niya ay bakit parang mistulan itong inosente..

Hindi bat plinano nito ang lahat??pero bakit pinaninindigan nito na wala ito nalalaman sa mga binibintang sakanya mismong si lolo na nga nya ang nag prove na totoo ang sinasabi ni ayesha na ito pala ay si yumi anderaon orquilos na nag hihiganti sakanila..

Kunyare inosente pero hindi naman talaga tsk!!

Pero bakit mis na miss pa rin nya ito ng sobra..walang oras na hindi nya ito na iisip para na syang nababaliw sa kakaisip sa asawa pero pag kaharap naman nya ito ay binabaliwala nya ito..

Hindi nya maintindihan ang sarili nya sya naman ang may gusto nun pero eto sya ngayon nasasaktan..

Yung mga panahon na umalis ito ay sobrang na ngulila sya dito..pano bang hindi napaka kulit nito..

The Unwanted Wife's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon