Chapter 3

745 16 0
                                    

Huli na nadaganan ko na siya..
At ang pinakamalala ba, nasubsub ako.. Pati nguso ko nasubsob sa kanya.. Sa labi niya.

Waaaahhh!!!!

Hanahhhh!!!!!

Umalis agad ako sa pagkakadagan ko sa kanya, at napaupo sa gilid niya.

"F*ck!"

yun lang ang nasabi niya..
My God hindi kaya naamoy niya yung bibig ko?!!

Waahhh!! Kahiya!

Hannah palamon na sa lupa! Now na!!!

"OH MY GOD!!!

Hinalikan niya si super hot red-haired guy?!! Ewwww! Diba siya yung bad breath na nakipag-usap sa'tin kanina?!

Ewwww talaga!"

narinig kong sabi nung babae na kinausap ko kanina/ Kailangan talaga ipagkalandakan pa niya?! Oo na, ako na mabaho hininga?! Di naman araw-araw! Ngayon lang!! Nagmamadali kasi ako para di malate, mag-toothbrush naman ako pagdating na pagdating sa school eh. Pero maeexplain ko pa bay un sa kanila? Eh na pahiya na ko! "Miss tulungan na kitang tumayo." Sabay abot ng kamay sa'kin nung blue ang buhok. Pero hindi ko na tinanggap yung tulong niya, tumayo ako agad saka ako nagtatakbo paalis.

Nagpunta ako sa garden nung school, may malaking puno kasi dun na may upuan sa ilalim kung saan madalas akong magpunta kapag gusto kong mapag-isa at magmuni-muni. Walang masyadong pumupunta dito. Wala siguro silang hilig sa mga halaman. At ayaw nila madumihan. Hindi kasi sementado ang part na 'to ng school. Umupo ako sa upuan sa ilalim nung puno, saka ako umiyak. Tanggap ko naman na hindi ako kabilang sa mga sikat sa school na 'to. Kasi bobo ako, hindi ako matalino, halos pasang-awa yung mga grades ko, ewan ko ba kahit anong aral ko mababa pa din talaga mga grades ko. Nakapasok lang naman ako sa school na'to dahil sa papa ko. Businessman ang papa ko, marami kaming pera. Isa sa mga sponsors ng school ang papa ko. Yun lang ang dahilan kaya nandito ako. Pero hindi naman kayang pagtakpan ng pera ng pamilya ko ang pagiging boba, at mali-mali ko.

Yung mga nakikipag kaibigan sa'kin, ang gusto lang nila ilibre ko sila palagi. Nung una ok lang sa'kin, sige para kahit di totoong kaibigan meron ako, may kasama ako. Kahit papaano pakiramdam ko kabilang ako. Pero nakakasawa din yung ganun, lalo na kung di sinasadya maririnig mo yung mga di magagandang sinasabi nila sa'yo. Masakit, kaya iwas na lang ako. Pero kahit na ganto ang mundo ko, masayahin pa din akong tao. Kaya itatawa ko na lang 'to! "Hahahahaha! Hannah! Huwag kang paapekto sa kanila! Di ka naman nila kilala eh! Mas higit ka sa kanila, kasi mabait ka! Di ka nananakit ng ibang tao!"

"Tama!"

My Hot Alien BoyfriendWhere stories live. Discover now