05

86 18 7
                                    

Fun : 05

Nagsipasukan na ang mga subject teachers namin na naka-schedule para sa araw na ito. Katulad nang ginawa ni Ms. Mayi ay nagpakilala rin ang mga sumunod pang guro sa mga transferees. Makilala mo na kung sino ang terror at hindi. Kung sino ang considerate sa hindi..

"Oh class kumusta naman ang bakasyon? Ano-ano ang mga ginawa niyo nung bakasyon?" Nakangiting tanong ni Ms. Catalan, Values Teacher namin.

"Nakinig po sa lahat ng sermon ni Nanay!"

Bahagyang natawa si Ms. Catalan sa nagsalita. "At bakit ka naman sinermunan, Gail?"

"Magdamag daw po akong nagseselpon, Miss!" Masayang sambit nung Gail.

"Oh e bukod kay Gail na sinermunan ng nanay niya dahil kakaselpon niya.. Sino pa rito ang pedeng ishare ang ginawa sa bakasyon nila?" Nandoon pa rin ang mga ngiti ni Ms. Catalan.

"O sige ha, tatawagin ko kayo isa-isa.." Pagbabanta niya.

Palihim akong napabuntong-hininga dahil sa narinig.

Nakaramdam akong may tumingin sa 'kin kaya napatingin ako sa may kaliwang gawi ko kung nasaan si Calista. Nagtama ang paningin namin at hindi man lang natinag sa pagtitig ko pagbalik. Malalim ang titig niyang 'yun na para bang binabasa ang iniisip at kinikilos mo.

Wala kang mababasa sa 'kin dahil lahat 'yan ipinapakita ko na..

Itinuon ko muli ang paningin ko sa harap. 'Andoon si Ms. Catalan na masayang pinapakinggan ang mga estduyanteng natutuwa rin sa pagkukuwento.

"Ang ganda naman ng bakasyon ni Sally! Sa Palawan.." Tatango-tango at nakangusong sambit niya para bang naiinggit sa kuwento ni Sally.

"Nako Miss! Halos taon-taon kami roon dahil 'yun ang birthplace ko at probinsyang kinalakihan ng Mama at Lola ko!" Taas-noong sambit ni Sally.

Psh..

"Miss! Maganda rin po bakasyon ko." Nagtaas ng kamay ang katabi ko. Napasulyap ako sa kaniya at iniwas ang paningin nang nakitang papalapit na si Miss sa gawi namin.

Mag-isip ka na Julia! T'yak, ikaw ang tatanungin niyan!

Ano nga ba ang ginawa ko nung bakasyon? Hmmm, wala naman ata e? Halos mabulok na nga ako sa loob ng bahay at kwarto ko! 'Di ako lumalabas sa kwarto at sa bahay. Parang tinamad akong kumilos noong bakasyon. May linggo pang nawala si Tita Maricel dahil may bibisitahin siya kaya naiwan lang ako sa bahay, mag-isa...

Bigla tuloy akong nahiya kung isasagot ko na wala akong ginawa nung bakasyon maski isa!

"Galing po kasi akong Canada.. And I was the only one left in Canada. They were all here while I was left there.." Nakasimangot niyang sambit.

"But the lonely feeling and the heavy feeling suddenly disappeared when my sister and parents wanted me to go back here and live with them." Ngumiti siya nang pagkalaki-laki.

"Nakakagulat at masaya ako.. Salamat sa kanila dahil hindi nila ako napabayaan at nakalimutan.. Maybe that was the the best thing that happened in my vacation." Bahagyang yumuko si Calista habang nakanguso.

Sinulyapan ko muli ang katabi ko nang makaramdam ako nang lungkot sa kinuwento niya. Kung iisipin mo, kaya ganoon pala 'yung mga ekspresyon na ipinapakita niya, gaya ng mga malalapad niyang ngiti na ipinapahiwatig ang pagkagalak niya, ay dahil siguro sa sobrang tuwa niya dahil may makakasama na siya mula ngayon.

"That's a great story, Tan." Sinserong ngumiti si miss sa kaniya.

"Ms. Navarro! I am excited to hear your story! Nung grade 9 e wala kang nasabi sa akin dahil nanood ka lang ng anime kamo? Naalala ko 'yung mga kuwento mo nung grade 7 at 8 ka pa lang!" May galak na usal niya. Bahagya siyang pumunta sa harap ni Calista pero nakatagilid siya at sa akin nakaharap.

Crown.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon