Arranged Marriage

4.3K 104 1
                                    

Sa kasalukuyan.

"Whaaat?!!" nanlalaki ang mga matang sabi ko kay Mommy at Daddy.

No! It can't be! I cannot marry Neal. I don't want to. Please! Oh my God! No!

"Saffira Amanda, lower down your voice." seryosong sabi ni Daddy.

"But Dad, I don't want to marry that jerk." sagot kong pabalik.

"Saffira! Hindi ka namin pinalaking ganyan. That's so rude of you to call him that. Neal is like the son that we never had. Ano bang ayaw mo sa kanya? He's good-looking and very smart. He's an achiever. I heard he's also an MVP and a member of the school organization. He's also charming and sweet. Ano pang hahanapin mo? He's got it all." dagdag pa ni dad.

"Hindi ba, close kayo noong bata pa kayo? You're so lucky na siya ang mapapangasawa mo anak. Let's be grateful na gusto ka din niyang pakasalan." sabi pa ni Mommy.

Parang nablangko bigla ang utak ko.
Lucky?? Grateful?? Wow, talaga bang dapat pa akong magpasalamat na gusto niya akong pakasalan? Kung kaya nyang bilugin ang ulo nina Mommy, pwes ako hindi. I know, if he was given a chance, hindi ako papakasalan noon. I can never trust him. Ever.

Napatingin ako kina Mommy at Daddy.

"Mom, Dad, I'm sorry. I am marrying for love and not for convenience. I am not going to marry him. Period." hindi ko napigilang maisagot at tumalikod na para pumanhik sa kwarto ko.

"Saffira Amanda, hindi pa tayo tapos mag-usap! " sigaw ni Daddy na nagpahinto sa akin.

"Yan ang sinasabi ko Arturo. Lumalaking bastos ang anak mo. Mabuti pa si Neal, magalang sa magulang at maging sa atin. Napakabait ng batang iyon. Pero itong anak mo, babae nga pero walang galang." naiinis na sabi ni Mommy.

Nagpanting ang tenga ko.
Dahan-dahan akong naglakad pabalik.

"Mom, Dad, nirerespeto ko po kayo salungat sa sinasabi nyo. Pero sana respetuhin nyo rin ako kasi meron din akong pakiramdam. Nagdedesisyon kayo nang hindi nyo man lang ako tinanong. Bigla nyong sasabihing ikakasal na ako. Nasaan ang respetong sinasabi nyo? Mula noon, lagi na lang si Neal ang bukambibig nyo. Si Neal na magaling, si Neal na member ng school organization. Alam nyo bang ako ang presidente noon? Oo, ako ang presidente ng school org. Narinig ko ba kayong pinagmalaki ako? Hindi, di ba? Kasi si Neal lang ang magaling sa inyo. Si Neal na kaliwa't kanan ang babaeng kinakalantari sa school. Sana nga, siya na lang ang naging anak nyo. Tutal, siya lang naman ang magaling sa paningin nyo." sumbat ko sa mga magulang ko.

Naramdaman ko na lang ang napakalakas na sampal ni Mommy na nagpabaling sa mukha ko. Nalasahan ko ang dugo sa labi ko. Mapait akong napangiti. Dahan-dahan akong tumingin kay mommy na parang natigilan din.

"I- - am so- -rry a-nak. I'm sorry. I didn't mean to hurt you." umiiyak na sabi ni Mommy na pilit akong inaabot pero umatras ako.

Maging si Daddy ay natigilan nang makita ang pisngi at labi ko.

"It's okay mom, dad. This is nothing compared to the emotional torture that I have to go through because of your beloved Neal." sabi ko sabay talikod.

Mabilis akong pumanhik sa kwarto at dumiretso sa banyo. Tumapat ako sa shower at binuksan ito. Hinayaan kong basain ako nito na suot ang damit ko.

Tulala ako sa ilalim ng shower nang marinig kong may malalakas na katok sa pinto ng banyo.

"Saffi! Anak, si Yaya Aning ito. Buksan mo ang pinto. Dali!" natatarantang sigaw nito.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang namumutlang mukha ni Yaya Aning.

"Saffi! Ang Daddy mo, inatake sa puso. Isinugod na siya sa hospital ng Mommy mo kasama ang drayber. Magpalit ka na at sumunod tayo doon. " naiiyak na sabi nito at lumabas na ito para gumayak.

Pakiramdam ko ay may isang baldeng yelo ang ibinuhos sa ulo ko. Agad kong hinubad ang basa kong damit at nagpunas ng tuwalya sa katawan saka dali-daling nagbihis. Kinuha ko ang bag ko at tumatakbong bumaba ng hagdan. Nandoon na at naghihintay si Yaya Aning. Sumakay na kami sa kotse at umalis na papuntang ospital.

Nakita ko si Mommy na nakaupo sa visitor's area. Lumapit ako at umupo sa tabi nya.

"Mommy, sorry po. Kumusta na po si Daddy?" mahinang tanong ko.

Tumingin si Mommy sa akin at kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Hinaplos nya ang pisngi kong pulang-pula pa din sa sampal nya at ang labi kong may sugat.

"I'm sorry Saffi. I know, we've been busy with our businesses at di ka na namin nasubaybayan. I am sorry kung nasaktan ka namin. We just adored Neal kasi hindi ka naman na nagkaroon ng kapatid na lalaki. Pero hindi ka naman namin kinalimutan bilang anak. " sabi ni Mommy.

"I know how much you adore him mom. Believe me, I do. Maybe, I expected too much. I just want you also to be proud of me mom. Kagaya ng pagkaproud nyo kay Neal. Nevertheless, nagpapasalamat na din ako na hindi nyo rin pala kinalimutang anak nyo ako. That's good enough for me. " mapait kong sabi.

But mommy, I think I deserve more.. piping dugtong ng utak ko.

Natahimik si mommy. Biglang dumating naman ang doctor.

"Kayo po ba ang pamilya ni Mr. Andersen?" tanong ng doktor.

Tumango kami ni Mommy.

"He's out of danger now. Kailangan lang nya ng pahinga at inumin ang maintenance nya at mga nireseta kong gamot. Kung maaari po, iwasan po natin syang mastress at matrigger na naman ang puso nya. Baka di na nya kayanin sa susunod na atakehin sya. Maaari nyo na po syang puntahan sa private room nya."sabi ng doktor at nagpaalam nang umalis.

Bumaling si mommy sa akin na umiiyak.

"Saffi, please pumayag ka nang magpakasal kay Neal. Hindi ko kakayanin kapag nawala ang daddy mo sa atin. Huwag na natin syang istressin. Pakiusap lang anak." umiiyak na sabi ni mommy.

Pakiramdam ko nadudurog ang puso ko habang nakatingin kay mommy na umiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Dalawa lang ang pagpipilian ko.

Ako o si Daddy.

Napakuyom ako at kagat-labing tumango.

Biglang sumilay ang mga ngiti sa labi ni Mommy. Bigla nya akong niyakap. "Salamat, anak. Salamat."

Mapait akong napangiti.

Malalim akong napabuntong-hininga.

Neal Wilson Sanchez. Bakit ba kailangang nakaakibat sayo ang kaligayahan ng mga magulang ko?
I hate you so much.



The Bratinella Series 2: Outsmarted by the Brainy Brat (Saffi & Neal) COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon