Kabanata 5

15 0 0
                                    

"BINTUIN SA TAAS NG KAULAPAN, HANAPIN MO ANG IYONG BUWAN."

CAELIN'S

Limitado lamang ang aking natatandaan mula sa nangyari sa 1 million subscribers party ni Alex kagabi. Pero ang huli kong tanda ay inihatid niya ako sa aking bahay na tinutuluyan. Di naman ito bahay, nangungupahan ako sa isang apartment mag isa.

Suot ang aking oversized na t-shirt ay bumangon ako para uminom. Nakita ko ang orasan na halos mag aalas otso na ng umaga. Kailangan ko na maihatid kay kuya ang mga gamit. Nagmadali akong ihanda ang aking sarili para sa pagpunta kay kuya.

Si kuya ay nagtatrabaho sa isang malaking kompanya sa manila, na halos tatlong oras din ang layo mula dito sa bayan ng bulan. Nang handa na ako ay agad akong sumakay na ng bus patungo sa nasabing bayan.

Nang ako ay makasakay na sa bus ay nakatingin saakin ang ibang tao. Dahil ba ito sa suot ko na damit? Buhok ko ba? Bakit sila nakatingin?

Wala naman masyadong tao sa bus kaya't kitang kita mo ang tinghay nila at pagtingin saakin. Umupo na ako sa isang upuan, sa dulo ng bus, na tabi ang bintana. Buti na lamang at may free wifi sila sa bus, kung wala, siguro'y namatay na ako sa traffic papunta pa lamang sa manila.

Scroll lang ako ng scroll sa feed ko sa facebook nang biglang may tumawag sa phone ko. Nung una ay nagdadalawang isip ako dahil baka mamaya ay kung sino ito, dahil number lang naman ito at di ito nakaregister sa phone ko.

Nung mga ika limang ring na ay sinagot ko na ito.

"Caelin?!" Pamilyar na boses mula sa telepono. Medyo tense ang boses niya.

"Caelin, si Solios ito." Bakit kaya?

"Ah, ikaw pala yan Sol. Bakit ka napata-"

"Kasama mo ba si Nyx ngayon?"

"Hindi eh, bakit?"

"Sige, sige. Salamat." beep beep beep.

Ano na kaya ang nangyari kay Nyx?

???'s

Inayos ko ang aking buhok na sumasagabal para ako ay makakita ng maayos. Humarap ako sa scrying mirror at tinanong kung ano ang mangyayari.

"Bituin sa langit, ipakita saakin, kumikislap ka pa ba?" bigkas ko.

Ang salamin ay unti unting nag iba ang imaheng inilalabas. Ang aking mukha sa salamin ay nagbago at napunta sa mukha ni Nyx. Hmm. ANO?!

CAELIN'S

Ilang beses ko na tinatawagan si Nyx sa kaniyang telepono pero hindi siya nasagot. Kinakabahan ako para sa kaniya. Biglang tumigil ang bus na aking sinasakyan. Malapit na ako sa manila. Tumingin ako sa labas ng bintana at doon ay natatanaw ko na ang mga matataas na gusali.

Hindi nagtagal ay nagbukas ang pintuan ng bus at may pumasok na isang lalaking matangkad. Itim na itim ang kaniyang buhok. Nakasuot ito ng isang jacket na kulay gray at ang ripped jeans nito ay lumalapat sa kaniyang binti. Naghahanap ito ng katabi at tumabi ito saakin. Dahil narin siguro puno na ang ibang upuan.

Sa pag upo nito ay tumawag na saakin si Alexander. Pano niya nakuha ang aking number?

"Hello, Alex?"

"Nakita mo ba si Nyx?" Si Nyx parin ang topic. Ano ba nangyari?

"Hindi eh. Wait, ano ba ang nangyayari kay Nyx?"

"Kasi nung hinahatid kita kagabi, nawala si Nyx sa rooftop." Diretsong wika nito. Nawala si Nyx sa rooftop?

Bigla nalang naputol ito ang koneksiyon at tinanggal na ng lalaki ang kaniyang hoodie.

"Kilala mo si Alex?" Umimik yung lalaki sa aking tabi.

"Ah sorry. Alex, yung famous youtuber? Pinsan ko siya. Ako si Rowan. I'm about to meet him actually. Susunduin ko lang si Tita Mel, yung mama niya." Paliwanag nito. Well, he seems to be telling the truth.

"Ah, ikaw pala nabanggit niya kagabi. I'm at his party last night. And oh-" Naputol ang usapan namin nung biglang tumunog cellphone ko. Si Alex.

"Oh hi! Nakita ko si Rowan dito, yung pinsan mo?"

"Really? What a coincidence, tinatawagan ko siya pero di nasagot. And I'm about to update you with Nyx. She still is missing. Pedeng pakausap si Rowan?" He asked. I gave the phone to Rowan.

"Hey bro" Rowan

"Yes, susunduin ko na si Tita Mel." he continued.

"Hmm, yes yes. Hahaha. She is." he chuckled.

"Well, mamaya nalang, nalobat ako bro. Hahahaha" Rowan as he turn off the phone. He gave it to me.

"Salamat" He smiled. Wait. WHAAAT?! That, ngayon ko lang napansin na gwapo pala siya.

Nanginginig ang aking kamay at inabot ang aking telepono.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TONIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon