Hello !!! dont know what to say >.<
---
Daryll's POV
"Hmmmm.. naniniwala ka ba sa miracle?" tinignan ko si Micah, nandito lang kami naka upo sa bench sa labas ng hospital malapit sa maliit na garden.
"Hindi pa" matipis kong sagot. Hindi pa ako naniniwala kasi hindi pa naman nangyayari sa buhay ko.
"Ako naniniwala ako. Maniniwala ako hanggang dulo." tumingin sya sa akin. Kita ko sa mata nya yung lungkot. Ako na naman ang iniisip ng babaeng to. haayyyy
Inakbayan ko nalang sya. Ang swerte ko sa girlfriend ko. Ang swerte ko kay Micah.
"Hmmm sige, dahil naniniwala ka maniniwala narin ako." sabi ko sa kanya.
Ngumite sya sa akin tapos umakbay din.
"Tama yan... na aalala mo ba yung sinabi ko sa 4 leaf clover??"
Pano ko makakalimutan yung araw na yun? Sobrang tuwa ko nun dahil gusto ni Micah na mabuhay ako ng matagl para makasama ko pa sya at ang pamilya ko.
"Ou naman, e tulo uhog ka kaya nun."
"Aray!!" hinampas ba naman ako sa mukha.
"Ikaw din kaya tulo uhog ka pa!!!"
nagtawan kami. Ahh sarap sa pakiramdam ng ganito. Yung wala kang inaalala.
"Daryll??" nagulat ako sa tumawag sa akin.
Parehas kaming napatingin dun sa tumawag.
"Clarisse?!" si Clarisse, isa sya sa pasyente na lage kong nakikita sa hospital simula nung bata pa kami ni Micah. Mabait at mahinhin si Clarisse kaso lang may sakit din sya sa puso kagaya ko.
"Hello?? long time no see ah." Sabi ni Clarisse
"Kamusta na? okay ka na ba?" ako
"Hmmm medyo, pupunta akong hospital. Check up ko today e." hindi parin pala sya magaling kagaya ko.
"Ah buti kung ganun.Nga pala si Micah." sabay akbay ko kay Micah
"Micah? as in Jamicah yung batang maingay?" sabi ni Clarisse
Napansin ko naman na parang nainis yung mukha ni Micah
"Hmmmm ako nga pero hindi ako maingay. Sige iwan ko muna kayo." Sabi ni Micah sabay alis. Nagtampo yun.
end of POV
PREVIEW FOR NEXT UPDATE
"Daryll!!!! okay ka lang ? uy Hwag ka namang ganyan!! sabi mo hindi mo ako iiwan..Daryll!!!!!"
Simplyme's note: short update lang po ito .. wala ako sa mood dahil something happened na nakakainis na nakaka imbyerna!!! ayoko na!!1 kausapin ko nalang sarili ko >.<
Read, comment and vote is free :) tenkyu ...lablablab