New Friend

3.9K 99 1
                                    

First day of the last semester.

Business Administration ang course ko katulad ng mga besties ko na sina Quincy at Raven. We call ourselves Bratinellas. Marami na ring nag-attempt na sumali sa grupo namin pero ayaw namin. Mga ambisyosang feelingera kasi ang ang mga gustong sumali. Yun bang mga gustong sumikat lang which is a big No No for us. You make friends for companionship, love ang camaraderie hindi para magpasikat lang.

"Hi Saffi.Kumusta na ang daddy mo?" tanong ni Quincy.

Matamlay akong sumagot.

"Mabuti naman. Hayun sobrang sigla nya kasi sinabi kong pumapayag na akong magpakasal sa bwisit na Neal na iyon. Kahit na ayaw ko naman talaga. "

"So, anong plano mo? " tanong ni Raven.

"Honestly, I don't know. Matagal pa naman iyon. I'll delay it in any way that I can." kibit-balikat na sagot ko.

Pagpasok namin sa Algebra class ay may namataan akong bagong estudyante. Napakaganda nito at kahit simple lang ang pananamit ay meron itong kakaibang kilos na para bang galing ito sa maharlikang pamilya. Lumapit sila nina Raven at Quincy at umupo sa mga silya sa unahan nito.

Pagkaupo, bumulong si Quincy.
"Brat, ang ganda naman ng nakaupo sa likuran natin. Ano kayang name nya?"

"Ang tanong, mabait kaya? Baka naman kagaya lang din siya ng ibang mga kaeskwela natin. Pasikat. Tss." mahinang bulong din ni Raven.

"Sssh. Wag kayong maingay. Let's just be quiet, okay?" naiiling na sagot ko.

Maya-maya lang ay may narinig kaming nagtaas ng boses sa likuran namin.

"Who told you to sit on my chair? That's my spot there and ikaw walang pangingiming inagaw ang upuan ko?"

Nagkatinginan kaming tatlo.

"Naku, si Margaux talaga, nag-uumpisa na naman ng gulo. Tsk. " bulong ni Raven.

"Oh, i didn't know na sayo pala itong upuan. Wala naman kasing nakasulat na pangalan." narinig kong sarkastikong sagot ng bagong estudyante.

Nanlaki ang mga mata ko.

Oh no! Girl, you're dead. Napaka- warfreak pa naman nito ni Margaux.

Napalingon silang tatlo at nakita nalang nilang inagaw ni Margaux ang bag nito at inilaglag ang laman nito. Ininsulto pa nito ang babae. Naawa sila sa itsura nito nang sabihin nitong pinaghirapan ng Mama nito na bilhin ang mga gamit nito.

Hindi na ako nakapagpigil ng sarili.

"Margaux, hindi ka ba nahihiya sa mga ginagawa mo? I thought you have class pero it seems that you grew up in the streets. That is not how a socialite is supposed to react. Kaya pulutin mo na yan and apologize to her." ang sabi ko.

"No Saffi, I won't apologize to a beggar like her. Margaux never bows down to a commoner." sagot ni Margaux.

"Yes you will. Baka nakakalimutan mo, I am the school president kaya susunod ka kasi kasalanan mo yan kung ayaw mong maireport kita sa Dean's office and you know I am not joking." seryoso ang mukhang sagot ko.

Matalim ang tingin na pinulot ni Margaux ang mga gamit at inabot sa babae. Saka tuluy-tuloy na lumabas ng room pagkatapos.

Bumaling ang babae sa akin. "Salamat."

"I am the school president kaya kailangan kong gawin yun. May kasalanan ka rin naman, instead of being sarcastic nagpaliwanag ka sana nang maayos." sagot ko at bumaling na sa mga kaibigan ko.

"Brat, papalakpak na ba kami?" nang-aasar na tanong ni Raven.

"Sshhh. Ingay!" kunot-noong sagot ko.

Pumasok na ang prof namin at nag-umpisa na ang klase.

Papunta kami ng school pantry para sa lunch nang makasalubong namin si Neal na may kaakbay na babae.

"Hi babe!" tawag nito sa akin.

Masama ang tinging pinukol ko dito at tuloy lang sa paglakad. Lalampasan na namin ito nang magsalita ito.

"Don't forget Saf, you are my future wife so be nice to me. Baka atakehin ulit si Tito. Ikaw din." nang-aasar na sabi nito.

Diretso ko syang tinitigan sa mukha.

"Sanchez, kulang ka ba sa pansin? Hindi ka ba pinapansin ng mga magulang mo kaya pati magulang ko pilit mong inaagaw? How dare you to use my father just to spite me?
Napansin ka na, pinalakpakan ka na, bukambibig ka na nga ng magulang ko eh, kulang pa din? Kailangan bang pati ako bwisitin mo? If that's the case, then you are the most selfish person na nakilala ko. And ponder this. I. Hate. You. Kuha mo?" madilim ang mukhang sabi ko.

Dumilim ang mukha nito at napatiim-bagang. Umigting ang panga nito. Tuluyan ko na syang nilampasan.

Nang makaupo sa pwesto namin sa pantry, hinagod ni Raven at Quincy ang likod ko.

"Okay ka lang ba Saf?" tanong nito sabay hagod sa likod ko.

Napayuko lang ako at tumahimik.

"It's okay Saf. Take time. If gusto mong ilabas yang nasa loob mo, nandito lang kami para makinig, okay?" sabi ni Quincy.

"Smile ka na, sige ka mabubungi ka nyan? Papangit ka. " dagdag pa nito.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"Yan ang kilala naming Saffi. Laban lang brat." sabi ni Raven.

"Gusto mo ice cream? Kain tayo mamaya para mawala ang stress mo." yaya ni Raven na ikinatango ko lang.

Bigla naman kaming napatingin sa labasan ng pantry. Binuhusan ni Margaux ng softdrinks ang ulo ng bagong estudyante na Zara pala ang pangalan. Nagpakilala ito sa klase kanina. Nagawi din ang tingin nito sa amin at nakita ko ang sarili ko sa kanya.

Ang pakiramdam na mag-isa, iyon ang pinakamahirap pagdaanan. Ilang taon kong pinagdaanan iyon kasi nasanay akong kasama noon si Neal hanggang magsampu ako.

Kaya nung tinalikuran nya ang pagkakaibigan namin, mag-isa na lang ako lagi. Hindi kasi ako nagkaroon ng babaeng kaibigan noong bata pa dahil nga si Neal ang kasama ko lagi,kaya nung nawala sya, ako na lang mag-isa.

Buti na lang at nakilala ko sila Quincy at Raven. Nararamdaman kong mabuting tao itong si Zara, hindi niya ikinakahiya na mahirap lang sila.
And we still have room for one more brat.

"Brats, I think I like her as a friend. She's fierce, smart, and she embodies a brat personality. What do you think?" suhestiyon ko sa dalawa.

"True. I don't know, but I surprisingly like her to be my friend too. " sang-ayon ni Quincy.

"I have this urge to protect her. She needs us brats, what do you think?" tanong ni Raven.

"Yep. Kailangan lang natin siyang subukan. Let's say, i-dare natin sya to do a bitchy thing. Doon natin malalaman kung may prinsipyo sya." sagot ko na sinang-ayunan ng dalawa.


Later that day, we gained a friend.
We are finally complete.

We are the Bratinellas.

The Bratinella Series 2: Outsmarted by the Brainy Brat (Saffi & Neal) COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon