Kabanata 1

25 1 0
                                    

"SA LIWANAG MONG TAGLAY, PAPURI SAYO'Y WALANG HUMPAY"

Labing lima na taon na ang lumipas magmula nang nangyari ang pagkawala ng buwan sa kalangitan.

"Nyx!" Tawag saakin ng kaibigan kong si Caelin. Nakatayo siya sa harap ng pintuan ng classroom. Huwebes ngayon kung kaya't nakasuot kami ng PE uniform. Dala ang aking bag, dinalian ko ng kauntian ang aking lakad.

"Nyxandria! Malelate ka nanaman! Bilisan mo may ichichika pa ako sayo!" Dagdag pa ni Caelin.

Pumasok na ako sa loob ng silid at halos lahat ng aking mga kamag-aral ay nagbabasa o naglalaro ng kani-kanilang cellphone. Inilapag ko sa upuan ang aking bag at lumabas muli para kausapin si Caelin. Nakatayo parin ito at naghihintay sa labas.

"Ayan! May 15 minutes pa tayo lara makapag-usap." Bungad nito sa mas kalmadong sarili ko. Ngumiti ako dahil malalaman ko na ang usap-usapang bagong transferee.

"Si Solios. He came from a big school. Matalino at gwapo and luckily, lilipat siya sa section natin." Wika ni Caelin na naghihintay ng reaksiyon ko. Habang sinasabi niya ito ay kinuha niya ang pamaypay niya at nagpaypay.

"Sus, mas gwapo si Angel no! Mabait na, gwapo pa! Plus andami pang alam." Sagot ko sa kaniya. Itinaas ko ang kilay ko para malaman niyang proud ako sa angel na meron ako.

"Hays, fifteen years na kayong magkasama di mo parin mapangalanan yung angel mo!?" May tono niyang pagbibigkas.

May punto siya roon, kaming mga binabantayan ng mga anghel ay kailangan bigyan sila ng pangalan. Tanda ito na pinaglingkuran kami ng anghel na ito ng tapat at kasiyasiya. Ni minsan ay di pa pumasok sa isip ko ang pangalan na ibibigay ko.

Sabi ni Lola Conchita, natutuwa ang buwan saakin. Ako daw ang nakatakdang magpaliwanag ng kumukutitap na buwan. Magmula pagkabata ay pilit nilang pinapakita saakin ang mga litrato ng buwan. Gusto nilang maibigan ko ito, ngunit kailanman ay di ko na-appreciate ang buwan.

Sabi saakin ng anghel na nagbabantay saakin ay sinugo daw siya ng buwan upang bantayan ako, para maibalik ang nawawalang liwanag nito. Kailangan kong di umibig at mag mahal ng tao upang maibalik ang liwanag ng buwan. Isang mahirap na gawain kung kayo ang mag-iisip. Pero sanay na ako.

"Magandang Umaga, saan po yung section ng Eris?" Bungad ng isang lalaking naka PE uniform. Mahusay ang kaniyang pagkakatindig at makikita mo sa kaniyang mata ang misteryo ng pagkatao niyang dala. Mahaba ang kaniyang pilik, makapal ang kilay at mapula ang labi. Mahaba at makapal ang kaniyang brown na buhok na medyo magulo. Ang kaakit-akit niyang pabango, pabango nga ba o pawis niya? Isang rebulto ba ito ng isang diyos sa harapan namin?

Ngayon lang ako pumuri ng isang tao. Nang humarap ako kay Caelin ay napatingin din ito saakin. Tama ba ang aking naiiisip? Siya na nga ba ang tinatawag nilang Solios?

"Ah... Eh... Dito nga ang Eris. Bakit?" Halos mautal-utal na salita ni Caelin sa lalaking nakaharap saamin.

"Ah, so sorry, my name is Solios Margiero. I am the new student here at the campus." He is the Solios that Caelin was talking about. Gwapo nga siya, magalang at palangiti.

"Uh, go inside na. May vacant seat dun sa tabi ng bintana. You can seat there." Caelin pointed her finger towards the chair next to the window, at the corner of the room.

Agad na nagpasalamat si Solios sa amin at umupo na sa nasabing upuan. Pinagpawisan si Caelin kaya pinunasan niya ang butil niyang pawis gamit ang panyong nasa loob ng kaniyang bulsa. Pagkapasok pa lamang ni Solios ay nagsitahimik na ang mga nasa loob at pinagmasdan siya. Hindi nagpatinag si Solios sa mga ito, tumingin lamang diretso sa whiteboard.

"Huuuy! Ayun na siya katabi mo na at nasa likod ko! Grabeee!" Maharot na wika ni Caelin saakin. Hinampas ako nito sa braso ng marahan at naglulundag.

Di rin nagtagal ay nagbell na kung kaya't umupo na ako sa upuan ko. Sumunod naman agad si Caelin.

"Hello, you haven't introduced yourself yet." Umimik si Solios. Ako ba talaga kausap niya?

"Ay, ako ba? hahaha. My name is Nyx. Nice to meet you Solios." Pagpapakilala ko sa aking sarili.

"You are so pretty, you glow like the moon." Marahan niyang wika.

"Thank you haha, di ka ba nagtatagalog?"

"I can speak, but my vocabulary is limited."

At natigil ang usapan namin ng biglang pumasok na sa silid ang aming class adviser na si Mr. Corpuz. Naglakad siya papunta ng teacher's table at hinila ang upuan. Tumingin siya sa amin. Inayos niya ang salamin niya at umubo.

"So today class, we will meet the newest part of our Eris class. Mr. Solios Margiero. Please come here and introduce yourself at the front of the class." Wika ni Mr. Corpuz.

Tumingin ito saakin saka ngumiti at tumayo sa upuan niya. Naglakad siya papalapit sa unahan ng klase nang bigla nalang may sumilip sa bintana ng classroom namin, yung angel ko na wala pang pangalan. Ako lang ang pwedeng makakita sa kaniya.

"Bakit ka narito?!" Pabigla kong tanong sa kaniya.

Lahat ay napatingin saakin, kabilang na ang anghel. Napahalakhak ang anghel sa ginawa ko. Solios looked at the windows with sharp eyes. At bigla siyang ngumiti nang umalis na ang anghel.

"I'm sorry to interupt the introduction part. Actually, it's my pet cat that wandered far enough to reached the campus." I apologized to Mr. Corpuz and Solios. I lied to them, telling na may pusa ako kahit wala naman.

"Resume."

"Good Morning everyone! My name is Mr. Solios Margiero. Hope to have a best year with you!" He grinned to us and bowed at us.

"Okay please seat now, uumpisahan ko na ang ating lesson. Now, sino ang makakapagsabi saakin kung sino ang greek goddess of love?" Tanong ni Mr. Corpuz.

Without hesitation, itinaas ko ang aking kamay.

"Yes? Ms. Nyx?"

"Aphrodite." With my answers, everyone clapped their hands. It's an easy one.

TONIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon