Ano kayang magandang ipangalan sa magiging leading man ko sa story?Yung something epic at walang katulad. Yung pangalang ako lang ang nakakaalam. Sinabihan ko na din ang apat na sila mismo ang gagawa ng gusto nilang mga leading man at ang mga behavior ng mga ito.Just by thinking kung anong mangyayari kinikilig na ako. Nasa open field ako at nakaupo sa isang bench sa ilalim ng puno. Maganda dito kasi maganda ang simoy ng hangin. Parang nasa probinsya lang ako.
Habang hawak hawak ang notebook na dalawang salita lang ang nakasulat ay bigla nalang bumigat ang mga mata ko. Hayy inaantok na ako.
Bigla nalang may dumaang piraso ng papel sa harap ko at tinatamoy ng hangin. Sinabi na ngang hindi pwedeng magtapon ng basura kung saan saan eh. Ang tigas talaga ng mga ulo ng mga studyante dito. Kaming nasa student council tuloy ang nahihirapan kasi kami yung pinapalinis dito bago umuwi. P.O si Hailey at Jiselle habang kaming tatlo ni Abby at ni Riely ay mga Public Information Officers at ang mas masaklap kami lang talagang lima ang pinapalinis dito. Yung ibang officers lalong lalo na ang presidente? Naku wag niyo nalang tanungin. Mga maarte abg mga taong yun. Akala mo naman hindi magiging abo kapag namatay. Wuy!! Magiging dumi rin kayo!
Pinulot ko ang papel na yun at dahil curios ako kung anong nakasulat dun ay binasa ko.
Max Daniel Trinidad
Max Daniel Trinidad? Mukhang magandang pangalan to para sa leading man ko. Eto nalang kaya ang ipapangalan ko sakanya?
A smile formed in my lips.
PERFECT!
_________________________________________Alice
My dreams are getting weirder and weirder every night. Hindi ko na maintindihan. Wala akong maintindihan. Ang sakit sa ulo!
"Coz! Look at this! Ang cute niya!" Sambit ng pinsan ko habang pinipisil ang teddy bear na nasa harap namin. Nasa mall kami ngayon tutal 9AM pa naman magsisimula ang klase. Sabi nila bibili lang sila ng groceries pero eto ako ngayon kasama ang pinsan ko na huhulaan kong bibili na naman ng teddy bear. Si Jiselle nandun sa mga apliances. You know, she's doing mother thing at siya na rin yung bumili ng mga groceries namin. Si Riely naman nandun sa book store. Probably bibili na naman ng another novel. Si Hailey? Ewan ko kung saan napunta yun. Sabi niya ichcharge lang niya ang phone niya dahil nalowbat habang may ka chat siya. Sino naman kaya yun at hindi pwedeng hindi niya reply-an kaagad? Hindi makahintay?
"Coz ang dami mo ng teddy bear sa dorm natin! Halos napuno na nga yung kwarto mo eh!" Reklamo ko pa sakanya. Halos hindi na nga ako makahinga nung minsang pumasok ako sa kwarto niya sa dami ng stuff toys na nandun.
"Pero this bear is so cute. Bibilhin ko to. Promise last na to." I rolled my eyes.
"Lagi mo nalang sinasabi yan. You said it a million times already but you end up buying another one again." Nagpout lang siya. Hay! Ano bang magagawa ko kung eto yung kaligayahan niya. Sino ba naman ako? Pinsan lang naman niya na ayaw sa mga stuffy objects. "Sige na nga kung dyan ka masaya I'll just go to starbucks. Puntahan mo lang ako dun kapag natapos ka na sa pamimili mo." Nangangawit na kasi yung paa ko kasunod sunod sakanya. At sigurado akong hindi pa siya matatapos sa pamimili dahil sa tingin ko bibilhin niya lahat ng stuff toys na makikita niya.
Nag-order ako ng isang coffee at cake. Magpapalipas na muna ako ng oras dito. Wala naman akong kailangang bilhin dito sa mall eh.
Dun ako umupo malapit sa see through na pader at pinapanood ko lang ang mga dumadaang mga tao at sasakyan. Nahagip ng mata ko ang isang matandang babae habang hinihila ng isang mukhang adik adik ang bag niyang kulay ginto. Aba't wala talagang pinapalampas ang mga magnanakaw ngayon. Pati mga matatanda hindi pinatawad.
BINABASA MO ANG
JHARA UNIVERSITY: The Author's Fiction
Teen FictionHindi ko alam. Sobrang gulo na ng lahat. Ang sakit sa ulong isipin. Para siyang puzzle na unti unting nabubuo Natatakot akong ipagdugtong dugtong ang bawat piraso dahil hindi ko alam kung anong kahihinatnan. Walang misteryo ang hindi nalulutas... W...