CHAPTER 2: Meet the boys

95 39 148
                                    

Bang!
Bang!
Bang!

Hindi kami totoo..
Hindi ako totoo..

Kami'y produkto ng isang kathang isip

Pero hindi rin ba totoo ang pagmamahal ko sayo, mahal ko?

MAX

Nagising ako sa isang panaginip na halos gabi-gabi kong nakikita. May hawak akong baril at nakabulagta ako sa sahig. May babae sa harap ko at nakaluhod siya. Itinutok ko sakanya ang baril na hawak ko at lumabas ang tatlong sunod sunod na bala.

Hindi ko alam kung sino ang babaeng yun dahil hindi ko makita ang mukha niya basta alam ko umiiyak siya. May gustong iparating ang panaginip kong yun at kailangan kong malaman kung ano yun. This is giving goosebumps.

Nasa dining area ako ngayon at pilit na pinapakalma ang sarili dahil baka may mapatay akong tao ng wala sa oras. Naghahabulan ang mga ugok na parang mga bata dito sa loob ng dormitoryo namin. Hinahagis hagis ni Eidam ang boxer ni Mathew kay Khalil.

Konti nalang talaga. Konti nalang at mapapatay ko na ang mga ugok nato. Malapit na kaming ma-late at nagawa pa nilang mag-asaran. Lumapit sakin ang isang taong nakakasundo ko at ang taong hindi nakisali sa kagaguhan ng tatlo.

"Max, eto na pala yung parte ko sa research natin." Inabot niya sakin ang isang folder na naglalaman ng lahat ng research na inutos kong ipagawa sakanya. Tinanguhan ko siya. Sa aming lima, kami ni Nate ang pinaka close dahil kami lang yung nagkakaintindihan. Para kasing takas sa mental yung tatlo. Ewan ko ba kung paano ako nagkaroon ng kaibigan na tulad nila. Napailing nalang ako habang pinapanood ang tatlo na hindi parin tumigil sa paghahabulan.

Let me tell you something about the guy next to me. Siya si Nate Jacob Imperial. Ang pinaka seryoso sa aming lima. Siya yung taong naka poker face palagi. Hindi mo masasabi kung galit siya, masaya, malungkot o nagulat kasi nga iisa lang ang expression ng mukha niya. Poker face lang talaga. Pero kahit ganyan tong taong to nagkakasundo kami. Magaling siya sa lahat ng subject but he's excellent in English. In short he's The Serious Guy

             NATE JACOB IMPERIAL              #THE SERIOUS GUY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

             NATE JACOB IMPERIAL
              #THE SERIOUS GUY

Natigilan ako nung tumama ang isang tela sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata nilang tumingin sakin except Nate ofcourse. Nakapoker face pa rin siya. Kinuha ko yun at mas mag init ang ulo ko nung mapagtantong boxer yun ni Mathew.

"Oops! N-Napalakas ang paghagis ko." Sambit ni Khalil na kinakagat ang kuko niya. Tumayo ako at umarteng kalmado tsaka sila binigyan ng deadly glare.

"Mga puntangina kayo! Kanina pa ako nagtitimpi sa inyo!" Sigaw ko at napaatras ang tatlo at napalunok. "Gusto niyong mamatay ng maaga?!"

"Bakit? Para namang kaya mo!" Sambit ni Eidam at lalapitan ko na sana siya nung pinigilan ako ni Nate. Nakatago na siya sa likod ni Khalil.

JHARA UNIVERSITY: The Author's FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon