ALICE
"Magandang araw mga bata. Ako nga pala si Teacher Koro ang bago niyong teacher."
"FIRE!!!!!"
Nagsipitukan na at nagsilabasan na ang mga anti-balls sa mga baril namin. Hindi naman kami ganun kasama para totoong bala ang gamitin namin. We dont like teachers but we dont hate them that much that we want them to die. Their still humans like us. Well, ewan ko sa isang to.
Sunod sunod na pagputok ng baril ang maririnig sa buong 3-E at ang mas ikinagulat namin ay nagagawa niyang ilagan lahat ng mga bala. Imagine, we are 35 in this class at ni kahit isa hindi namin siya matamaan. Tao pa ba tong kinakaharap namin.
"Naku, Naku, Naku! Mukhang nga bayolente kayo ah. Sige mag-a-attendance nalang ako para hindi masayang ang oras natin."
Mag-attendaance habang may mga balang kahit anong oras tatama na sakanya? Niloloko niya ba ako? Gusto ko tuloy matawa.
"Anderson"
"Present"-Mark
"Basarte"
"Present"-Florence
Nagpatuloy siya sa kanyang pagroroll call hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok ang nag-iisang teacher na ginagalang at sinusunod namin. Ang teacher na nagturo saming makipaglaban, humawak ng baril at ang maging mga assassin. Si teacher Karasuma. Pero kahit nandyan na siya patuloy pa rin ang pagputok ng mga baril namin. Kailangang umalis na ang minion nato ngayon.
"Student on duty. Pamunuan ang klase." Nagsimula siyang magsalita at ang tinutukoy ay walang iba kundi si Ms. President, Jiselle Pimentel. Nagbuntonghinga siya tsaka niya binaba ang baril.
"Guns down." Mahina niyang sabi at bakas ang hindi pag-sang ayon sa tono niyang yun. Mahina man pero sapat na para marinig ng lahat.
Labag man sa kalooban namin ay wala kaming nagawa kundi ibaba nalang ang mga baril namin at itigil ang pagpapaputok. Dahil aminin man namin o hindi kahit buong araw kaming magpaputok hindi pa rin namin siya matatamaan at magpapagod lang kami para sa wala.
Pumasok ang mga natitirang robots namin dahil ang iba dinurog na ng minion nato. Isa-isa nilang kinuha ang mga baril namin.
Tumigil ang isa sa harap ko at nagsalita in a robot style. Syempre robot sila. Magtaka kayo kung bigla nalang mag quack quack o mag moo yan.
"Ang.ba.ril.niyo.po.Ms.Sec.re.ta.ry." Binigay ko sakanya ang baril ko gaya ng ginawa ng iba. I crossed my hands over my chest at tinaasan ng kilay ang tao na magiging adviser daw namin. Nakatingin pa siya sakin at napakalaki ng ngiti sa labi na halos makita na pati mga gums niya. Problema neto? Masaya pa siya kahit gusto ng mga studyante niyang patayin siya? May sira yata sa ulo to eh.
"Makinig kayong lahat sakin." Nagsimula ng magsalita si Teacher Karasuma. Hula ko magtatatalak na naman to. "Meet, Teacher Koro." Ang weird talaga ng pangalan niya. "Siya ang bago niyong adviser." Tinapik niya ang balikat ng minion na yun na hindi pa rin mawala wala ang ngiti sa mukha. Hindi ba siya nangangawit kakangiti niya dyan? At hindi niya ba nakikitang ayaw namin sa presensiya niya?
Aigoo!
"Take care of him at wag na wag---" oh di ba? Eto na naman siya sa mga pangaral niyang paulit ulit na daig pa ang isang ina na nagagalit dahil hindi hinugasan ng mga anak niya ang mga plato sa sink.
"Wag na wag kayong gagawa ng kalokohan at mga pranks dahil kapag nangyari yun iiwan ko kayo." Pagsingit ko at ako na ang nagsalita in behalf of him. Ginawa ko pa ang best ko dyan ah para magaya ko yung husky na boses niya. "We get it, okay? Paulit ulit mo na yung sinasabi at nasaulo na namin yun. Dont worry, teacher Karasuma hindi kami gagawa---"
BINABASA MO ANG
JHARA UNIVERSITY: The Author's Fiction
Teen FictionHindi ko alam. Sobrang gulo na ng lahat. Ang sakit sa ulong isipin. Para siyang puzzle na unti unting nabubuo Natatakot akong ipagdugtong dugtong ang bawat piraso dahil hindi ko alam kung anong kahihinatnan. Walang misteryo ang hindi nalulutas... W...