Ako baliw?! Sino kayang mas mukhang baliw sa'min na mukhang papatay ng tao?! Diba siya?! Eh sa nakakatakot siya eh! Malamang mapapasigaw ako sa takot! Hmp! Kainis ang yabang, ang weird pa! Pabalik na ko ng classroom nang may tumawag sa'kin."Ma'am Hannah!"
sa Manong Ed pala.. At dala niya yung project ko!
Weeee!!
"Ma'am naiwan niyo daw po sabi ng mama niya."
"Salamat po Manong Ed! Ikaw talaga ang savior ko! Salamat po ulit!"
"Sige na po ma'am Hannah, balik nap o kayo sa klase niyo."
"Ok po, salamat po ulit."
Bumalik ako agad ng classroom kasi baka mapagalitan na ko ng teacher namin. Pagbalik ko ng classroom, pinapapasa na pala ni ma'am yung mga project namin. Buti na lang talaga nasa akin na yung project ko!
Weeee!!
Di ako babagsak!!
Ibinigay ko na kay ma'am yung project ko, saka ako naglakad pabalik sa upuan ko, nang mapansin kong wala na yung red ang buhok. Wala din yung gamit niya.
Eh san yun? Sobrang ayaw niya sa'kin, kaya siya umalis??
Bigla kong naalala ang Twilight. Bella and Edward lang ang peg??Hahaha!
"Hoy Hannah, anong nginingiti-ngiti mo dyan ha?"
Si Mica, isa sa medyo nakakausap ko sa school, pero di ko masasabing kaibigan ko siya, kasi ayaw naman niyang samahan ako, nakakausap ko lang siya sa loob ng classroom kasi magkatabi kami ng upuan."Ah, wala.. May naalala lang ako. San nga pala yung pula buhok na nakaupo dun kanina?"
"Ah si Red Xenos."
May ngiti sa mga mata niya pagkasabi ng pangalan.
"Huh? Red Xenos? Dahil Red Buhok niya, red na rin name niya ganun?"
"Hindi! Yun lang tawag naming mga girls sa kanya kasi isa siya sa magkakapatid na Xenos, and dahil nga red ang buhok niya.. Red Xenos.."
gusto ko matawa sa kanya, kailangan talaga may ganun pa, eh paano kung bukas purple na hair niya, Purple Xenos na ang itatawag nila sa kanya?!
"Ah ok, gets ko na.. Pero ano talaga pangalan niya? Tsaka nasan siya?"
"Tyler ang name niya. Hindi ko rin alam kung nasaan siya, bigla na lang siyang umalis na parang inis na inis.. Lalo tuloy siyang nagmukhang hot sa paningin ko! Eeeee!!" Kailangan talaga may kasamang tili??
"Ok.. Thanks Mica.."
Natapos naman ng maayos ang buong araw ko.. Wala ni isang nang-asar sa'kin o nagpaalala nang nangyari kaninang umaga. Parang ang bait ng mga tao sa paligid ko ngayon ah.. Pagkatapos ng klase, pumunta na ako agad sa parking lot kung saan naghihintay na si Manong Ed.
"Manong Ed, tara na po!"
Excited akong umuwi kasi manunuod pa ko ng mga drama sa tv. Pagdating ko sa bahay naabutan kong nakabihis si mommy at may dala-dalang basket na may mga lamang pagkain.
"Ma, san niyo po dadalhin yan? At san po kayo pupunta?"
"Hannah, may mga bagong lipat tayong kapitbahay. Kaya ito nagbake at nagluto ako para ibigay sa kanila, bilang welcome na din. Tara samahan mo ko."
Hinatak agad ako ni mommy kaya wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya, ni hindi man lang ako nakapagpalit ng damit.
Ding-dong..