CHAPTER 2

12 4 3
                                    

Tumunog na ang alarm clock ko Pero Nandito parin ako sa kama nakatingin lang sa kisame.

Sa totoo lang Hindi ako nakatulog nang maayos dahil isang pikit ko palang alaalang nakaraan na agad ang bumungad saakin..

Tama ba yung ginawa ko?

Tumingin ako sa orasan At meron pa akong dalawang oras para mag gayak Pero tinatamad akong bumangon..

Alam kong mugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kagabi..

Umalis na si Nanay dahil magtitinda pa siya sa palengke ng mga isda..

Bumangon na ako dahil alam kong Wala naman akong gagawin dito sa bahay kung aabsent ako sa klase..

Habang naglalakad ako papuntang school ramdam ko na may sumusunod saakin kaya tumingin ako sa likod Pero wala naman akong nakitang sumusunod...

Pagharap ko napaatras ako dahil sa sobrang lapit na niya saakin, siya na naman, yung lalake na kaklase namin..

"Ginulat mo ako" mahinang Sabi ko sa kanya bumilis yung tibok ng puso ko dahil dun Pero mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko nung ngumisi siya..

Hindi siya ngiti dahil ngisi siya..

"Did I scare you?" Hindi ba siya nagtatagalog At kahapon pa niya ako sinasagot ng English. Sa bagay mukha siyang mayaman siguro susyal lang siya..

"Yes, you scared me" at doon na lumabas yung ngiti niya, na windang ako sa ngiti niya yung dimple niyang malalim At yung mga ngipin niyang pang model ng toothpaste..

"Don't be" yun lang ang sinabi niya At hinawakan ang kamay ko habang naglalakad kami, ilang beses kong sinubukan na alisin yung kamay niya pero hinihigpitan niya lang ito..

"Ahh teka nga" pigil ko sa kanya kaya humarap siya saakin, tumingin lang ako sa lapag dahil ngayon naiilang na akong tumingin sa mga mata niya..

Ang weird kasi ng Ikinikilos niya. Nagtaka ako nang kumunot yung noo niya..

"Bakit?" Nagulat ako nang hinawakan niya ang pisngi ko..

"Who did this?" Naalala ko na naman yung nangyari kagabi, si Nanay..

"Wala, don't mind it" inalis ko yung kamay niya sa pisngi ko At nauna nang naglakad sa kanya dahil nabitawan naman na niya yung kamay ko..

"I'm asking you" Bakit kailangan niya pang alamin, Oo nga tama nga si Jam ang weird niya..

"And I'm telling you don't mind it" dumiretso na ako ulit ng lakad At iniwan na siya doon..

At sa pangalawang pagkakataon kinuha niya ulit saakin yung kamay ko At sumabay saakin sa paglalakad..

"Sino ka ba?" Napahinto siya Pero hindi humarap saakin..

"I'm nothing" his name is nothing? Seriously?

Hayss ewan ko dito Ang gulo niya pero Sino nga ba talaga siya?

Papasok palang kami ng school ay pinagti-tinginan na kami kaya kinuha ko yung kamay ko sa kanya..

"What?" Tanong ko sa kanya nung humarap siya saakin.

"Don't leave, don't leave me" kumunot yung noo ko dahil sa sinabi niya, ayan na naman siya..

Ano bang ibig sabihin para sa kanya ng Don't leave me..

"Ano bang ibig mong sabihin?" Sa totoo lang Naiinis na ako sa kanya ang gulo-gulo niya..

Nagkatitigan lang kami Pero siya din yung unang umiwas, naglakad siya paalis..

Pangalawang beses niya palang itong ginagawa na matapos niyang magsalita ay aalis nalang siya bigla.

The Girl Who Commits Suicide Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon