Chapter 2

996 16 0
                                    

Sumakay ako agad sa kotse na nakahanda na paglabas ko. Alam ni Manong Ed na late na ko, kaya pinaandar niya agad yung sasakyan para umabot ako sa school. "Bye Manong Ed! Salamat po! You're my savior!!" paalam ko kay Manong Ed. Pagdating kasi naming ng school may 5 mins. pa ko para takbuhin mula sa parking ng school, papunta ng classroom ko. Takbo Hannah, takbo!! Patakbo ako papunta sa building kung nasaan yung classroom ko ng may napansin ako.. Kung ako patakbo at nagmamadaling makarating sa room. Yun mga babaeng estudyanteng nakakasalubong ko, patakbo naman palabas ng building. Teka anong meron??

"EEEeeee!!

Nakita niyo ba sila? Sh*t ang gwagwapo nila diba?" "Pinaka-hot yung red yung buhok." "Hindi yung parang blue yung hair." "Basta para sa'kin yung blonde." "Mas cute yung green!" Huh?? Ano bang pinag-uusapan nila? Mga alien? Bakit ganun kulay ng mga buhok? Red? Blue? Green? Ano sila power rangers?? Ahahaha! "Miss.. miss ano yung pinag-uusapan niyo?" umariba na naman yung pagiging chismosa ko.. hehe.. "Ewww.. Ang baho.. Miss nag-toothbrush ka ba?! Waaahhh!! Napatakip agad ako ng bibig ko.. Ano ba yan. Nakalimutan kong di pa pala ko nagtotoothbrush! Teka bakit nga ba ko nandito at nakiki-usyoso eh late na nga ako diba???!
Takbo ulit papasok ng building. Nasa bukana na ko ng building nang may maalala na naman akong nakalimutan ko.. Yung project ko!! Ngayon submission nun! Hindi pwedeng di ko ipasa ngayon, kundi babagsak ako!! Ipinasok ko yung kamay ko sa bulsa ng palda ko, para kunin yung cellphone ko. Waaahhh! Wala! Binuksan ko yung bag ko, kalkal dito, kalkal dun! Waaahh!! Wala!! Naiwan ko din!! Nakisabay ako sa mga babaeng nagsisitakbuhan. Pero iba ang pakay ko, kailangan abutan ko si Manong Ed sa parking..

Waaahh!!

Sana magmilagro, sana di pa siya nakakaalis.. Takbo ulit Hannah! Takbo!! Nang biglang may tumama sa dulo ng sapatos ko.. Natalisod ako sa isang bato.

Waaahhh!!

Masusubsob ako! Slow motion lahat.. Para akong lumilipad. Parang ang layo ng mararating ko.
May lalaki sa harapan ko. Huh? May lalaki sa harapan ko? Lalaking pula ang buhok?? Isa sa mga power rangers??

Waahhh!! Sa kanya ako babagsak!!!

*tsup*....

My Hot Alien BoyfriendWhere stories live. Discover now