"SA PAGDATING NG NAKATAKDA, MATUTUWA ANG BUWANG TAGAPAMAHALA"
Malalim na ang gabi at halos tulog na ang mga tao sa tahimik na bayan ng Bulan. Sa mga bundok na nakapaligid dito, ang malamig na hangin ay nagpapaikot-ikot lamang at marahang dumadampi sa malalambot na balat ng mga naninirahan dito. Ang buwan ay kitang-kita mula sa ibaba ng kalsada ng bayan. Ito ang nagbibigay liwanag sa halos kalahati ng bayan ng Bulan. Tanaw mo agad ito sa taas ng bahay ng mag-asawang mayaman.
Ang mag-asawang si Don Santiago at Donya Esmeralda ay halos di mapakali noong gabing iyon. Dahil ito sa isang babaeng manghuhula na lumapit sa dalawa.
"Babae, magdadalang tao ka, at sa pagdadalang tao mo ay kalulugdan ka ng buwan kung kaya't isusugo ng buwan ang pinakamakisig nitong anghel na magbabantay sa iyong dalaga. Ngunit ingatan ninyong umibig ang inyong anak sa anghel dahil nakasalalay ang liwanag ng buwan sa anghel na tagapagbantay ng iyong anak. Dahil sa oras na isinilang na ito, ang anghel ay tatabi na sa iyong anak." Ala propetang bigkas ng matandang hukluban. Kulubot na ang balat at halos di na rin makatayo ang matanda. Balot ito ng mga tagpi-tagping tela na iba-iba ang kulay.
Tumindig ang mga balahibo ng mag-asawa noong sinabi ito ng matanda, sapagkat ilang linggo naring buntis ang Donya. Sa di malamang dahilan ay naging maselan ang pagbubuntis ng Donya. Mabilis itong mairita at laging nais na masilayan ang buwang kay liwanag sa tuwing gabi.
Ika-walo na ng gabi at papikit na ang Don Santiago sa kaniyang kinauupuan nang biglang sumigaw ang asawa niya.
"Santiago!" Sigaw ni Esmeralda. Wala pa mang sinasabi ay alam na ni Don Santiago ito. Kung kaya't tumawag na ito ng ambulansya habang kinakaon ang asawa sa kwarto nila.
Aligagang-aligaga na ang mga tao sa hancienda ng mag-asawa. Lalo na ang tiyahin ni Esmeralda na si Conchita. Lahat ay tumulong sa paghahanda para sa paparating. Nang tumingala ang lahat ng nasa hancienda ay nabigla sila, sapagkat maliwanag man ang kalangitan dahil ito ay puno ng bituin, ay di nila nahagilap ang liwanag ng buwan.
BINABASA MO ANG
TONIGHT
Paranormal"Mahal siya ng buwan, mahal siya ng langit. Ngunit isang masayang buhay ay ipagkakait." Isang mabigat na gawain ang naibigay sa anak ni Don Santiago at Donya Esmeralda na si Nyx. Ito ay ang paglingkuran ang buwan. Mapalad ang dalaga sapagkat ipinada...