CHAPTER 1: Meet the girls

86 39 149
                                    

Bang!
Bang!
Bang!

Tatlong bala..
Tatlong bala na kumitil sa buhay ko..
Tatlong bala na magpapabago ng buhay ko..

ALICE

"Waaa!"

Hinabol ko ang aking paghinga. Napasapo ako sa noo ko. Anong klaseng panaginip yun? Sobrang nakakatakot. Para siyang totoo na parang hindi. Tangina! Ang gulo ko.

Hindi naman siguro kami ang nasa panaginip ko di ba? Pero kapangalan namin eh. Impossible naman siguro. Malabong maging kami yun noh.

According dun sa panaginip ko mga nerd kami. Ang epic ng mga mukha namin. Para kaming mga pulubi na....

Aigoo!

Napailing nalang ako nung mag picture out sa isip ko ang mga mukha ng mga babaeng yun. Ang lalaki ng mga eyeglasses nila at ano daw? Matatalino? Kami matatalino? Nagjojoke yata yun eh. Kaya nga kami nasa Class 3-E, ang pinakahuling klase kung saan nakalagay ang mga studyanteng sakit sa ulo at walang magawa sa buhay. Kapag napasok ka sa section na yun isa kang kahihiyan para sa mga magulang mo at bababa ang tingin ng ibang studyante sayo. Sabihin nalang natin na hindi kami matatalino pero hindi kami mga bobo. Gets niyo?!

Sinong tutol papatayin ko! Oh di ba wala? Takot sakin eh.

Pumunta ako sa bathroom and stared at my reflection. Pinagmasdan ko ang sarili. Nahagip ng mata ko ang eyeglasses na nasa ibabaw ng sink katabi ng mga toothbrush. There's only way to find out kung ako ba talaga ang Alice na nasa panaginip ko. Kinuha ko yun, pinikit ang mga mata at unti unting nilapit sa mukha ko. Pero dali dali ko yung binalik sa kinalalagyan niya kanina.

Impossible talaga. Hindi kami yun!

"Coz!! Ano pang ginagawa mo dyan?! Mali-late na tayo!!" Sigaw ng pinsan ko sa labas. Kailan pa siya naging concern about school? Kailan pa niya ayaw ma-late?

"Oo nandyan na!!!" Sigaw ko pabalik sakanya at pumasok sa shower.

"Bilisan mo!!"

"Eto nga eh. Naliligo na!"

"Totoo?!"

"Oo. Kung gusto mo pa nga pumasok ka pa dito."

"Yuck! Ayoko nga! Bilisan mo na dyan!!"

"Just shut up, Abelaine!!!"

Kahit kailan talaga inuubos niya ang pasensya ko. Pagkatapos kong maligo, nagbihis at lahat lahat ay bumaba na ako.

Isang nakangiting Abelaine ang sumalubong sakin sa stairs wearing her most beautiful smile. Nagawa niya pa talagang ngumiti pagkatapos niya akong sigawan. I crossed my hands over my chest nagtaas ng isang kilay.

"Lagi mo talagang inuubos ang pasensya ko noh?" Mataray kong sambit sakanya.

"I'm sorry na cozz" hinawakan niya pa ang braso ko ah.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa dining area kung nasaan ang tatlo.

"Bakit ka ba kasi nagmamadali ha, Abelaine?!" Tanong ko sakanya.

"Kasi may bago na naman tayong teacher ngayon. Nag resign na kasi si Teacher Panget." Sambit niya.

"Sino bang hindi magreresign kung ang magiging studyante ay tulad natin?" Dagdag naman ni Hailey. Naalala ko tuloy ang mga ginawa namin sa teacher namin. Walang nakakatagal na guro samin sa 3-E. Napapaalis kaagad namin. We hate teachers!

JHARA UNIVERSITY: The Author's FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon