Chapter 6

1.2K 36 27
                                    

Ding-dong..

"Ayan-ayan may nagbukas na nang pinto.." sabi ni mommy.. "Hello!" bati niya dito Nang mamukhaan ko yung palabas ng pintuan at palapit sa'min.. Gusto ko ng tumakbo paalis!! Si Tyler!!! Waaahhh! Nagtago ako sa lukuran ni mommy, pero sa bawat hakbang na palapit si Tyler sa gate para buksan ito, tumitindi ang kabog ng dibdib ko, parang gustong lumabas sa sobrang pagkabog nito. Nagsimula ng gumalaw ang mga paa ko, aalis ako! Kailangan akong makaalis dito, hindi niya dapat malaman na magkatapat lang ang mga bahay namin! Waahhh!!! Pero si mommy, ang bilis ng kamay eh, nahawakan agad ako sa braso.. "Hannah, anong problema? Dito ka lang.." bulong ni mommy sa'kin.. "Wa-wala po.." sabay tago ulit sa likod ni mommy.. mata ko lang ang nakalabas. Ayan na siya! Ayan na siya!! Binuksan na ni Tyler yung pinto. Naksimangot siya! Napatingin siya sa'kin at lalong sumama yung mukha niya! Nakilala niya agad ako kahit mata ko lang ang kita?! Waaahhh!! Weird niya talaga! "Hi!! I'm Mrs. Carol Santiago. One of your neighbors. Dyan lang kami sa tapat." Sabay turo ni mommy sa bahay namin. "Ito nga palang daughter ko si Hannah."

*Awkward*

*Moment of Silence*

"Hannah, say hi naman.." sabay ngiti ni mommy kay Tyler. "H-hi.." inabot ko yung kamay ko pero hindi pa rin ako umalis sa likod ni mommy.. Alam ko takang-taka si mommy kasi hindi naman ako mahiyaing tao. Kapal nga ng face ko, at alam ni mommy na isa akong dakilang usisera, sa tuwing may bago kaming kapitbahay, present ako sa pag-welcome sa kanila. Inabot ni Tyler yung kamay ko, at swear ang init ng palad niya.. Sobrang init pero hindi ko alam kung bakit natagalan kong hawakan yun, hindi pa naman ako fan ng maiinit na bagay.. Uminom nga ng mainit na kape, gatas o tsokolate ayoko eh. Madali kasi akong mapaso. Pero bakit yung kamay niya, ok lang? Kaya ko hawakan? Tsaka parang ayaw ko nga bitawan eh. Kung di pa niya bitawan yung kamay ko hindi ako bibitaw. "Pwede ba kaming pumasok?" tanong ni mommy.. hehe.. Kapal din ng mommy ko noh? Ininvite sarili? hehehe.. "Ah, sige po.." "Ito nga pala, muffins bi-nake ko. Nagluto din ako ng pasta para sa inyo.." sabay abot ng basket kay Tyler. "Thanks po." Lumakad na si Tyler papasok ng bahay nila bitbit yung basket, nakasunod naman kami ni mommy. "Ang ganda ng garden nila ah.. Nung sina Mrs. Perez pa kasi ang nakatira dito, hindi naalagaan yung mga halaman." Puna ni mommy, pero totoo naman. Ilang beses na din kasi kaming nakapasok sa bahay na'to nung iba pa ang may-ari at ang laki talaga ng ginanda ng mga halaman. Pagpasok namin sa bahay nila, ang ganda.. Ibang-iba na yung ayos.. Pati mga gamit.. May nakapukaw ng pansin ko.. Isang bilog na parang crystal ball na nasa ibabaw ng center table nila. Pagka-upong pagka-upo ko kasi, yun agad ang napansin ko. Hahawakan ko sana pero..

"Huwag mong hawakan yan!" awat agad sa'kin ni Tyler.. Inilayo ko kagad yung kamay ko. Kainis para naman akong batang pinagbabawalan kasi baka makabasag!

hmp!

*Awkward*

"Ikaw lang mag-isa ngayon dito?" pag-iiba ni mommy ng topic.

"Nasa school pa po yung mga kapatid ko."

sagot niya, malamang nasa school pa talaga kasi siya umuwi agad, hindi pumasok sa klase.. At may mga kapatid pala siya ah.. Teka!! Tyler Xenos name niya.. Tapos yung blue buhok si Patrick Xenos..

Magkapatid sila?!!! Boba ka talaga Hannah.. Sobrang slow mo! Malamang parehong Xenos ang apelyido nila.. At naalala ko yung sinabi ni Mica kanina..

"isa siya sa magkakapatid na Xenos"

.. OMG, magkapatid sila ni Patrick? Pero bakit si Patrick mabait at itong isang ito, sobrang sungit! Hindi ko napansin nag-chichikahan na pala sila ni mommy..

"Talaga? Sa iisang school lang pala kayo nitong si Hannah, pwede pala kayong pumasok ng sabay tuwing umaga.."

"Ma!" saway ko kay mommy.. ako sasabay dyan? No way! Andyan naman si Manong Ed para ihatid ako eh..

"Hannah, be nice.. " bulong ni mommy sa'kin..

"Nasaan pala ang parents niyo?"

"Nasa ibang bansa po sila, kaming apat lang po ang magkakasama dito.

" Chumika pa ng chumika si mommy.. Ako tahimik lang.. Ayoko maki-chikka sa kanila.. Ayoko din naman maging close dito sa Patrick na'to!

"Tyler, pwede bang makigamit ng CR?" tanong ni mommy..

Naman! Bakit naman ngayon pa nakaramdam ng tawag ng kalikasan si mommy.. Maiiwan tuloy kaming dalawa dito ni Tyler!

"Ma, sama ko!" natawa si mommy..

"Hannah, ano ka ba, para kang bata.. Dyan ka lang, makipagkwentuhan ka kay Tyler.."

wala na kong nagawa.. Kainis.. Ang tagal pa namang gumamit ng CR ni mommy.. Naka-upo lang kami pareho.. Nakatingin si Tyler sa'kin.. Magkasalubong ang mga kilay.. Ano ba talagang galit niya sa'kin? Hindi ko naman talaga sinasadya yung kanina eh!! Umiiwas ako ng tingin pero ewan ko ba.. Napapatingin at napapatingin pa din ako sa kanya. kahit na ang sama ng tingin niya sa'kin.. Ayoko siyang tignan sa mga mata, kaya bumaba yung tingin ko sa ilong niya.. Hmm.. Ang tangos ah.. Tapos sa labi niya.. Ang red at parang ang lambot ah..

*Flashback*

*tsup*

Waaahhh!!

Ano ba namang flashback yan! Bakit ba nauso pa yan! Ayoko na nga maalala yun eh! May narinig akong ingay sa labas,. Parang boses ng mga lalaking nagkukulitan..

"TYLER!!!

Andito na kami! Bakit ba di ka pumasok.. Porke't nakita mo na yung kabiyak ng puso mo umuwi ka na agad." Sigaw nung nasa labas.. Kailangan talaga sumigaw? Hindi ba pwedeng pumasok muna dito sa loob?

"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!"

narinig kong may sumigaw..

"OUCH!

OUCH!!

Chris patayin mo 'to! Patayin mo 'to!" OMG, anong papatayin? Sinong papatayin?! Natatakot na ko! Waaahhh!!! Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Hindi ako mapakali.. Sa takot ko nakalimutan kong si mommy nasa CR pa.. Nagtatakbo ako palabas sana ng pintuan.. At nawala din sa isip ko na nasa labas lang sila ng pintuan.. Kung may pinapatay sila sa labas.. Baka isunod nila ako.. Waaahhh! Pero huli na, napahawak na ko sa doorknob at nabuksan ko na yung pinto.. Ikinagulat ko yung nakita ko.. Yung green ang buhok.. nag-aapoy yung buhok niya, tapos may lumulutang na balde sa ibabaw ng ulo niya, bumaligtad yung balde at nabuhusan siya ng tubig na laman nito.. Tawa ng tawa yung blonde ang buhok tsaka si Patrick.. Di nila napansin yung presensya ko.. Di nila alam na nakita ko lahat ng nangyari.. Dahil nga sobrang slow ko, late na na-process ng utak ko yung mga nakita ko.. Ulong umaapoy.. Baldeng lumulutang..

**Loading**

"Araaaahhhhhhhh!!!!!!!"

sigaw ko ng mapagtanto kong di normal yung mga nakita ko... Hindi ko na alam yung mga sunod na nagyari kasi hinimatay na ako..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Hot Alien BoyfriendWhere stories live. Discover now