Max (#perfectionist)
We have already done our first move to find their weaknesses. Tiningnan na din namin ang background nila. Halos lahat ng tao sa mundo ang kahinaan ay pamilya. Maliban nalang sa limang babaeng 'to. Matagal na silang nawawalan ng communication sa mga magulang nila. Wala silang pakialamanan sa isa't isa at yun ang ipinagtataka ko.
Simula nung nag elementary sila walang magulang na nagsuporta at nag-alaga sakanila. They become independent at the age six at natutong makipaglaban sa edad na pito. They are really extra-ordinary. They're tough! At aaminin ko mahihirapan kaming hanapin ang kanilang mga kahinaan.
But one thing is for sure we will find them in every way kung yun ang hinihiling ng magaling kong ama. Kung yun ang magpapatahimik sakanya.
Lahat ng tao dito sa mundo may kahinaan. Ang iba hindi lang ipinapakita upang hindi gamitin laban sakanila.
Nasa VIP room kami ng JHARA UNIVERSITY at pinag-uusapan namin ang susunod naming mga hakbang.
"Max!! Why would it have to be Riely?! Hindi ba pwedeng si Alice nalang yung i-assign mo sakin?! I hate that Riely girl so much!" Sa lahat ng ipinagawa ko kay Nate sa pagkakataon lang 'to siya umayaw at nagreklamo.
"Why do you hate her? She's nice." Sambit ko na nagpabuntonghininga sakanya.
"Kasing kulit niya si Khalia! Actually, mas makulit pa!" Singhal niyang muli.
"Ano bang problema kay Riely, huh?" Singit naman ng kanina pa pangiti ngiting si Eidam.
"She fucking likes me." Sagot niya at bumalik sa pagkakamahinahon.
"What's wrong with that? Mapapadali mo pa yung misyon mo sakanya cause she likes you already. Di gaya netong si Jiselle." Sambit naman ni Mathew na balita ko hindi rin naging maganda ang pagkikita nila nung si Pimentel.
"Just go with the plan, Nate." Dagdag pa ni Khalil na kanina pa may ka chat sa phone.
"So anong nagyari sa pagkikita niyo ng mga babae?" Tanong ko sakanila kasi curios na talaga ako sa mga nangyari sakanila dahil sa iba't ibang expression ng mga mukha nila.
"Mine sucks!" Syempre si Nate yun.
"Mine was... okay lang naman at nabili ko pa si Spongebob, Max!" Masiglang sagot naman ni Khalil habang itinataas si Spongebob.
"Jiselle is such a brat! Sinabi niya pang hindi daw ako gwapo!" Reklamo naman ni Mathew na halos hindi na mapinta ang mukha.
"Eh totoo naman." Pagsasang-ayun ni Eidam na hula ko maganda ang mood. "Abelaine is an angel. Yeah, she's tough but I like it. At ang galing pang makipaglaban. Nakikipagsabayan sakin." Nakakalimutan siguro ng gagong 'to na may girlfriend siya. Ang landi talaga!
Tumango tango lang ako sa mga naging sagot nila hanggang sa mapansin kong nakatingin na sila sakin na para bang hinihintay nilang ako naman ang magsalita.
"Why are you looking at me like that?" Pagtatanong ko.
"Anong nangyari sa paghaharap niyo nung Alice?" Tanong ni Eidam at nakangisi pa.
"Hindi naman kami nagkaharap." Sagot ko.
"Sinasabi mo lang yan kasi ayaw mo lang ikwento samin eh." Sambit ni Mathew na may halong panunukso.
"Bahala kayo sa kung anong gusto niyong isipin."
Totoo naman ang sinasabi ko. Hindi naman kami nagkaharap. Pinagmasdan at pinag-aralan ko lang siya sa malayo. Alice is a tough girl pero may puso siya sa mga taong nangangailangan ng tulong. Yes, nakita ko kung paano niya tulungan yung matanda.
BINABASA MO ANG
JHARA UNIVERSITY: The Author's Fiction
Teen FictionHindi ko alam. Sobrang gulo na ng lahat. Ang sakit sa ulong isipin. Para siyang puzzle na unti unting nabubuo Natatakot akong ipagdugtong dugtong ang bawat piraso dahil hindi ko alam kung anong kahihinatnan. Walang misteryo ang hindi nalulutas... W...