"SA BAWAT PAG-DILIM, ISANG LIWANAG ANG MAPAPANSIN"
Kinaumagahan ng ritwal.
"Good morning Nyx! Hahaha." Bati saakin ni Neil sabay higa sa tabihan ng kama ko. Pili lamang ang pinagpapakitaan niya kung kaya't minsan ay naguguluhan ang iba kung sino ang kausap ko.
Nakaharap ito saakin, nakapatong ang ulo niya sa kamay nito at ang braso niya ay nakatuon sa higaan. Ang mahaba niyang puting damit ay sumasadsad sa carpet ng kwarto ko. Ang puti niyang buhok na mahaba ay nakalapat na rin sa kama. Nakatingin lang ito at nakangiti.
"Good morning Neil." Sagot ko. Ngumuso lamang ito pataas at tumingin sa kisame.
"Tsk. Galing ako sa buwan kanina lang, may gusto silang sabihin sa iyo." Wika niya habang bumabangon ako mula sa aking pagkakahiga.
"Ano naman yun?" Tanong ko.
"Mali yung hula at sinabi ng matanadang hukluban. Ikaw ang gamot ng mamamatay na buwan. Yun ang totoo. Sa bawat taon na nakanta ka, bumabalik ang liwanag at sigla ng buwan. Nagkaroon ang buwan ng sakit kaya ikaw ang pinili para gamutin siya." Aniya.
"At isang tao ang magpapalimot sa iyong tungkulin. Kailangan na kitang bantayan ng mahigpit mula ngayon." Dagdag pa nito.
"O siya, tara na sa baba. Samahan mo na ako." Pagbabago ko ng usapin.
So abnoy ba yung matanda? Pero ayos din naman, may patungkol din naman sa buwan ang hula niya. Ano nga ba ang mangyayari kapag wala na ang buwan? Sabi ni Neil, pag namatay ang buwan ay magdidilim sa gabi. Walang liwanag na dadampi sa mga bubungan o sa kahit saan man. At magkaka-away ang anghel ng buwan at ng araw.
Inayos ko na ang aking higaan at bumaba na kasama si Neil. Naghanda na ako para sa aking pag-pasok. Di rin nagtagal ay lumabas na kaming dalawa ng bahay. Sa aming pag-labas ay humarap sa akin si Neil.
"Nyx." Wika nito. Tinaasan ko lamang siya ng noo at tumingin sa kaniya.
"Tara na nga hahaha." Pagdadagdag nito. Buti nalang at walang tao sa paligid kaya nakausap ko ito.
"Bahala ka nga." Pagsusungit ko.
"Ito naman o, agang aga. Sige ka papanget ka!"
|Sa Paaralan|
Nasa cafeteria kami ni Caelin at Solios. Nakain kami ngayon ng aming lunch. Maunti pa ang tao dahil vacant namin ngayon, kung kaya't napaaga ang aming pag kain ng lunch.
"Nyx, naniniwala ka ba sa mga angels?" Biglaang tanong ni Solios. Nakasilip lamang sa bintana ng cafeteria si Neil at nakapangalumbaba ito. Bilang sagot dito, tumango na lamang ako.
"I used to have one. Hahaha... I think." Pagbibiro ni Solios. Napatingin si Caelin dito at nagawa pa nitong makipagbiruan kay Solios. Ako ay tahimik lamang buong lunch. Actually, buong maghapon ako tahimik dahil nagamit ko yung energy ko sa ritwal kagabi.
Mabilis namang natapos ang maghapon at nag uwian na ang aming mga kaklase agad. Naiwan nanaman kami ni Caelin sa room and this time kasama namin si Solios at si Alexander. Si Alex o Alexander ay isa rin sa bagong kaibigan ni Solios. Matalino rin ito, sa katunayan ay nag totop 3 pa siya. Second honor lang ako at pang apat naman si Caelin.
Saakin ipinagkakatiwala ng aming adviser ang susi ang classroom namin. Kahit minsan, madalas pala, ako ay late. Nag sasagot si Solios ng isang form na kailangan kolektahin ni Alexander. Bukod sa pagiging honor, siya ay ang aming class president kaya lagi siyang busy sa mga gawain.
Napag alaman namin ni Caelin na halos magkalapit lamang ng bahay si Alex at si Solios. Mauunang bumaba si Alex kung kaya isasabay na ni Solios ito papauwi sa kanila. Nang mapatingin ako sa bintana ay nakasilip nanaman si Neil. Minsan ay nababarino na ako sa kaniya. Di ba siya nagsasawang titigan at bantayan ako?
Tiningnan ko siya ng masama para umalis siya. Napayuko na lamang siya at dumistansya ng kaunti. Ngayon ay nasa may puno na siya at dun na nag mamasid. Malayo ang puno kung kaya't di ko na ito tiningnan pang muli.
"Nandito ba ulit yung pusa mo?" Tanong ni Alex sa akin.
"Ah, eh . . . Wala hahahaha." Sagot ko.
"Ako Alex, di mo ako tatanungin?" Sabi ni Solios habang nagbubura ng nakasulat sa form. Marahang pumikit ang kaniyang makapal na pilik mata.
"O sige, Solios, nasan pusa mo?"
"Nasa bahay pusa ko. Pero yung puso ko nasa iyo." Wika nito habang tumitingin sa akin sabay ngisi. Nang sumulyap na ito ay sumakto yung linyang 'yung puso ko nasa iyo'. Bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman ko ang pag init ng aking mukha. (your inhibitor turret is under attack)
"Ikaw nga Sol ay magtigil ha! Ako'y wag mong bobolahin. Bilisan mo at malapit na dumilim!" Sigaw ko sabay paglalagay ng kamay sa bewang ko.
Ngumiti lamang ito saakin at nagtaas ng kilay. Naramdaman ko nalang ang isang hangin na nagmumula sa pamaypay ni Caelin sa likuran ko. Syempre ay nagpoker face ako. Alangan namang ipakita ko na marupok akong nilalang sa harap niya.
"Woooh~ ang ineeet!" Paninira ni Caelin. Solios coughed and went back on writing on the form. A few moments later, natapos na din sya! Di nagtagal ay lumabas na kami ng room at ipinasa na ni Alex ang form ni Solios sa faculty.
Solios just stood there, near the window, where the light can freely pass through the glass and brighten his hazelnut colored eyes. Inaayos niya ang mahabahaba niyang buhok at ang kaniyang uniporme. Habang nakatingin kay Solios ay pinapasok na rin ng faculty si Caelin. Naiwan na lamang kaming dalawa dito. Sinundan ko ng tingin ang pagpasok ni Caelin sa faculty at nabigla ako kay Sol.
Nakatingin ito saakin. Porket matangkad lamang siya saakin ay halos tumungo na ito sa pagtingin saakin. Ngumisi ulit ito at namulsa.
"Antagal naman nung dalawa no?" Wika nito. Nakasandal ako ngayon sa grills na halos katabi na niya. Ang kamay nito ay pumatong sa grills, malapit sa aking braso. Sa malayo pa lamang ay ramdam ko na ang titig ni Neil saakin. Ramdam ko ang presensya niya na papalapit ng papalapit saakin. Napalingon ako sa paharap kay Neil, dahilan para mapalingon din si Solios.
"Ang ganda ng buwan no?" Wika nito sabay turo sa buwan na tanaw na sa kalangitan.
BINABASA MO ANG
TONIGHT
Paranormal"Mahal siya ng buwan, mahal siya ng langit. Ngunit isang masayang buhay ay ipagkakait." Isang mabigat na gawain ang naibigay sa anak ni Don Santiago at Donya Esmeralda na si Nyx. Ito ay ang paglingkuran ang buwan. Mapalad ang dalaga sapagkat ipinada...