[Nathan’s POV]
What the hell was that?!
Okay. We hold hands. We hug. Pero this is the first time that I kissed her. Well, sa noo lang yun Nathan! WALANG BIG DEAL DUN! Kaya huwag kang magfreak-out. Praning na talaga ako!
“Tahan na. Ang panget mong umiyak eh.” Sabi ko.
“Walangya ka talaga!”
Nagtawanan kaming dalawa.
“Pero, no joke. Salamat kasi nandiyan ka kapag may problems ako.”
“Hmp. Drama! Tara na nga.”
She pulled my left hand. Ngumiti na naman ako. Tsss… nagwagi na naman siya. Napapangiti talaga niya ako in her own ways. Bumalik ulit kami sa table na kinauupuan namin kanina.
“Nathan. Saan ka galing? Sayang! Hindi mo napanood yung pagkanta ni Chloe.” Sabi ni Alex.
“Oo nga! She really has an angelic voice.” Sabi ni Jed.
Nang-aasar ba ‘tong mga gagong ‘to?!
“Ahmm … Guys! Uuwi na ako. Medyo masama ang pakiramdam ko eh.” Sabi ko.
“Sayang naman, pare!” sabi ni Enzo.
“Oo nga naman. Maya-maya na.” sabi ni Jed.
“Kailangan ko na talagang umalis. Kita-kita na lang ulit tayo next time.”
“Okay! Ingat na lang, pare.” Sabi ni Alex.
“Sasama na ako sa iyo.” Sabi ni Gwen.
“Okay.”
“Bye, guys! Text or chat na lang.” sabi ko.
"Sige." Sabi nila.
Naglakad kami palabas ng venue.
“Wait lang!” sabi ni Gwen.
Bigla niyang tinanggal yung sapatos niya. Natawa ako.
“Haaaaaaaaay …. Ang sakit na ng paa ko!”
“Kaya pala gusto mo nang umuwi.”
“Hindi talaga ako sanay eh. Pinilit lang ako ni mommy. Buti nga nasurvive ko ‘to.”
“Buhatin na kita.”
“Huwag na! Kaya ko na ‘to. Maglalakad na lang ako ng nakapaa.”
Binuhat ko pa rin siya. She squeals. I laugh because of her reaction then I wince at the pain I feel from my right hand.
“Ibaba mo na ako.”
I did. I check my hand and it’s still bleeding.
“Dalhin na kita sa clinic.”
“No. I’m fine.”
“Come on. I insist.”
Pumunta kami sa isang clinic at ginamot nila ang kamay ko. Tinahi nila ang sugat ko. Pagkatapos ng procedure medyo masakit pa rin ang kamay ko. Pero wala ‘to sa sakit na nararamdaman ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Come Back For Me (ON HOLD)
Novela JuvenilMeron kang bestfriend at di ka sure kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya.... isang araw umamin siya na may gusto siya sayo di mo alam kung paano ka magrereact... nasaktan siya nang husto. sinubukan mo siyang kausapin pero may nangyaring hindi...