PSC1-SISTERS

113 7 2
                                    

LIANNE'S POV

KRIIIIIIIIIIIING!!!!

King-inang alarm naman yan oh!!!!! Nakakainis labag man sa loob ko ay bumangon ako at pumunta sa banyo para maligo.

Habang naliligo naririnig ko na naman ang mga tarayan nila Ate Gabby at Ate Candy.

"OMG nakasama ko na naman ang maldita kong sister."-Ate Candy

"Ayaw mo yun may nakasama kang maladyosang babae. Swerte mo nga eh."-Ate Gabby

"Dyosa daw mahiya naman ako sayo."-Ate Candy

"Mahiya ka lang."-Ate Gabby

Hay naku lagi nalang silang ganyan. Hindi man lang magbati. Palibhasa hindi nila tanggap na magkapatid sila.

Basta ang alam ko kaya hindi nila tanggap ang isa't-isa dahil magkaaway daw sila nuon nung hindi pa nila alam na magkapatid sila.

Apat kaming magkakapatid pero sa Tatay lang.

Iba iba kami ng nanay. Ang legal lang na anak dito ay si Ate Zarina kasi siya ang unang anak ni Papa.

Hay ewan. Makapagbihis na nga lang gutom na ako eh.

ZARINA'S POV

Tang-inang mga kapatid ko naman yan oh!!! Ang aga aga natatatrayan na naman! Bakit kasi ang landi ng Tatay namin eh!

Kaya ito na naman ako. Manenermon na naman sakanila pero syempre cold pa rin.

Kaya bumangon na ako sa kama ko at naghilamos at nagsuklay ng buhok ko at lumabas na ng kwarto ko.

Pagkalabas ko duon din lumabas si Lianne. Ang bunso saamin.

"Goodmorning ate!!"-siya

Nag-nod lang ako sakanya at bumaba na rin.

Pagkababa ko nakita ko na yung dalawang ang sama ng tingin sa isa't-isa. At nag-aagawan sa remote.

Bakit kasi pinagsama sama kami sa iisang bubong. Nakakainis!!! Ayaw ko ng maingay!!!

"Ano ba ako ang na unang nanunuod dito kaya akin ang remote!!"-Candy

"Anong ikaw! Ako kayaaa!! Akin na yang remote!!"-Gabby.

Maya maya bumaba na rin si Lianne. Nagbuntong hininga nalang siya nung nakita niyang nag-aaway yung dalawa naming kapatid.

Hay naku buti pa si Lianne tanggap na niya na magkakapatid kami. Eh ako hindi ko pa rin tanggap. Eh sino pa naman ang may gusto na may ibang anak ang ama mo syempre magagalit ka diba.

"Ano ba!! Bakit mo nilipat!!"- Candy

Nilipat ko kasi yung channel para walang away.

"Kanina pa kayo nag-aaway jan. Pati sa panunuod mag-aaway parin. Lahat nalang ba pag-aawayan niyo?"-I said coldly.

Hindi naman sila nagsalita kaya nanuod nalang ako.

"A-Ah Ate Zarina ayaw mo pa bang k-kumain?"-Lianne

"Hindi ako gutom."-sabi ko

"O-Okay."-siya

GABBY'S POV

Fuuuuuuuck!!! That bitch!! Bakit kasi naging kapatid ko pa itong babaeng malditang to!!

Mas gusto ko pang maging kapatid sila Ate Zarina at Lianne kaysa sa Candy na yan.

Andito kaming tatlo sa sala si Lianne kumakain.

Sana siya nalang yung nakasabay kong kumain kanina. Si Candy naman kasi kaya hindi ako masyadong nakakain kanina.

Gutom nga ako eh sa totoo lang. Kaya naisipan ko nalang na pumunta sa kusina.

Kaya tumayo ako at pumunta duon.

At ayun nakita kong kumakain ng KADAMI DAMING PINGGAN SA HARAP NIYA!!

Gosh.. Ang daming kinakain pero hindi tumataba.

Nahalata niyang andito ako kaya ngumiti siya saakin.

"Hello ate. Tara kain."-siya

Ngumiti din ako sakanya. Ang gaan ng loob ko sakanya.

"Hello din pwedeng maki-share?"-ako

"Syempre naman ate."-siya at ngumiti saakin.

Kaya nakiupo na ako duon at nakikain na din.

"Ang sarap ng graham cake."-ako

"Syempre ako gumawa."-siya at ngumiti.

"Weh di nga! Sure ka?"-ako. Ang sarap talaga parang pang-restaurant.

"Oo nga."-siya

"Pwedeng pagawa mamaya?"-ako

"Oo naman pero may kapalit."-siya

Okay lang may kapalit basta para kay Jimson.

"Sure. Ano naman yung kapalit?"-ako

"Bigyan mo ko ng 2 thousand. Pls....."-siya.

Hay ang baba naman ng kaligayahan naman nito. Gawin ko pang 10 thousand eh. Syempre mayaman to.

Pero nagtala din ako bakit humihingi ng pera to eh mayaman naman kami?

"Sure. Gawin ko pang 10 thousand eh. Pero bakit ka humihingi ng pera? Eh madami naman tayong pera?"-ako

"Kasi ate bibili na naman ako ng sapatos. Eh ayaw ko naman maubos yung pera ko kakabili ng sapatos. Tsaka nahihiya na din ako kay Papa."-siya

"Ah.... okay. Mamaya ko nalang ibigay yung pera basta gawan mo ako pero dapat kasama ako para alam ko rin kung paano gumawa okay?"-ako

"Oo naman ate game ako jan. Tara na! Ngayon na natin gawin."-siya

"Tara!"-ako

Kaya gagawa na kami ng graham cake.(^_^)

CANDY'S POV

Hello guys!!! I'm Candy nga pala. Ang dyosa saaming apat. Totoo naman diba.

Andito ako ngayon sa kwarto ko. Nagiisip kung ano ang pwede kong ibigay kay Jimson na something dessert bukas kasi lagi lagi, binibigyan ko siya ng pagkain pero hindi lang ako ang nagbibigay kundi si Gabby din.

Dahil jan nag-aaway kami palagi. Nuon pa talaga kami magkaaway. Nakakainis eh....

Meron pa akong kaagaw kay Jimson OPPA!!

Naisipan kong bumili ng ice cream yung galing abroad kaya mamaya balak kong pumunta sa Mall para bumili.

Kinuha ko yung phone ko para malibang ako. Wala kasi akong alam na pwedeng gawin kaya mag-FB muna ako.

Kakapalit ko lang kahapon ng ACC Dp ko kaya ang daming nag-react sa Pic ko. Syempre dyosa ako eh...

Nakita ko sa nag-react si Lianne. Thank you sa babaeng yun.(^_^)

Pero ang nakatuon ng pansin ko ay nakita ko si Jimson na nag-love react sa Dp ko at kinilig talaga ako ng sobra....

Hahahaha maingit ka! Gabby!!!! Hahahahaha

Maligo na nga lang ako may pupuntahan nga ako diba. (^_^)

______________

Pls VOTE and SUPPORT my story THANKS(^_^)


Park SistersWhere stories live. Discover now