6:00 AM Kkkkkrrrrrrriiiiiiinnnnnggggggg!!!!!Napabalikawas ako ng gising ng marinig ko yung tunog ng alarm clock ko. Kinuha ko kaaagad yun para patayin. Naman kasi eg, antok pa ko.
(_ _) Gusto ko pa matulog. Konti pang tulog.. Mga 5 mins.
ZZZzzzzzzzzzZZZZ
Tok.. tok.. tok..
Nagising na naman ako sa narinig kong pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko pinansin. Malamang si Ate Karen lang yun, yung bagong maid namin. sasabihin na gumising na ko dahil baka malate na naman ako sa school. Eh maaga pa naman eh.. Hindi ko naman ikaka-late yung 5 mins.
ZZZzzzzzzzZZZZZZ
Tok.. tok.. tok..
"Ma'am Hannah.."
Tok.. tok.. tok..
"Ma'am Hannah..
Di po ba kayo papasok? Kasi 6:45 na po. 7:00 po ang pasok niyo diba? Malelate po kayo.. Ma'am Hanah.." Patawa naman si Ate Karen.. Anong 6:45 eh - Napatingin ako sa alarm clock ko.. Waaaahhh!!!! 6:45 na nga!! Ganun ba ko katagal nakatulog, pero parang 5 mins. lang yun para sa'kin. Waaahhh!! Malelate na naman ako!!! Bumangon ako agad. Di na ko naligo, kasi naligo naman ako kagabi. Kinuha ko kaagad yung uniform sa cabinet ko saka ko isinuot.
Di na rin ako nakapagsuklay, ipinusod ko na lang yung buhok ko. Kinuha ko yung bag ko, at isinaksak na lang lahat ng gamit ko sa school. Tumakbo ako palabas ng pintuan, nagulat pa si Ate Karen ng bigla akong lumabas. Pagbaba ko ng hagdan dumaan lang ako sa kusina kung saan sigurado akong nandun si mommy. "Ma, alis na po ako. Babye!" paalam ko sa kanya. "Teka Hannah, di ka man lang kakain?" "Di na po. Sige po late na po ako!" Nasa main door na ko, palabas na ng maalala kong di pa pala ko nag-toothbrush! Naman, sa lahat ng pwedeng malimutan yun pa! Kaso malelate na talaga ako. Sa school na lang ako mag-totoothbrush, hindi na lang ako magsasalita para walang makapansin. Hehehe...