CHAPTER 1

38 3 4
                                    

"Sam tulala ka na naman" napatingin ako kay Jam na kanina pa pala nagsasalita..

"Ano na namang problema mo at kanina ka pa tulala diyan? Inaway ka na naman ba ng nanay mo?" Isa pa pala si Nanay hanggang ngayon galit pa din siya saakin..

"Hindi naman niya ako inaaway Jam natural lang sa magulang na pagalitan ang anak nila" tinignan niya ako ng kakaiba..

"Wow ahh iba na pala ibig sabihin sayo ng pinapagalitan Sa sinasaktan, Oo Sam natural lang na pagalitan ng isang Ina ang anak nila Pero hindi Tamang sisihin ka niya dahil sa pagkakamali niya" ayokong isipin ang lahat, mababaliw lang ako kapag inisip ko ang lahat ng pagkakamali ko..

"Alam ko Pero utang na loob nalang ang meron ako" tumingin lang siya saakin At Hindi na nagsalita..

Utang na loob, Utang na loob na hanggang ngayon dala-dala ko..

"Oo nga pala Sam, May napapansin ka ba?" Nagtataka akong tumingin sa kanya dahil parang Wala naman..

"Napapansin na alin?" Wala naman akong ibang napapansin maliban sa araw-araw na buhay na meron ako..

"Hmm never mind guni-guni ko lang siguro yun" gusto ko sanang tanungin kung ano iyon Pero nag bell na..

Nandito kami sa Bleachers para magpahingin At ngayon ang susunod na klase namin ay English..

Nandito na kami sa loob ng room habang hinihintay yung teacher namin..

Napatingin ako sa gilid ko, meron kaming group 1 hanggang group 4 at group 3 ako..

Nagtaka ako dahil bago lang ba siya?, isang lalake na nakaupo sa group4 sa dulo malapit sa bintana.

"Uyy wag mong titigan baka matunaw" Oo nga pala katabi ko nga pala si Jam magka klase kami sa lahat ng subject..

4th year high school na kami ni Jam Agustin 1st year high school noong magkakilala kami sa isang Rondalla Pero dahil naging busy kami At hirap ng mag-ayos ng schedule ay Hindi na namin naipagpatuloy..

Ako si Samira Leigh Yuson isang babaeng puno ng misteryoso..

"Bago ba siya dito?" Bumalik yung tingin ko sa lalakeng naka earphone At nakatingin lang sa bintana, siguro naman hindi niya napapansin na nakatingin ako sa kanya..

"Hala siya bes, Hindi ahh dalawang linggo na siya dito" dalawang linggo Pero Bakit hindi ko siya napapansin..

"Haha ano ka ba bes tahimik lang siya, Pero agaw pansin kaya siya kahit sabihin mong hindi mo siya mapapansin dahil sa Kala mo isa siyang hangin" siguro nga, kaya Hindi ko siya napapansin dahil sa sobrang tahimik niya..

Napaiwas naman ako nung tumingin siya saakin, parang May iba..

"Uyy tumingin siya, grabe bes kung Hindi lang siya weird siguro nilande ko na yan" tumawa naman siya Pero hindi ko yun pinansin dahil ngayon magkatitigan na kami sa mata..

Parang nakita ko na yun Pero hindi ko alam Kung saan. Umiwas siya At napuyuko..

"Grabe bes Ano yan Love at first sight?" Tumatawa pa din siya Pero hindi ko pa din yun pinansin dahil hanggang ngayon iniisip ko kung saan ko ba na kita yung matang iyon..

"Hayss Ewan ko sayo makapag basa na nga lang mapag kamalan pa akong baliw dahil sayo ehh" tumingin ulit ako sa kanya Pero ngayon naka ngudngod na siya sa desk niya..

Dumating yung teacher namin Pero Walang pumapasok sa utak ko dahil Wala naman sa tinuturo yung attention ko..

Hayss Sam ano ba yan? Wag mo nang isipin yung ibang bagay Wala silang maitutulong sa iyo..

The Girl Who Commits Suicide Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon