"ISANG GABING WALANG BUWAN, ARAW LAMANG ANG SA LANGIT AY MATUTUNGHAYAN"
| Ilang oras ang lumipas |
Nakauwi na rin kami. Isinabay na ni Solios si Alex papunta sa kanila. Naghiwalay nanaman kami ni Caelin. Hindi parin naalis si Neil mula sa puno. Naroon parin siya sa itinuro ko. Tss, he is always overprotective. And I hated it so much. Kaya I want to have a bit of a distance from now.
Habang nasa daan ay kinausap ko na si Neil. Nasa likod lang ito at nakatungo.
"I want distance." Wika ko.
"Panong distansya?"
"Like, distansya. Mula bata nagbabantay ka na sakin. Halos magkatabi tayo lagi, parang . . . Ewan ko. Ang weird kasi iilan lang pinagpapakitaan mo. And ang . . . Sa sobra mong kaprotective, nakakasakal na!"
Napatigil ito sa paglalakad, paglutang pala. Tumungo ito at tumulo bigla ang luha nito. Napasobra ba ang pagsasabi ko sa kaniya?
"Distansya . . . Dapat sinabi mo na ng maaga para hindi kita naistorbo." He mumbled and as I walked near to him, he quickly ran off.
What have I done?
"Neil!" Sigaw ko habang lumilipad ito papunta ng buwan. Dito ako nito nilingon. Bumilis ang pagtibok ng aking puso dahil naisip ko na baka di na ako nito balikan.
Habang bawat minuto ang lumilipas ay lalong dumidilim, kung kaya't napagdesisyunan kong bumalik na muna ng bahay habang may konti pang liwanag.
| Sa bahay |
Ako ay nakapagluto na at kumain. Agad ko namang sinabi kay Caelin yung nangyari.
"Ano ba yan? Ang tanga mo ha, gaurdian angel mo yun. Bat mo papaalisin?" Aniya.
"Cae, grabe. All I want is distance at di ko naman sinabing lumayas ka. Pero since wala na muna siya, okay. Mag-eenjoy muna ako." Wika ko habang inaayos ang susuutin ko mamaya.
"Ay wait! Aayusin ko lamang yung ihahatid ko kay kuya bukas." Dadag nito.
Nagtext saakin si Solios.
"Can I invite you to a party. Malapit lang naman dito e. Sabado naman pati bukas."
I typed yes as the reply.
Gusto ko rin namang maramdamang maging malaya. I am always constricted and grounded. Ngayong gabi lang ako magiging malaya. Nagmadali akong umalis ng bahay at nagpalit ng damit. I was fetched by his black car. Siya mismo ang nagdidrive nito at binuksan niya ang pintuan. He is wearing this collared shirt and pants. He looks so stylish wearing those. It complimented his base looks at lalo pa siyang gumwapo. His pink pouty lips grinned as he opened the door of the car gently.
"Kasama rin si Alex dun sa party, actually he is the host of the party. A small one. I call it party but parang kainan lang at inuman yun." He briefly explained while putting my seatbealt on.
"So, do you drink?" Tumingin siya sa aking mukha. Out of desperation na makalimutan ang nangyari kanina saamin ni Neil, I nodded.
"Yes"
"You sure?" His eyebrows crossed with a worrying look.
"Uh . . . Yes. Tara na." Agad akong tumango at sinagot siya.
Agad niyang pinaandar ang sasakyan at umalis na kami. Madaming poste ng ilaw ang aming nadadaanan at halos patag na patag ang kalsada na aming dinadaanan. Binuksan ni Sol ang radyo at nakinig kami ng mga kanta para hindi kami antukin.
Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na kami sa lugar. Malamig dito at di kita ang buwan mula sa taas. Natatakluban ito ng mga ulap at iilang bituin lamang ang makikita. Mataas ang lugar at magara ang bahay sa harap namin. May dalawang palapag ito at may rooftop. Sa pinakataas ay may kaunting taong nagtatawanan. May mga ilaw dito at tarpaulin.
Pumasok na si Sol sa bahay. Sinundan ko lamang siya hanggang sa pag-akyat ng hagdan papunta sa rooftop.
"Bro!" Sigaw ni Alex na namumula na. May hawak itong alak sa kaniyang isang kamay at ang kabila ay nakipag-apir kay Solios. Nandun si Caelin sa isang tabi at madaming kinakausap na ibang grade level. Madami pala ang naririto.
"Yo, This is Nyx. She is my date for the night." Solios introduced me. A sudden flash, no. A burst of flashes made me blink. I covered my face in embarrassment. Niyakap ako bigla ni Sol gamit ang kanan niyang braso, nakaharap siya sa lahat at ako nama'y nakatalikod sa karamihan.
"Please, wag nyo kami kuhanan. She is a bit timid." He explained. Lahat ng flash ay tumigil at umupo na kami sa lamesa. There are several tables here. On our table, nakaupo si Cae, si Alex, ako, si Sol at may dalawa pang lalaki na nakaschool uniform pa.
"Brad! Ah . . . Eh, mag aalas nueve na pala. Eh hahanapin na kami sa aamin, tsaka aalis pa kami bukas. Sa susunod nalang. Congrats ulit." Wika ng nakauniform na lalaki. Agad na bumuntot ang kasama nito. Nakalagay sa tarpaulin ang Congrats! 1M. Isang milyon na pala ang subscribers ni Alex sa YouTube.
Inihatid na ni Alex ang mga lalaki pabalik sa kanila at naiwan kami nina Sol sa lamesa. Agad kong ininom ang inihain saaking champagne. Uminom ako ng uminom hanggang sa biglang lumabo na ang aking paningin at medyo nagdodoble na ang mga nakikita ko.
"Hey, you still okay?" Humarap si Sol saakin. Hinawakan niya ang pisngi ko at bakas sa mukha niya ang pag-alala. Di ko napansin na kami nalang ni Sol ang naiwan sa rooftop.
Tanging mukha na lamang niya ang nakikita ko. Ang kaniyang makapal na kilay, ang mahaba at makapal niyang pilik mata at ang kulay rosas niyang labi. Nauuhaw ako.
"Tubig." Wika ko. Agad niya akong binitawan.
"Wait, ikukuha kita. Diyan ka lang ha." He said while rushing off.
Tumayo ako at pumunta sa corner ng rooftop. Di ko alam kung epekto ito ng alak o ng kung ano pero parang sumulyap ang buwan. Ang mga ulap ay nawala na. Lumakas na ang hangin at siguro ay ala una na ng madaling araw.
"SORRY NEIL!" Sigaw ko sa itaas. Dumungaw ako pababa para masilip kung nasa baba pa ang kotse ni Solios. At biglang lumakas ang ihip ng hangin. Sa sobrang lakas ay bigla nalang akong nahulog.
BINABASA MO ANG
TONIGHT
Paranormal"Mahal siya ng buwan, mahal siya ng langit. Ngunit isang masayang buhay ay ipagkakait." Isang mabigat na gawain ang naibigay sa anak ni Don Santiago at Donya Esmeralda na si Nyx. Ito ay ang paglingkuran ang buwan. Mapalad ang dalaga sapagkat ipinada...