GABBY'S POV
Andito na ako sa parking lot ng school.
Pagkatapos pinark yung kotse. Dali dali kong pinuntahan si Jimson para hindi ako maunahan ni Candy.
Maya maya nakita ko na siya tinawag ko siya.
"Jimson!"-ako
Lumingon naman siya nung nakita niya ako ngumiti siya saakin at lumapit saakin. Gagi ang gwapo talaga niya.
"Hello Gabby ano yang hawak hawak mo?"-he said
"Ah.. This is for you."-I said.
"Oh... Thank you nag-abala ka pa tara kainin natin dalawa to sa Cafeteria."-he said. Tumango namana ako.
Cafeteria.....
"Grabe ang sarap talaga nitong graham cake. Ikaw ba ang gumawa?"-Jimson.
"Ah....O-Oo ako ang gumawa. Nagpaturo kasi ako sa kapatid ko. Tapos naisipan kitang gawan kaya ginawan kita."-ako
"Salamat dito ah.. Sa susunod gawan mo ulit ako. Paghatian ulit natin."-siya
"Okay!"-ako
"Sige una na ako pagalitan pa ako ni coach."-Siya
"Sige. Ingat sa practice."-ako
"Thanks."-siya.
Hay naku salamat talaga kay Lianne. Lagi ko ng makakasama si Jimson.
I love you Jimson.....
CANDY'S POV
Bwiset ka talaga Gabby!!! Talagang inaagawan mo ako sa pwesto ko. Nakakainis talaga!!!
Mamaya ko nalang ibigay itong Ice Cream. Ipapa-ref ko nalang to dito sa Cafeteria.
Kitang kita ko na ang saya ni Gabby. Sige magpakasaya ka Gabby dahil mamaya mawawala din yan.
Pinauna ko muna siya kasi ayaw kong makasabay siya. Magkaklase kasi kami.
LIANNE'S POV
"Pls pass your test papers."-Prof.
Pinasa naman namin ang mga test papers namin. Sana mataas ang makuha ko.
"Lianne alam mo yung sagot sa test V sa Math?"-kaklase ko.
"Oo yun yung kakaturo lang saatin kahapon ni Prof. diba?"-ako.
"Shit! Oo nga! Nakakainis baka mababa makuha ko!"-siya.
"Okay lang yan Monthly test palang naman eh. Bawi ka nalang sa Periodic test."-ako.
Maya maya pumasok na yung next Prof namin.
"Okay class pls take your P.E and go to gymnasium."-Prof.
"Okay Ma'am!"-kaming lahat.
Kaya pagkalabas ni Prof. nagpalit na din kami ng P.E.
Pagkatapos magpalit pumunta na kami sa gymnasium.
"Okay class ang gagawin natin ngayon ay tuturuan kayong magbasketball. Ang magtuturo sainyo ay ang coach ng mga Varsity natin dito sa school. Kaya dapat talaga sumunod kayo sa mga sinasabi ng coach dahil masyadong strict ang coach. Okay class?"-Prof.
"Yes Ma'am!"-kaming lahat.
Kaya nagsimula na kaming turuan ng coach. Totoo yung sinabi ni Prof. may pagka-strict si Coach pero mabait naman.
Hindi siya yung Coach na kapag nagkamali paparusahan agad. Kanina nga laging nagkakamali yung iaa kong kaklase pero hindi siya napapagod na turuan ito.
Kaya deserve niyang maging coach ng school namin kasi talagang magaling siya coach.
Natapos na din kaming turuan. Meron pa kaming time kaya naisipan nila Prof na ihati kami sa apat na grupo.
Bale dalawa ang court namin ng basketball dito. Kaya yung dalawang grupo ay maglalaban sa kabilang court sa kabila din naman yung dalawa din na grupo.
Kasama ako sa First 5 kaya ito kami ngayon nagplaplano.
"Okay guys basta huwag nyong kakalimutan na huwag gawin yung mga hindi dapat gawin. Okay?"-kaklase ko.
"Okay."-kami
Babae lang pala kami sa isang court sa kabila naman mga lalaki.
Nagsimula na laro kaya sari-sarili na kami dito ng bantay.
Isa sa mga favorite sports ko ang basketball. Tinuruan ako dati ng pinsan ko. Sa totoo lang hindi ko na matandaan ang mukha nun. Matagal na din kasi.
Nasaakin ang bola kaya bantay sarado ako. Kaya no choice kundi i-shoot nalang. Nashoot naman yun at 3 points pa.
"Nice Lianne!"-kaklase ko.
Nginitian ko nalang siya.
Maya maya tapos na ang laro. Kaya nakaubos ako ng dalawang mineral water dahil sa pagod.
Maya maya lumapit saakin si Coach.
"Nice 3 points Lianne."-Coach
"Thank you po."-ako at ngumiti.
"Alam mo pwede kang maging player ng basketball girls. Meron kang potensiyal."-siya
"Luh! Coach naka 3 points lang ako player agad."-ako
"Hindi ako nagbibiro Lianne. Sumali ka sana. Kung gusto mong sumali palista ka lang saakin."-siya
"Pag-iisipan ko pa po Coach."-ako
"Sige. Mauna na ako."-Coach
"Bye po Coach!"-ako
Hay sasali nga ba ako? Gusto na parang ayaw ko. Hay ewan!!!
"Ang galing mo palang magbasketball Lianne!"-kaklase ko.
"Hindi naman."-ako
"Tara na sa classroom."-kaklase ko.
"Tara."-ako
Classroom....
"Uy mamaya arcade tayo ah...."-kaklase ko.
"Oo baka naman Lianne sumama ka na hindi ka sumama kahapon eh..."-kaklase ko na isa.
"Oo na sige na..."-ako
"Yeheeeey"-sila.
ZARINA'S POV
Kakauwi ko lang ng bahay. And as usual nag-aaway na naman yung dalawa. Tapos si Lianne nama hindi pa umuuwi.
Hay naku 7:30 pm na wala pa siya...
Pumunta nalang ako sa kusina para magluto. Kumain na siguro yung dalawa kaya pangdalawa lang ang lulutuin kong pagkain.
Maya maya dumating na din si Lianne. Nakita ko pa siyang nagbuntong hininga nung nakita niyang nag-aaway yung dalawa.
Papunta siya dito sa kusina. Gutom siguro.
"Bakit ngayon ka lang?"- I said
"Hindi ko kasi namalayan yung oras ate nag-aarcade kasi kami. Sorry."-siya
"Dapat kapag 6:30 pm nandito ka na sa bahay okay?"-ako
"Okay."-siya at ngumiti.
Maya maya naluto na yung pagkain kaya niyaya ko na siya.
"Kain na tayo."-ako
Kumain naman na kami. Grabe ang takaw ng babaeng ito. Hindi naman tumataba.
Tapos na siyang kumain kaya nagpaalam na siyang tumaas para makapagpahinga na din.
Pinahugas ko nalang yung pinggan sa maid namin. Pagkatapos tumaas na din. Pinabayan ko nalang yung dalawang hindi pa tapos na pag-aaway.
Pagkapasok sa kwarto. Naglinis na ako ng katawan pagkatapos. Nahiga na rin sa kama.
Maya maya nakatulog na din ako......
______________
Pls VOTE and SUPPORT Thanks(^_^)
YOU ARE READING
Park Sisters
FantasySila ang Park Sister. Ang mga magkakapatid ay magkasundo pero ang Park Sister ay hindi. Posible pa ba silang magkasundo? _____________ Pls VOTE and SUPPORT my story PLSSSSS THANKSS LOVE YOU(^_^)