"May gusto akong ipagtapat sa iyo."
Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Gusto kita Nathan. Hindi. Mahal na yata kita."
Natawa lang ako. Ano? Hindi! Mali ang naging reaction ko. Nakatingin siya sa akin.
"Anong nakakatawa? Hindi to joke!"
"I'm sorry. Pero ..."
"Pero ano?"
Hindi ko alam. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Hindi ko alam." Iyon lang ang nasabi ko. Bigla akong tinalikuran ni Gwen.
"Sandali! Gwen!" hinawakan ko ang braso niya.
"Bago ako umalis. May tanong ako sa iyo ............. Mahal mo pa ba siya?"
Napayuko ako. Mahal ko pa ba siya? Tumingin ulit ako kay Gwen.
"Siguro."
Biglang tumulo ang luha sa mga mata niya at tumakbo siya palabas ng restaurant. Sinundan ko siya. Paglabas namin ang lakas ng ulan. Nagtawag siya ng taxi. Sumakay siya at hinawakan ko ang pinto.
"Gwen! Huwag ka namang ganyan!"
"Manong! Paandarin niyo na po."
"Sandali lang. Gwen! Please, makinig ka. Okay! Bigyan mo lang ako ng oras na makalimutan siya. Pagkatapos nun baka ...."
"Huli na ang lahat!"
"Sasakay ka ba, kaibigan? Nababasa na yung loob taxi ko sa iyo eh."
Kilala ko ang driver na yun. Siya yung sinakyan ko kanina papunta dito. Natulala lang ako.
"Tara na po, manong! Hindi po yan sasakay."
Umandar na ang taxi. Wala akong nagawa kundi tignan ang papalayong taxi. Ano bang nangyayari sa akin? Maya-maya lang nakarinig ang ng napalakas na pagkalabog. Hinanap ko kung saan nanggaling ang kalabog na yun. Nang mahanap ko ang pinanggalingan nito .................
HALOS MAGUNAW ANG MUNDO KO!
BINABASA MO ANG
Come Back For Me (ON HOLD)
Teen FictionMeron kang bestfriend at di ka sure kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya.... isang araw umamin siya na may gusto siya sayo di mo alam kung paano ka magrereact... nasaktan siya nang husto. sinubukan mo siyang kausapin pero may nangyaring hindi...