Nasa harap na kami ng university na pinapasukan namin. Isang university na pinagsisihan naming pasukan. Ang school na 'to ay punong puno ng mga spoiled brats na walang ibang ginawa kundi pagtripan ang iba. And guess what? Isa kami sa pinagtitripan nila.
Paano ba naman kasing hindi kung ang epic ng mga suot namin at mga hitsura. May mga eyeglasses kaming lima dahil malabo na ang mga mata namin sa pagbabasa ng libro. Sabihin nalang nating mga nerd kami. Kaming lima ay laging kasali sa mga honors. Nerd nga di ba? Matalino kami at lahat ng academics kami ang nangunguna kaya marami ang naiinggit sa talinong taglay namin.
Kaya nga lang kapalit ng mga good grades na yun ay binubully naman kami.
Nagsimula na kaming maglakad papasok at side by side pa yan ah. May mga studyanteng nakikipagchismisan sa tabi may mga magjowang PDA. Ang sarap ngang sigawa na 'pumunta nalang kayo sa kwarto' pero ayokong gawin yun. Mapapaaway pa kami nyan eh.Bigla nalang nasamid si Aby dahil nga naglalakad kami side by side kumapit siya kay Hailey at kay Jiselle tapos si Jiselle naman kumapit kay Riely tapos si Riely kumapit sakin dahil na out of balance kami ang resulta nadapa kaming lima. Ang tanga tanga namin di ba?
Nagtawanan ang mga studyante sa paligid at mabilis pa kami sa alas kwatrong tumayo ulit na para bang walang nangyari. Puta sobrang nakakahiya talaga yun.
Di-nead ma nalang namin ang mga tawanan at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa classroom.
Pagdating namin sa classroom hindi pa natapos ang pagkapahiya samin dahil pag bukas na pagbukas ni Jiselle ng pinto bigla nalang may bumuhos na tubig mula dun. Nabasa kaming lima pero mas grabe yung kay Jiselle.
Tumawa na naman ang mga walangya naming mga kaklase. Nakita kong nagpigil ng galit si Jiselle. Lagi naman tong nangyayari eh kaya normal na samin ang mga ganitong pangyayari. Ang mas lalong nagpapikon samin ay yung makita ang limang mga retokado ang mga mukha na tumatawa. Malamang sila na naman ang may mga pakana nito. Pumapalakpak pa.
Lumapit sila samin. "Pasesnya na ha? Akala kasi namin hindi pa kayo naliligo kaya kami na yung nagprepare ng tubig para sa inyo." Tumatawang sambit ng demonyong si Sadie na parang airport yung noo. No ofense. Hindi nalang kami nagsalita kahit punong puno na kami. Mahirap na. Baka ma guidance pa kami nyan.
"Ayaw niyo pa dun? Makakalibre pa kayo ng tubig?" Dagdag pa ni Heidie na parang skeleton system na sa sobrang payat.
"Umalis nga kayo sa harapan ko. Ayokong makakita ng panget dahil masi-stress lang ang beauty ko." Sambit naman ni Khalia na pinapaypay pa ang sariling kamay sa mukha. Akala mo naman kung sinong maganda eh retokado naman. Tch!
"I agree, Khalia. Kung pwede pa nga umalis nalang kayo dito sa Trinidad High school para hindi na talaga namin makita ang mga pagmumukha niyo." Sabay irap na sabi ni Denisse na inaayos pa yung mala noodles niyang buhok dahil sa sobrang kulot.
"Get the hell out of our sights nerds!" Sigaw ni Jazlyn na para bang nasa kabilang bundok kami habang dinuduro duro niya si Jiselle sa noo.
"Tapos na ba kayo?" Napaangat kami ng tingin kay Jiselle. Nanlaki ang mga mata ng lahat. Sino ba kasing mag aakala na magsasalita si Jiselle.
"Jiselle, wag mo ng patulan" Bulong ni Hailey sakanya pero parang wala siyang narinig. Humakbang pa siya papalapit kay Sadie. "Hiyang hiya naman ako sa mga mukha niyo? Ang lakas naman ng loob niyong laitin kami. Mabuti nga yung mga mukha namin natural eh yung sa inyo? Retokado na nga para pang coloring book sa kapal ng mga make-up matakpan lang yung mga wrinkles at pimples niyo!"
"How dare you!!" Sigaw ni Sadei at nagulat nalang kami nung sinabunutan niya si Jiselle. Sapul na sapul kasi sa mga mukha nila yung sinabi ni Jiselle. Lumapit kaming apat para awatin sila pero lumapit din yung mga demonyitang apat at alam niyo ba kung anong nangyari? Nagrambulan kaming lahat. Habang sila nagsasabunot ng buhok kamao naman ang panglaban namin. Di ba ang saya?
BINABASA MO ANG
JHARA UNIVERSITY: The Author's Fiction
Teen FictionHindi ko alam. Sobrang gulo na ng lahat. Ang sakit sa ulong isipin. Para siyang puzzle na unti unting nabubuo Natatakot akong ipagdugtong dugtong ang bawat piraso dahil hindi ko alam kung anong kahihinatnan. Walang misteryo ang hindi nalulutas... W...