"Last 30 seconds! Team Engineering on the lead by two points!" sigaw ng commentator sa school.
Pigil-hininga ako habang nakaupo sa malayo at tahimik na nanonood ng basketball. Kung hindi lang ako member ng school org malamang ay wala ako dito. Neal is playing as the power forward of the team business. Nasa masters degree na sya at naglalaro pa rin sya under the Team Business kahit na last year nya na. Two years lang naman kasi ang masterals.
"Go Sanchez, Go Sanchez! Go Sanchez!" sigaw ng mga fangirls nito.
"Neal, babe, kaya mo yan!" sigaw naman ng isa pang malanding katabi ko.
Eeew! I rolled my eyes sakto naman sa paggawi ng tingin ni Neal sa pwesto ko. Nakita nito ang pag-ikot ng mga mata ko. Tinaasan ko pa ito ng kilay. Kumindat naman ito at nagflying kiss sa gawi ko. Nagtitili naman ang babaeng katabi ko.
"Did you see it? Omg! He winked at me at nagflying kiss pa! Aahh.. I love you Neal!!!!" sigaw pa ng katabi ko na lalong ikinairita ko.
Agad namang naagaw ni Neal ang bola at mabilis na umiwas sa kalaban at pumuwesto na para magshoot.
Natahimik ang buong stadium.
"Three points for Sanchez!"
Naghiyawan ang mga ka-course ko. Nanalo kami! Sobrang ingay ng stadium! Ang mga kateam ni Neal ay pumaikot dito at binuhat ito. Makikita ang saya sa gwapong mukha nito. Lumapit din dito ang pinsan nito at mga kaibigan.
Tumayo na ako at dahan-dahang naglakad palabas ng stadium. Nang biglang may humila sa kamay ko.
Paglingon ko, nahigit ko ang hininga nang makitang si Neal ang humila sa akin. Neal is dripping with sweat pero pakiramdam ko mas lalo pa syang gumwapo.Paano ko nga ba ilalarawan si Neal?
Neal is freakin' good-lookin with his brown eyes that melts your soul.
His long hair that is tied into a bun.
He has this brooding look that makes him look even more hot.
And his lips. It's naturally red and definitely kissable.
And his body? More like a greek god.
How could a jerk like him this good-looking?
Mapait akong ngumiti.
Oh, I just hate him so much..
"Hey,Saf." pukaw nito sa akin.
"What? " tanong ko naman na nakataas-kilay.
"Sorry about what I said earlier about your dad. It was indeed below the belt." he said while staring at me.
Nagkibit-balikat lang ako.
"I'm not sorry for what I told you though. " sagot ko.
"I know. By the way, gusto mo bang--" naputol ang sinasabi nito nang biglang may sumabat na isang magandang mestisa na kulot ang mahabang buhok at mahahaba ang pilik-mata.
Si Ashley!
"Hey Neal! I heard you're once again the MVP. So proud of you!" masayang sabi nito at nagbeso pa ito sa binata.
"Let's go out and party! Sama natin si Duke! " dagdag pa nito.
Napatingin lang sa akin si Neal. Ganundin si Ashley.
Napabuntong-hininga ako at diretsong tumingin sa binata.
" I better get going. May lakad pa pala kayo ng mga friends mo." sabi ko sabay talikod at mabilis na umalis doon.
Dire-diretso akong naglakad hanggang makarating sa Brats VIP room. Pagkasara ko ng pinto, agad kong naramdaman ang luhang tumulo sa mga mata ko.
"Neal, promise mo sa akin, friends tayo forever? Walang iwanan?" nakangiting sabi ng batang Saffi habang nilalaro ng daliri ang dulo ng kulot nyang buhok.
"Oo naman Saffi. Walang iwanan. Kahit may iba pa akong makilala, you will always be my number one." pangako naman ng batang lalaki.
"Yehey! Sabi mo yan ha?" masiglang sabi ng batang Saffi sabay nagpinky promise sa batang Neal.
"Promise." nakangiting ganti nito.
Tuloy-tuloy sa pagdaloy ang luha nya nang maalala ang nakaraan.
"Hi! I'm Saffira. Can I join your group? I want to be your friend too." nakangiting lapit ng labing-isang taong gulang na Saffi.
Tinignan lamang sya ng mga ito.
"Why? Kasi, hindi na kayo friends ni Neal? Wala ka nang kaibigan? Oooohh! Kawawa ka naman! Pero sorry ha, ayaw namin sayo. Umalis ka na dito!" pagtataboy sa kanya ng mga kaeskwelang babae.
Ilang beses pa siyang sumubok na makipaglapit sa mga kaedad nyang babae pero ayaw ng mga ito sa kanya kasi kesyo hindi naman daw sila close.
"Ayaw namin sayo..Masyado kang maganda nasasapawan kami!"
"Baka naman tibo ka. Hindi ba si Neal ang kaibigan mo? Doon ka na!"
Hanggang sa napagod na sya. She was alone all the time. Wala lagi ang mga magulang dahil busy sa company. Si Neal naman ay nakikita nyang masayang masaya kasama ang mga kaibigan nito habang nakamasid lang sya sa malayo.
Sobrang sakit sa pakiramdam. That worst feeling of betrayal. Which is the main reason kung bakit ayokong magpakasal sa kanya. Paano ako magpapakasal sa isang taong walang pakialam sa nararamdaman ko?
What will happen to me? I don't want to end up being a trophy wife. Never. I have to act fast. I need to stop the wedding."Saffi, what happened? " tanong ni Zara na kakarating lang kasama si Quincy at Raven.
"Brat, you okay?" tanong naman ni Raven.
"Don't cry Saf. If this is because of that jerk Neal again, I swear mapapatay ko sya!" naiinis na sabi ni Quincy.
Tumingin ako sa mga ito.
"Brats, I need to stop the wedding. Ayokong makasal sa kanya."
Naaawa naman na nakatingin ang tatlo sa akin. Alam nila ang kwento ko at ni Neal mula noong bata pa kami.
"Saf, baka naman magbago na din sya kapag ikinasal kayo." sabi ni Quincy.
Napailing ako. I know him too well.
"Hindi nga nya napanindigan ang friendship namin, marriage pa kaya? I won't be a martyr wife na kapag kailangan nya saka lang papansinin. I don't want the feeling of being discarded again." naiiyak kong sabi.
"Saffi, don't cry. " pag-aalo ni Zara sa akin.
"Just think happy thoughts. Don't dwell on him too much. Para di ka mastress. Isipin mo na lang ang inannounce ng Dean kanina. You are again the top 1 of our class. Alright! " nakangiting sabi ni Quincy.
"Yes Saf. I bet your parents would be very happy once they know about it." dagdag pa ni Raven.
Mapait lang akong napangiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/177405150-288-k403069.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bratinella Series 2: Outsmarted by the Brainy Brat (Saffi & Neal) COMPLETED)
RomansSaffira Amanda Andersen. Engaged to be married to Neal Wilson Sanchez. Ang playboy na anak ng bestfriend ng Daddy nya. And she hates him big time. She tried to stop the arranged marriage a million of times. But this guy always go in the way. He's to...