03

119 25 70
                                    

Worries and Lonely Nights : 03

Habang naglalakad pauwi ay nakita ko ang playground dito sa village namin. Dumiretso agad ako sa swing. Dinuyan ko ang sarili ko habang nag-iisip nang malalim. Inisp ko na magiging kalbaryo ang grade 10 ko. Kung kailan patapos na ang junior high ay saka naman ako nahirapan.

Aaminin kong takot ako. Takot akong makisama lalo na't ako ang Vice President, takot akong makakilala ng bagong tao, at takot ako sa mga imposible na posible palang mangyari. Gusto ko lang mabuhay na alam ko na ang kahahantungan ko. Yung kinabukasan ko? Planado, matagal na. Ayaw kong makaramdam ng kahit anong emosyon maging saya, lungkot, o takot ayaw ko ng maramdaman. Dahil takot akong masaktan.

Habang iniisip ko lahat ng ito tinutulak ko ang sarili ko paharap at pinapakawalan ang sarili para magduyan. Nakataas ang ulo ko sa langit at pinapanood ang paggalaw ng mga ulap. The sky was in shade of blue, violet, and pink. 

Pretty colors. 

Nilalaro ko rin ang buhangin sa may paanan ko.

"Kung saan-saan na naman napupunta ang isipan natin, Lia?" May narinig akong boses sa likod ko. Nilingon ko siya at nakita ang pamilyar na mukha niya. Hindi lang pamilyar, kilalang kilala ko siya. 

Nasa may likod ko siya pero hindi pa rin siya tumatapak pa-pasok ng sandbox.

Jacob Garcia. "Bakit ka 'andito?" tanong ko sakaniya dahil nagugulat pa rin sa presensya niya. Kapatid niya si Phoebe, Mayor ng buong JHS.

"Wala kasi ako roon." Pumasok siya sa sandbox at deretsong umupo sa swing katabi ng akin.

Inirapan ko ang sagot niya at iginayak ang tingin sa harap. 

"At baka magka-village lang tayo, 'no?" Sunod na pagpipilosopo niya.

Kahit kailan talaga hindi nawawala ang pagkapilosopo ng isang 'to. Siya ay kaklase ko noong elementary, pagkatapos parehas kaming nakapasok sa MHS at naging magkaklase kami nung grade 7 to 8. Kalagitnaan ng grade 9 nilipat siya ng section.

Maraming nalilipat na section 1 sa section 3 or 4. Ngayon isa siyang VR at taga-section 3. Ayaw ko nang makikialam pa ako sa kaniya dahil may tungkulin siyang kailangang gampanan kaya inilayo ko na lang ang sarili ko sa kaniya. Nag-uusap din naman kami gaya ng ganito kaso one-sided ang conversation namin. Dahil na rin siguro sa akin kasi ayaw kong pahabain pa ang usapan. 

Baka nasasayang ko oras niya.

"Balita ko ikaw ang Vice President ng Section 1?" Sinulyapan ko siya. Kumunot ang noo niya at puno ng interes ang kaniyang mga mata. Bumuntong-hininga ako nang maalala na namang Vice President ako ng Section 1.

Tinanguan ko siya. "Akala ko ba ayaw mo ng may katungkulan sa school natin?" Ang dami niyang tanong. Alam ko namang nagtataka siya dahil kilala niya ako. Tama siya, ayaw ko ng katungkulan. 

"No choice. May gagong tinarantado ako."

Narinig ko siyang tumawa. "Ano?" tanong niyang may halo nang tawa at parang hindi pa rin makapaniwala sa sinasabi ko.

"'Yung Vice Mayor pinagtripan ako."

Naramdaman kong lumapit ng kaunti sa akin si Jacob. "May ginawa ka bang ikinagalit niya?" Tinignan ko ang mukha niya. Kunot-noo niyang tinanong sa akin 'yun at may halong pangamba ang pagkakatanong niya. 

Crown.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon