CHAPTER 4

6 1 0
                                    

Hanggang sa pag-pasok namin ni Jam sa sasakyan ay pala isipan pa rin saakin yung lalakeng naka hoodie malapit sa gate..

"Sam kamusta ka pala?, Medyo ang tagal na din pala noong nakita kita, 2 years na siguro yung huling dalaw mo sa bahay" Gaya nang sinabi ko kanina na hindi naman ako komportable na nasa ibang bahay..

"Ahh ok lang maman Po ako kuya James" napatingin naman ako kay Jam nang tumawa siya sa harapan..

Katabi niya kasi si kuya James sa harapan At ako Lang ang nasa likuran, mukha daw kasing driver si kuya kung pareho kami ni Jam na nasa likuran..

"Sigurado ka ba bes?, naku kulang na nga lang ay isugod na kita sa mental Ehh" tumatawa pa din siya, napangiti naman ako dahil kahit papaano ay alam kong concern lang siya saakin..

"Bakit Anong problema Sam?" Tanong ni kuya James..

"Ehh paano ba naman kasi kuya, yung Nanay niya -." Hindi naituloy ni Jam yung sasabihin niya, tumingin naman siya saakin sa likod..

"Ahh Wala kuya minsan Medyo May Saltik lang talaga si Sam, you know sobrang tahimik niya lang kasi na dumadating sa point na wala na siyang naririnig" akala ko sasabihin na niya..

Kahit papaano ay ayoko din namang maging masama si Nanay sa ibang tao kahit ba na sinasaktan niya ko..

"Ah ganun ba, ganun naman talaga lahat ng tao Jam ehh meron lang siguro siyang iniisip na mas mahalga pa sa pinag-uusapan niyo" napatigil ako sa sinabi ni kuya James..

Tama bang isipin ko yung mga bagay na dapat ay kinakalimutan ko na?..

"Ohh siya Sige na nandito na tayo" huminto kami sa tapat ng bahay nila..

Malaki, maganda At disente ang bahay nila mula loob hanggang labas dahil sa parehong engineer ang mga magulang nila..

"Ohh iha mabuti at napadalaw ka ulit, sobrang tagal na simula noong makapunta ka Dito" masayang Sabi ni tita Jen ina nila Jam ang bumungad agad saamin nang makapasok kami sa Pinto nila..

"Pasensiya na Po tita Medyo busy lang Po" ngiting sagot ko kay tita, sobrang bait ni tita At kahit na sa maikling panahon na nagkasama kami ay naipakita niya saakin na para na niya akong anak..

"Naku kung Hindi lang siguro torpe itong binata ko iha, baka talagang anak na kita" Medyo nagtaka naman ako sa sinabi ni tita Pero si Jam ay sobrang lakas ng tawa na halos abot na siguro ang tawa niya sa labas..

"Ma Kumain na nga lang tayo At para makapag pahinga na sila, pagod din ang mga yan" Medyo inis na Sabi ni Kuya James sa ina..

"Hahaha fine, ohh my shy baby boy" napangiti naman ako sa asaran nila kahit na hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan nila..

"Alam mo kuya kumilos kana Baka magsisi ka kapag inangkin na yan ng iba" Seryoso Pero kita mo ang ngisi ni Jam kay kuya James..

"Hindi ako nagmamadali Jam baka kapag nasaakin na tsaka ko naman mabitawan dahil Hindi niya kayang kumapit" nakikinig lang ako sa usapan nila dahil Hindi naman ako makarelate..

"Haha Ewan ko sayo sige na aakyat muna kami para magpalit" umakyat na kami ni Jam papunta sa kwarto niya..

"Paano Sam kung makalipas ang mahabang panahon May mga bagay na matagal mo nang tinatago, paano kung mabunyag ang lahat nang ito Anong gagawin mo?" Alin ba ang dapat mabunyag Jam? Kasi sa totoo lang ang daming mga bagay na hindi pa ako handang harapin At ipaglaban..

"Hindi pa ako handa" Seryoso ako sa sagot ko, Hindi pa ako handang harapin ang katotohanan..

"Dapat na maging handa ka Sam paano kung sabay-sabay na dumating yung mga bagay na yun, baka bigla ka nalang sumuko" matagal ko na din namang pinag-isipan yan..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Girl Who Commits Suicide Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon