Ten years ago.
"Saffira, say sorry to Neal." utos ng Mommy ko. Mahina lang ang pagkakasabi nito pero sa paraan ng pagtingin nya sa akin, sa murang isip ko, alam kong galit na sya. Hindi ko naman maintindihan kung bakit palagi na lang nilang pinapanigan si Neal. Nagalit lang naman ako kasi nangako siyang sasama sa amin ni yaya na bilhin ang paborito kong libro pero matagal akong nag-antay sa park pero hindi sya dumating. Tapos, nalaman kong si Ashley ang sinamahan nya. Si Ashley ang isa naming kapitbahay na kakalipat lang nung isang taon. Mula nang lumipat ito sa subdivision namin, malimit nang makalimutan ni Neal ang mga pinapangako nya sa akin. Kaya nang magkita kami, naitulak ko sya. Hindi ko alam na nandoon pala si Mommy.
"Saffira, naririnig mo ba ako?" tanong pa ni Mommy na mataas na ang boses.
Marahan akong tumango habang nakayuko. Kagat-labing nagsorry ako.
"Sorry Neal. Hindi na mauulit." mahinang sabi ko.
"It's okay Saf. Apology accepted." nakangiting sagot naman nito.
Malalim na bumuntong-hininga si Mommy.
"Thank God Saffi at nagsorry ka. Haay. Maiwan ko na kayong dalawa. Be good to Neal, iha." sabi nito at pumasok na sa bahay.
Nanatili pa rin akong nakayuko nang naramdaman kong inakbayan ako ni Neal.
"Tara Saf, punta tayo sa bahay. Kain tayo ng ice cream. Gusto mo?" yaya nito.
Hindi ako sumagot.
"Tsk. Sayang vanilla flavor pa naman iyon. "
Agad akong napatingin sa kanya.
"Vanilla - flavored ice cream?" tanong ko.
"Yep. Kaso parang ayaw mo. Sige, alis na nga ako." nakangiting sabi nito at binitiwan ako at nag-umpisa nang maglakad pauwi.
Pinigilan ko sya at hinawakan ang kamay nya. Naramdaman kong natigilan sya nang sandali pero lumingon din sa akin na nakangiti na nakalabas ang mga biloy sa pisngi.
"Teka. May sinabi ba akong ayaw ko?" mahaba ang ngusong sagot ko at sumabay ng lakad sa kanya. "Tara, gusto ko ng ice cream." dagdag ko pa.
Napahalakhak ito nang malakas.
"I know, you want it brat. It's your favorite." sabi nito sabay kindat.
I just rolled my eyes.
Tsk. The jerk. He really knows na hindi ako makakatanggi sa vanilla ice cream.
Habang kumakain ng ice cream sa bahay nila biglang dumating si Ashley.
"Hi Neal! I brought chocolate ice cream. Yung favorite natin. Hindi naman masarap yang vanilla." sabi pa nito na nakatingin sa akin.
Tahimik lang akong nagmamasid habang kumakain.
"It's Saffi's favorite." sagot ni Neal.
"Eh di siya nalang kumain nyan. Eto na lang kainin natin kasi parehas tayo ng gustong flavor." sagot pa nito sabay labi.
Natigilan ako. Magkakilala na kami ni Neal mula nang pinanganak ako at laging vanilla ice cream ang kinakain namin. He said it's his favorite. I didn't know nagbago na pala ito ng gusto. Tahimik akong umasa na salungatin nito ang sinabi ni Ashley.
"Patikim nga." sabi nito sabay tinikman nito iyon. "Oo nga. Mas masarap ito. I think magiging favorite ko na rin ito."
I don't know but I felt my heart shattered.
Sa murang edad kong sampu, pakiramdam ko para akong pinagpalit ng bestfriend ko. Na mas okay si Ashley kesa sa akin. Pinigilan kong umiyak.
Ngumiti ito sabay baling sa akin.
"Saf, gusto mo? Try mo itong chocolate. Masarap."
Diretso akong tumingin sa kanya na parang wala lang. "Ayoko na eh. Busog na ako. Sige, uuwi na pala ako. Baka hinahanap na rin ako ni Mommy." paalam ko sa kanya na di man lang tinitingnan si Ashley.
"Okay." sagot lang ni Neal at hinarap na si Ashley at masaya na ang mga itong nag-usap.
My heart felt like it's being stabbed by a dagger multiple times.
Dati-rati, pagkatapos naming kumain ng ice cream ni Neal, ihahatid nya ako pauwi. Pati iyon nakalimutan na rin nito.
Dahan-dahan akong umalis sa bahay nila at mag-isang naglakad pauwi.
That was the last time na nagpunta ako sa bahay nila.
Naging busy na sya sa school at basketball. I know, he's two years ahead of me kaya ganoon na din siguro sya kabusy na hindi na sya nakakapunta sa bahay.
I once saw him with his friends and cousin. He didn't even notice me.
I felt like a toy being discarded.
And that's when I started hating him.
I stopped eating vanilla ice cream.
I never bought that book that I wanted.
Simply because it reminds me of him.
And I hate him so much.
BINABASA MO ANG
The Bratinella Series 2: Outsmarted by the Brainy Brat (Saffi & Neal) COMPLETED)
عاطفيّةSaffira Amanda Andersen. Engaged to be married to Neal Wilson Sanchez. Ang playboy na anak ng bestfriend ng Daddy nya. And she hates him big time. She tried to stop the arranged marriage a million of times. But this guy always go in the way. He's to...
