chapter 96

1.9K 19 7
                                    

Skyller P.O.V

Napangiti sya ng mapag masdan ang natutulog na asawa..

Mag iisang linggo na sila sa isla at masaya sya dahil kahit papano ay may nakikita na syang pag babago sa asawa..

Tuloy tuloy na kasi ang araw nito..

May mga pag kakataon na magigising ito na ang birthday pa rin ni jerome ang naalala pero saglit lang ay magiging ok na ito..

Siguro ay tama ang desisiyon nyang ilayo muna ito sa manila para ma refresh ang utak..ok na yun para mag tuloy tuloy na ang recovery nito..

Tumunog ang cellphone nya..tiningnan nya ang screen ng cellphone nya..

Napairap sya..

Si keeper nanaman..ano bang problema ng tao na ito..

Hello?--skyller

Walang gana nyang sinagot ito..

Ano nanaman ang kagaguhang binabalak mo?--keeper

Nailayo nya ang cellphone sakanyang tenga..napaka lakas ng sigaw nito..

Bading ata to eh..

Sinulyapan nya ang mahimbing na natutulog na asawa..

Bahagya syang lumayo sa kama nito para sigawan din si keeper..nakaka lalaki na kasi tong mokong na to..

Kagaguhan ba ang mag mahal?--skyller

Kalmadong sabi nya mamaya nya na ito papatulan..

Sinasabi ko sayo skyller pag hindi mo napanindigan si zaira mananagot ka saakin--keeper

Napatawa sya rito..

Bakit takot ako sayo?ano bang kinagagalit mo dahil linayo ko sayo si zaira o dahil ako ang pinili nya? bakit kasi hindi mo na tangapin na mas gwapo ako sayo?--skyller

Natatawang sabi niya rito..

Hindi pa gwapuhan to gago--keeper

Halata sa boses nito ang pag ka inis sakanya..

Natawa sya uli..sarap mamikon ng talunan..

Oh na!basta yun schedule ng pag punta nyo rito naka ayos na ha dont forget ikaw ang best man--skyller

Nattaawang sabi nya..

Siguraduhin mo lang ha!--keeper

Oh bakit?--skyller

may saltik ka pa naman--keeper

Inis pa rin sabi nito..

Ulul my jewel kana wag ka ng umasa..osige na gagawa pa kame ng kapatid ni zayp--skyller

Tatawa tawang sabi nya..

Ulul--keeper

Hindi na nya ito pinag salita at natatawang pinatay ang cellphone..

Kinontact nya si ford..

Ito kasi ang nag asikaso ng flight ng lahat ng kamag anakan at kaibigan nila..
may supresa sya kay zaira..

Panahon na para ayusin na nila ang buhay mag asawa nila..

Papakasalan nya uli ito..at ang kasalan ay mang yayare sa isla kung nasaan sila ngayon..

Matagal na nya yun binabalak kaya lang ay malala pa ang kalagayan ni zaira noon ngayon ay medyo ok nanaman ito..

Mahal na mahal nya talaga ang asawa ito lang ang gusto nyang makakasama habang sya ay nabubuhay..

The Unwanted Wife's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon