Kadarating ko lang sa bahay mula sa school. Masaya akong pumasok para ibalita sa magulang na top1 ako sa buong Business Ad Department. Nakita ko na may isa pang sasakyang nakaparada sa garahe.
Nakasalubong ko din si yaya Aning."Hi yaya! Nasaan po sina mom at dad? " tanong ko.
"Nasa may garden sila iha. Meron kayong bisita. Nandoon sina Neal at ang mga magulang nya. Kaya puntahan mo na lang sila doon." sabi ni Yaya na abala din sa pagaayos ng pagkain.
Dumiretso ako sa garden at nakita kong nakaupo ang mga magulang ko kasama ang mga magulang ni Neal. Wala doon ang binata. Dahan-dahan akong lumapit.
"Napakagaling talaga ni Neal. I heard MVP na naman sya.", narinig kong sabi ni dad.
"Oo nga, I am sure proud kayo sa kanya. Ang swerte nyo sa anak nyo." sabi naman ni mommy.
Natigilan ako sa paglalakad. Si Neal na naman! Wala na bang ibang mapaguusapan?
Huminga ako nang malalim at lumapit kina Mommy.
"Hi po, mom and dad! Hello po Tito, Tita. " sabi ko sabay beso ko sa bawat isa sa kanila.
"Nandito ka na pala Saffi. Umupo ka na." utos ni Mommy na sinunod ko naman.
Kinuha ko ang school card at ang certificate ko at pinakita sa kanila.
"Mom, Dad, ito po pala ang school cards ko. Ako po ang top 1 sa buong Business Ad. " nakangiting sabi ko. Nakaramdam ako ng pagkaproud sa sarili.
Inabot ni dad ang school cards ko at saglit lang na tinignan. Ganundin si mommy.
"Good job anak. " ang tanging nasabi ni dad.
"As expected. Just keep it up." sabi naman ni mom at inabot pabalik sa akin ang school card at certificate ko.
"Ang galing mo Saffi." nakangiting sabi ng mommy ni Neal.
"Maganda na matalino pa." masayang sabi ng dad nito.
"Salamat po." sabi ko sabay yuko at tumahimik na.
Naramdaman kong tumingin sila sa likod.
"O andito ka na pala iho. Kwentuhan mo naman kami ng laro mo kanina. I heard you're the mvp again. Ang galing mo iho." masayang sabi ng daddy ko.
Naramdaman kong umupo si Neal sa tabi ko.
"Hindi naman po sa ganoon tito." sabi ni Neal.
"Naku! Napakahumble mo talagang bata ka. Magaling ka talaga." dagdag pa ni mommy.
"I heard, top 1 ka Saf ah. Congrats." mahinang sabi ni Neal na nakatingin sa hawak ko.
"It doesn't matter anyway." kibit-balikat kong tugon.
Maingat kong itinago ang school card at certificate sa bag ko.
Wala namang pakialam ang mga magulang ko sa achievements ko so ano pang silbi ng mga ito.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang masayang naguusap tungkol sa pagiging MVP ni Neal.
Mabuti pa sya napapansin ng mga magulang ko. Kahit siguro maging presidente pa ako ng Pilipinas, si Neal pa rin ang magaling sa mga mata nila.
Naramdaman kong tinapik ni Neal ang balikat ko.
"Hey. You okay?" mahinang sabi nito.
Sarcastic akong tumawa. Mukha ba akong okay?
Nagkibit-balikat lang ako. Wala ako sa mood para makipag-usap. Sakto namang nailagay na ang mga pagkain sa mesa kaya nagsimula na rin kaming kumain. Wala akong gana pero pinilit kong kumain para wala namang masabi ang mga magulang ko.
Tapos na kami sa main course kaya desserts na ang inihahain ng mga kasambahay.
"Senyorita, ito na po ang strawberry ice cream mo. " sabi ng kasambahay kasabay lapag ng ice cream sa harap ko.
Naramdaman kong natigilan ang katabi ko.
Tumikhim ang binata.
"Uhm. I thought you hate strawberry-flavored ice cream. You loved vanilla, right?" tanong ng binata na nakakunot-noo.
Natigilan ako. So naaalala mo pa pala iyon? Tss..Mapagpanggap.
Blanko ang ekspresyong tinignan ko sya.
" I don't like vanilla anymore. I realized na hindi naman pala sya ganoon kasarap talaga." matigas na sagot ko.
"But you hate strawberries! I always bribe you with vanilla ice cream when we were kids. Actually, that's the only flavor that you like. What happened?" nagugulumihanang tanong nito.
"Were. Past tense. Ibig sabihin matagal na iyon. I grew up. A lot of things happened. I am not the same kid anymore. Yeah. I was loyal to vanilla but I come to realize na mas gusto ko na pala ng ibang flavor. Ganun lang kasimple. " kibit-balikat kong sagot.
Matagal syang nakatitig sa akin na parang binabasa nya ang laman ng utak ko.
"Hey! Stop staring at me." naiinis na sabi ko sa kanya.
"You're right. You're not that kid anymore." bulong nito nang mahina at bumaling na sa pagkain nito.
Minadali kong ubusin ang pagkain at nagpaalam na aakyat. Sinabi ko na lang na gagawin ko pa ang projects ko kahit tapos ko na ang mga iyon.
Pagpasok ko ng kwarto ay dumiretso ako sa banyo para mag hot shower para matanggal ang stress ko. Pagkatapos ay sinuot ko ang silk robe ko at lumabas ng banyo.
Napatigil ako nang makita ko si Neal na nakaupo sa kama ko at matiim ang titig sa akin. Agad na uminit ang ulo ko.
"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" sigaw ko sa kanya.
"Well, brat gusto ko sanang makipag-usap sayo. Di ko naman alam na magshower ka kaagad. " kalmadong sabi nito.
"O ngayon, dahil alam mo na, lumabas ka na at magbibihis pa ako." taas kilay ng balik ko sa kanya.
Ngumisi lang ito.
"Bakit? Magiging asawa din naman kita. Eventually, makikita ko na rin yan lahat." pang-aasar pa nito.
"You wish. I will never marry you. Over my dead body. " matiim kong tingin sa kanya habang nagsasalita.
"We'll see. You are mine Saffi." confident na sabi nito.
"Ang dami mong satsat. Labas na. Magbibihis ako." pagtataboy ko sa kanya.
Umigting ang panga nito.
"Why do you hate me? I know di na tayo gaano nag-usap but we were friends." sabi nito.
"Again. Were. Past tense. Move on ka na pwede. And why do I hate you? Why not? For sure masasagot mo naman yang tanong mo. Kung idadamay mo na naman ang mga magulang ko, edi kayo magpakasal ng mga magulang ko. Huwag nyo akong idamay sa mga kabwisitan nyo sa buhay. Ngayon, umalis ka na kung ayaw mong sumigaw ako nang malakas. " kuyom ang kamaong sabi ko sa kanya.
Binuksan ko ang pinto at sinenyas sa kanya na lumabas na sya. Tumayo naman ang lalaki. Nang saktong paglabas nya ng pinto,malakas kong ibinagsak ang pinto at agad na ini-lock ang pinto.
Bwisit!!

BINABASA MO ANG
The Bratinella Series 2: Outsmarted by the Brainy Brat (Saffi & Neal) COMPLETED)
Roman d'amourSaffira Amanda Andersen. Engaged to be married to Neal Wilson Sanchez. Ang playboy na anak ng bestfriend ng Daddy nya. And she hates him big time. She tried to stop the arranged marriage a million of times. But this guy always go in the way. He's to...