Chapter 4

676 15 0
                                    


"Ay leche!"

nagulat ako nang may biglang magsalita sa tabi ko. Si blue ang buhok.

"Kanina ka pa dyan?"

Atanong ko, habang pinupunasan mga luha ko. Pagkatapos ko sabihin yun, napatakip ako ng bibig, naalala ko na di pa din nga pala ko nagtotoothbrush.a

"Oh.."

may inabot siya sa'kin.. Candy.. Breath mints. Kinuha ko kaagad saka ko isinubo..

"Thanks."

"Alam mo nangyari na rin sa'kin yun.. Nakalimutan kong mag-toothbrush sa sobrang pagmamadali para di malate sa school."

"Huh?!"

"Yun ang dahilan kaya ka ba-"

"Oopps! Huwag mo na ituloy.. Oo na, alam ko na yung sasabihin mo. Pero bakit alam mo ang dahilan? May powers ka ba? Nababasa mo ba yung utak ko?"

Natawa lang siya.. Nakakatawa naman talaga yung sinabi ko. Hay Hanah, boba ka talaga.. Ba't naman siya magkaka-powers noh?!

"Teka, ano pa lang ginagawa mo dito? Bakit mo ko sinundan dito? Pumunta ka na sa klase mo, late ka na. Huwag ka ng gumaya pa sa'kin."

"Nalaglag kasi 'to sa mga gamit mo."

Inabot niya sa'kin yung notebook ko.

"Salamat. Sige na pumasok ka na. Mamaya na lang ako papasok, kapag nakalimutan na ng lahat yung eksena na ginawa ko kanina."

"Nakalimutan na nila yun. Tara na, sumabay ka na sa'kin. Iisang klase lang naman tayo."

Kinuha niya agad yung kamay ko, kaya napatayo na ako at napalakad na din.

"Paano mo naman nalaman na magka-klase tayo?"

tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papasok ng building. Wala siyang sinagot. Parang walang narinig.

Hayy, gwapo sana kaso bingi. Pagpasok namin ng classroom, nandun na yung teacher namin, pero di kami pinagalitan na late kami. Tapos yung mga classmate ko, wala akong narinig na pang-aasar sa kanila. Kapanibago ah.. Totoo ata yung sinabi nitong blue ang buhok na'to, nakalimutan agad nila yung nangyari kanina. Pero bakit? Paano? Pinakilala sa klase si blue ang buhok, new student kasi siya dito. Patrick Xenos pala ang pangalan niya. Kakaiba yung apelyido niya ah. Pagkatapos nun sinabi na nung teacher namin kung saan mauupo si Patrick. Ako naman pumunta agad ako sa upuan ko, at isinabit ko yung bag ko sa sandalan ng upuan ko. Pagtingin ko sa kanan ko nagulat ako. Si pulang buhok!

Waaahhh!!

At ang sama ng tingin niya sa'kin!!! Tapos yung mga kamay niya nakasarado. Kulang na lang bumaon yung mga kuko niya sa palad niya. Galit siya! Waahhh! Parang gusto niya akong patayin!! Inurong ko ng konti yun upuan ko palayo sa kanya..

Katakot kasi talaga siya. Pero napalayo lang ako ng konti sa kanya, pero yung mga titig niya sa'kin abot na abot pa rin ako! Waahhh!! Tinaas ko yung kamay ko.

"Ma'am! May I go out?!"

"Ok Hannah, but be fast. Mag-start na yung klase."

"Yes ma'am!"

Dali-dali akong tumayo dala ang bag ko at naglakad palabas ng classroom, papunta sa CR. Pagkatapos ko mag-toothbrush, tumayo lang ako sa harap ng salamin.. Iniisip ko kung paano ako mag-sosorry dun sa pula ang buhok..

Di ko naman kasi sinasadya eh, malay ko bang matitisod ako, di ko naman nakita yung bato. Alam ko parang wala yun kanina, parang biglang sumulpot na lang sa lupa para patirin ako. Hay.. Ano bang gagawin ko?? Parang napatagal ata ako sa CR kaya lumabas na ko, nang mapansin kong parang may lumalabas na usok mula sa CR ng mga boys. Magkatapat lang kasi ang CR ng girls at boys. Dahil isa akong dakilang usisera lumapit ako, malay baka may sunog na sa loob ng CR nila. Malapit na ko sa pintaun ng biglang lumabas yung red ang buhok.

"Aaaaahhhhhhh!!!!!!"

sigaw ko, sabay takbo pabalik sa CR ng mga girls, sumilip lang ako para tignan kung nandun pa siya... Andun pa siya! At ang sama na naman ng tingin niya sa'kin.. Kakatakot!

"Tsk.. Baliw.." sabi niya sabay alis..

My Hot Alien BoyfriendWhere stories live. Discover now