chapter 88

1.8K 28 11
                                    

Bakit mo ba ko dinala rito??--zaira

Pinanlisikan nya ng mata si skyller..hinila sya nito papasok ng bahay..

Naka tayo sya sa lugar kung saan maraming mapapait na alaala sakanyang nakaraan.. ang lugar kung saan naranasan nya ang mag mahal at masaktan ng sobra..

Ang bahay nila ni skyller..

Ang bahay na yun ang saksi sa lahat ng kanyang kalungkutan..halos lahat ata ng sulok ng kabahayan na yun ay iniyakan nya sa tuwing sasaktan sya ni skyller..

Ang bahay na yun ay saksi sa lahat ng sakit na pinag daanan nya..naging masaya man sya noon pero mas matimbang pa rin ang sakit..

Tiningnan nya ang hardin na minsan nyang inalagaan medyo na pabayaan na yun pero maganda pa rin..

Napangiti sya..Nakaka miss din pala  yun..

Kasi dito ang bahay natin--skyller

Nagulat sya ng marinig ang tinig ni skyller..

Bahay natin?kung itaboy at ipamukha mo saakin na wala akong pag aari dito noon wagas tapos ngayon bahay natin?i tigil mo na ang kalokohan mo iuwi mo na ako--zaira

Akmang tatalikod sya pero hinila nito ang braso nya

Sandali lang--skyller

Tiningnan nya ito ng masama at inirapan..

Iuwi mo na ko sabi eh--zaira

Ilove you--skyller

Ihate you--zaira

kunwari kapa, halata namang mahal na mahal mo parin ako--skyller

Nakangiting sabi nito..

Napangiwi sya rito at inis nyang tinitigan ito..

Whooaaahh gusto mo kape?para kabahan ka naman sa sinasabi mo--zaira

Taas kilay na sabi nya rito..

Hindi ko na kailangan ng kape para kabahan ako ikaw lang kasi ang dahilan kung bakit tumitibok ang puso ko--skyller

Sabi nito at kinindatan pa sya..

Hindi ako nakikipag lokohan sayo skyller iuwi mo na ako-zaira

Inis na talaga sya rito..

Sabihin mo munang mahal mo ko iuuwi na kita..

Napakagat sya ng labi talagang inuubos nito ang pasensya nya..

Ilan beses ko bang sasabihin sayo na wala na akong pag mamahal miski katiting sayo--zaira

Bulyaw nya rito..

Tsk!Wala kang maloloko dito--skyller

Lumakad ito sa gate at nan laki ang mata nya ng ilock nito ang double lock ng gate tanging susi lang ang makaka bukas nun..at hawak nito yun ngayon.. nakangiti pa na tinaas ang susi sa ere..

Ano ba skyller hindi ka nakaka tuwa--zaira

Inis na sabi nya rito..inagaw nya ang susi sa kamay nito pero masyado itong matangkad kayat nag tatalon sya..

Oppss not now mine akin ka ngayon--skyller

Inis syang tinalon talon uli ang susi sa kamay nito pero masyado talagang mataas at maliksi ang kamay nito..tatawa tawa pa itong pinahahabol ang susi sakanya..

Napagod na sya pero sige lang sya sa kaka agaw ng susi..tumalon sya ng mataas pero nawalan sya ng balanse natapilok sya..

Akala nya ay lalagapak na sya sa sahig ngunit sinalo sya ng matipunong bisig nito..para silang nasa dance contest bahagya pa syang naka liyad habang naka yuko ito sakanya salo nito ang kanyang likod..

The Unwanted Wife's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon