chapter 63

1.6K 17 8
                                    

Ala syete na pala ng gabi kumulo na ang tyan nya..ngayon nya naramdaman ang sobrang pagod..

Bumangon sya para kumain..

Naka upo si ayesha at skyller sa sofa..

Andun na pala ito..

Nakaka durog ng puso .

Sobrang sweet kasi ng mga ito..

Lumakad lang sya ng deretso na animoy walang nakita..

Ganun din naman ang mga ito kaya nag kibit balikat na lang sya..

Kumuha sya ng noodles nag luto na lang sya ng isa..kahit may perang binigay sakanya si skyller ay hindi nya yun inaabuso malaki ang pera nya pero ayaw nyang pakealaman yun..

Balak nya rin naman ibalik yun sa asawa..

Tiningnan nya ang lamesa madaming pag kain doon..mukha naman kumain na ang mga ito dahil maraming hugasin sa lababo..

Rinig na rinig nya ang masasayang harutan ng dalawa..

Parang pinipiga ang puso nya..

Nakikita nya ngayon kung pano sya tratuhin ni skyller nun nasa isla sila..

walang pinag kaiba

Hindi nya namalayan na tumulo nanaman ang luha nya..

Akala nya ay ok na eh..iba parin pala talaga pag nakikita mo na ang mahal mo ay nasa piling ng iba..at mag kaka anak na..

Pero anong magagawa nya sya ang may gusto nun eh..gusto nyang masaktan kesa hindi makita ang asawa..

Pasimple nyang pinag masdan si skyller..

Ngiting ngiti ito..madalas kasi galit ang awra nito pag sya ang kaharap pero kay ayesha masayang masaya ito..

Siguro nga mahal na mahal ni skyller si ayesha..

Bagay naman ang mga ito..maganda at gwapo samantalang sya?

Hetot jologs parin anong panama nya kahit sinabi ni skyller na minahal sya nito ay hindi sya maniwala dahil sobrang layo nya sa mga babae nito..

Kung pag kukumpara sya kay ayesha at sa ibang babae nito ay sya ang pinaka huli..

Hindi nya alam kung ilang minuto na syang naka tulala sa dalawa..

Nag bawi sya ng tingin ng mapansin naka titig sakanya ang asawa..

Nginitian nya na lamang ito pero sinamaan sya nito ng tingin..

Napakamot sya ng ulo at bumuga ng hangin..

Galit talaga sakanya si skyller..tumayo na lamang sya para mag hugas ng mga plato..pinasok na nya din sa ref ang mga natirang kinain ng mga ito at lininis ang lamesa..

Nag punta sya sa may swimming pool at umupo sa duyan..gusto nya munang mag muni muni..napangitsya ng maramdaman ang patak ng ulan..medyo malakas na yun pero dahil nasa loob sya ng duyan kaya hindi sya nabasa..
Tumayo sya para maligo sa ulan..hindi nya namalayan na nag hahabulan na pala ang mga luha nya sakanyang pisngi..

Napapikit sya ng mariin..habang palakas ng palakas ang ulan ay palakas din ng palakas ang iyak nya..

Sobrang sakit pa rin talaga..namimis nya yung nasa isla sila ng asawa

yung mga ngiti ni skyller yung ngiti nito habang sinasabi na mahal na mahal sya nito. Yung mga halik nito at yung pangako nito na hindi na sya iiwan lahat yun pati ang masasayang nagyare sakanila sa isla..

Napahawak sya sakanyang bibig at dibdib napaluhod dahil sobrang lakas na ng hagulgol nya para syang batang umaautangal na akala mo ay inagawan ng laruan..

The Unwanted Wife's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon