School System & Student Classifications : 01
Section 1 na naman! Ang nasabi ko na lang sa utak ko ng makita sa papel na binigay ng Admin sa 'kin. First day ngayon ng pasukan sa eskuwela at heto ako hinahanap room ng Grade 10 - Section 1.
Magkaibang building ang ginagamit ng undergrads sa mga postgraduates kaya hindi ko pa gaano gahaman ang mga lugar dito. Macaraeg Highschool is one of the top-tier schools you can go to. Kaunti lang ang nakakapasa kaya kahit Section 4 ka pasalamat ka na lang at napasok ka pa dito.
Nung Grade 6 ako naaalala ko pa rin kung gaano ako ka-kabado sa entrance exam. I also almost bombed it dahil may sakit ako noong time na nagtake ako ng entrance exam. Hindi maganda pakiramdam ko kaya nawalan ako ng pag-asa.
Habang inaalala ang past self ko, I turn to another hallway where I saw a restroom. May mga nakita akong rooms katabi ng restroom. Sumilip ako ng onti at may nakita akong mga estudyante sa loob.
May mga classroooms din pala dito?
Mas namangha ako sa school na 'to. I keep loving MHS everytime I learn about new things about it.
Papasok na sana ako sa restroom ng pambabae para mag-ayos muna ng sarili. Mukha na 'kong aswang dito kakahanap sa room ng Section 1.
Lumapit ako sa may lababo at may nakitang dalawang babae na nag-uusap. parang nakikilala ko rin yung babaeng isa. Hindi ko sila tinititigan kasi baka ma-weirduhan sila sa 'kin.
Naghugas na 'ko at nilabas ang kit ko para magpowder at liptint.
"Andito na naman tayo malapit sa banyo." may halong inis sa tono ng isang babae.
Medyo nagulat ako kasi nag-uusap na sila ngayon at parang di nila napapansin na may tao dito.
Helloooo? Tao pa ba ako?
"Oo nga tas ang baho pa nung banyo di nililinis." Tugon nung babaeng pamilyar sa 'kin.
Mga balahura kasi estudyante dito. Kahit anong linis at ganda ng school at pasilidad nila, it's up to the students at faculty kung gagamitin nila ng maayos.
"Gets ko naman na may pagkabalahura estudyante dito pero yung mga estudyanteng yun yung Section 1 at 2. Halata namang special treatment! Eh sila nga 'tong maraming may violations."
Aba, aba. Kung narinig yan ni Death Bringer siguradong di niyo na makikita ang paglubog ng araw. Paglubog ba o pagtaas ng araw?
Bahala na.
Natapos na 'ko magretouch at makichismis kaya umalis nako. Hoy masama makichismis kaya 'wag gayahin. Sadya lang nag-usap sila habang nandoon ako. Eh kami-kami lang naman. Oo dapat di ako nakinig pero mukha naman akong tanga kung takpan ko tainga ko sa harap nila. I don't justify my actions pero wala lang nalinawagan lang ako sa tingin nila sa 'ming Section 1.
Nahanap ko na ang room namin at andaming nagtatawanan, nagkukulitan, nagngingitian na mga kaklase ko. May mga kaklase ko noong Section 1, mayroon ding bagong mukha.
Baka taga ibang section sila dati o baka transferee?
Nakapangalong-baba na lang ako habang nakikinig sa ingay na nililikha ng mga kaklase ko. Nakakatuwa rin kasi may nagkakaasaran na sa isa't isa tas kinikilig pa!
BINABASA MO ANG
Crown.
Teen FictionJulia Charmaine Navarro, crowned herself with achievements. She never considered love and only focuses on her career. Looking back at herself, she never gained love and had no interest to do so. Why? Blinded by career, I guess. But what if her first...